01

128 2 1
                                    

Katalina Louise

I arranged my things at lumabas na sa condo unit ko. Pababa na sana ako ng elevator ng may pumigil sa kamay ko. Napairap ako. Sa araw araw na ginawa ng diyos eto lage ang eksena ko. Kung hindi lang ako nasa 17th floor ng condo na to naghagdan na ako.

"Do you really have to do this everyday?" Hindi ko ba alam kung bakit hindi siya natitinag sa sobrang inis ko sakanya halos araw araw.

Narinig ko ang malakas na tawa niya. Napapikit naman ako sa inis.

"Come on Katalina! Sabay na kase tayo! Same University, Same house, Same place to go! Sayang ang gas mo!"

"Ayoko" Yan lang parati ang kong sinasagot sa mga paganyan-ganyan niya. Kelan ba siya magsasawa?

"You're too hard to please" Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya pero wala akong pakialam.
Nagbukas na ang elevator at pumasok na ako roon. Naramdaman ko ang pagpasok niya pero hindi ko pa rin siya pinansin. Bahala siya.

I felt him inch closer to me. Kinalabit niya ako kaya naman inis na akong lumingin sakanya.

"Stop it already, Alexander! Hindi na ako natutuwa sayo" Buti na lamang at walang tao kaming kasama sa elevator. Bumakas na ito at lumabas na ako dumeretso sa carpark.

Papaalis na sana ako ng may kumatok sa binta ng kotse ko. Kailan ba titigil tong lalaking to? Nangigigil akong binuksan ang bintana.

"Ano nanaman ba!" Napasigaw na ako ng malakas.

He pouted. "Sorry na. Ingat ka ha!"

Ngumiti siya at nagpaalam na at lumakad papunta sa sasakyan niya. Umiling lang ako at umalis na. Alexander Fajardo will be the death of me. Araw araw na lang ay ganyan ang eksena namen.

Pagkapark ko ay nagmamadali na akong lumabas ng sasakyan. Tumakbo na ako papuntang Business Building. Late na ako!

Hingal na hingal ako ng makaabot ako sa pinto. Napansin naman ako agad ng kaklase ko. "Tara na hoy! Buti wala si Sir! Kundi lagot ka nanaman"

Malawak ang ngiti ko ng makaupo na ako. Huminga ako ng malalim. Shit! Pagod na pagod ako. Medyo malayo kase ang Bisbuild sa carpark kaya talagang napagod ako. Pagkapunas ko ng pawis ay bumaling na ako sa katabi ko at nakipagdaldalan na. Dumating na yung prof kaya naman nagfocus na ako dahil medyo terror pa naman ito.

Pagkatapos ng klase ko ay bakante ako hanggang 4 kaya naman I decided na umuwi muna. I don't really have friends dito sa school na gagala kasama ako kase halos lahat ng kaklase ko puro aral ang inuuna kaya kapag gusto kong gumala wala akong ibang kasama kung hindi ang bestfriend ko na si Dianne. She's from another university, La Salle. Kaya lagi kaming hindi nagkikita kase medyo malayo ang pinapasukan ko.

Nagluluto na ako ng lunch ko ng may kumatok sa pinto ko. Wala naman akong naaalalang ininvite at wala rin naman akong inorder online. Sino naman to?

"Hi! I did not make any delive--" Hindi pa ko natatapos sa sinasabi ko ay may sumupalpal na sa mukha ko. What the hell!

"Shush Shush Sissy! Aren't you glad I'm here?" Napakalakas ng boses ni Dianne matapos akong itulak at nagderederetso sa loob. Pinanood ko siyang tanggalin ang heels niya at binato ang bag sa sofa.

A Billionaire's Regret (Billionaire Series #1: Alexander Fajardo)Where stories live. Discover now