Chapter 23
"Auriga...the charioteer" saad ko sa isipan ko.
Bumalik ako sa ulirat at agad na sumunod kay Eda. Inunahan ko siya sa paglalakad dahil ako ang kilala ng mga security rito.
"Ma'am, teka po. Hindi po kayo pwedeng pumasok." Nagulat ako matapos pigilan ng isa sa mga naiwang security guard. Nabawasan sila matapos habulin papasok si Gwendelyn.
Kunot-noo ko siyang tinignan. "Bakit po? Personal assitant po ako ni Estefanio Del Carpio," paliwanag ko.
"Sorry Ma'am pero hindi na po kayo pinapasok dito ni Mrs. Del Carpio."
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Dahil ba ito sa nangyaring pagtakas namin ni Estefanio papuntang Ilocos? Galit ba sa akin si Mrs. Del Carpio?"Pasensiya na po kayo ngunit may mahalaga po kaming dahilan para pumasok sa hotel na ito," singgit ni Eda matapos marinig ang sinasabi ko.
Napakamot sa ulo ang lalaki. "Pasensiya na kayo. Kami ang—" Natigilan ito sa pagsasalita nang biglang tumakbo papasok si Eda.
Hindi niya ito nagawang pigilan bagkus ay hinabol niya pa ito papasok. Nagi itong pagkakataon sa akin para makapasok din."Hoy! Bawal kayo rito!" Narinig kong humabol din sa akin ang isa pang guard kaya nagmadali naman ako sa pagtakbo papunta kay Eda.
Nagkagulo na ang mga nasa lobby dahil sa pakikipaghabulan sa amin ng dalawang security guard. Nagpaikot-ikot pa kami ni Eda bago nagkaroon ng tiyempo para makatakbo paakyat sa hagdanan ng hotel.
"Bilis Juliet," bulalas ni Eda habang nauuna sa pagtakbo paakyat.
Napalingon ako sa ibaba namin at agad na nabigla matapos akong hilain ng isang security guard sa paa.
"Huli ka!" gigil na saad nito. Natumba ako sa hagdanan at pilit siyang pinagsisipa ngunit mas malakas ito sa akin.
Napalingon ako kay Eda dahil natigilan din siya sa pagtakbo. Napansin kong unti-unti na naman siyang nagliliwanag at nagsisilabasan na ang mga dust particle sa katawan niya. "E-eda, mauna ka," utos ko sa kaniya habang patuloy sa pilit na pagtakas sa guard na humihila sa akin.
Hindi ko na narinig pang sumagot si Eda bagkus ay nabigla na lamang ako nang bumagsak sa guard na humihila sa akin ang ilang mga telang nakasabit sa dingding ng hotel. Humarang ito sa mukha niya dahilan para mabitawan ako at mapadausdus pababa ng hagdan. Natamaan niya pa ang kasunod niyang guard kaya pareho silang napabagsak sa ibaba.
Agad akong tumayo at humihingal na tumakbo papunta kay Eda."G-gumamit ka ng kapangyarihan?" tanong ko sa kaniya. Seryoso niya akong tinanguan. Sa ilang buwang pananatili namin sa taon at lugar na ito, ilang beses ko pa lang na nakitang ginamit ni Eda ang natitirang kapangyarihan niya. Isa ito sa mga pagkakataon na iyon.
Hawak-kamay kami ni Eda nang takbuhin paakyat ang ikalawang palapag ng hagdanan. Habang umaakyat kami ay mas lumalakas ang pagliwanag niya at paglabas ng mga dust particles sa katawan niya.
Nang tuluyan kaming tumuntong sa ikalawang palapag ay agad kaming natigilan dahil nasa dulo ng pasilyo nito si Gwendelyn na hinahabol din ng apat pang security guard. Ngumiti si Gwendelyn nang makita kami. Agad ko ring napansin ang pagliwanag niya tulad kay Eda. Isa nga siyang celestial soul.
Dahil sa pagngiti ni Gwendelyn ay napalingon din sa amin ang mga security guards na humahabol sa kaniya. Tagaktak na ang mga pawis nito at humihingal.
"Hindi po kayo pwede rito ah!" sigaw ng isa sa kanila sa akin. "At teka, b-bakit nagliliwanag kayo pareho? A-anong kapangyarihan 'yan?" hindi nito makapaniwalang saad. Nagpalipat-lipat ang tingin nila kay Gwendelyn at Eda.
BINABASA MO ANG
Till I Rewrite The Stars (Under Revision)
Fantasy[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingala sa isang bituwin. Sa dami ng artistang gugustuhin niya, iyon pang nasa taong 1990s-'yun pang younger version ng 43-year-old na artista sa...