20 (The Lucky Winner)

3.3K 193 15
                                    

Laine's Pov

"Dwight?"

Pero hindi niya ko binalingan ng tingin bagkus nakatutok padin ito sa kinaroroonan ni Jethro

Nakita kong may isang lalaki na lumapit sa kinaroroonan nila Dwight

"What's the problem here? Anong kaguluhan ang narinig ko?" Maybe isa ito sa mga namamalakad ng bar

"Ah eh, pagpasensyahan niyo na po pero babayaran nalang po namin at papalitan lahat ng nasira ng kaibigan ko, may pinagdadaanan lang po kasi siya ngayon kaya medyo napagbuntunan niya ng galit yung ilang gamit dito" rinig kong pagtanggol ng isa sa mga teammate ni mokong patungkol sa nayuping upuan...Hinampas ba niya ito kaya nayupi ng ganyan?

Akala ko mag-isa lang siya....Kasama rin pala niya ang mga teammates niya sa basketball....Bakit alam ko? Kilala ko na sila dahil nakikita ko ang mga ito sa tuwing may practice sila Dwight....

"I do hope you'll fix this mess as soon as possible, medyo mahigpit yung upper manager namin when it comes to the amenities ng bar kaya aasahan ko yang sinabi mo" tsaka ito lumisan.....Nakita kong nakatayo parin si mokong habang inaawat at pinapaupo ng  mga kateammates niya pero this time ay nakatingin na ito sakin, pinasadahan pa yata niya ng tingin ang suot ko kaya medyo nahiya at feel ko namula ako ng very light....hindi ko mawari anong emosyon ang pinapakita niya pero iniwas ko nalang ang tingin dito....

Binalingan ko ng tingin ang putang inang si Jethro dahil sa nagngingitngit ang ngipin ko sa sobrang galit....Pinaramdam ko sa kanya ang mga tingin kong kasing talim ng espada ni Flyn sa AT.....Ang kapal niyang bastusin ako...Hindi porke't bakla ako eh bibigay nako sa motibo niya, at talagang ang yabang niya huh? Ano raw? I like him? Jusko!! Kahit ang more than 1000 pages na Meriam mahihiya sa kapal ng pagmumukha niya! Pakshit sya! Manyak!!!

"Baks! Oh? Anyare sayo? May problema ba? Pasensya kana at natagalan ako sa pagjejebs huh? Hehe wala naman talaga sa plano ko ang magtagal kaso mukhang nagka LBM yata ako, tangina kasalanan to ng Tequila na yon eh! Humihilab na tuloy yung tiyan ko"

"Hoy Baks?"

"O-oh?"

"Anong oh? Ok ka lang? You seemed a bit off, may nangyari bang hindi maganda?"

Bakas sa mukha ni Monique ang pag-aalala, ayaw ko namang sirain ang mood at sabihin na gusto ko nang umuwi dahil minanyak ako ng kababata niya....magiging useless lang yung pagpunta namin dito kung uuwi agad ako, sigurado din kasi akong pati siya uuwi din....hindi pa nga namin nakikita yung pinagmamalaki niyang banda

Pero sa kabilang banda, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang ginawa ni Jethro dahil ayaw ko namang mag-away sila....ngayon lang sila uli nagkita makalipas ang ilang taon kaya I'm sure kahit papano namiss nila ang isa't-isa...ayaw ko namang magkaron ng komosyon between them.....kilala ko pa naman tong si Monique...may pagka-eksahadera din to....

"Ah eh, W-wala baks! Namiss lang kita, hehe tagal mo kasing bumalik eh" what kind of reason is that?

"Sure ka? Tsaka miss talaga? Haha eh ilang minuto lang naman akong nawala"

"Hehe ganun talaga yon!"

Umupo na uli kami, nakita ko pang tumingin sa gawi ko si Jethro pero pinanlisikan ko lang ito ng mata, ngumisi lang ang manyak! Bwst pagkatapos ng ginawa niya sakin may gana pa siyang ngumisi ng ganyan? Ang kapal nga naman talaga ng apog ng lalaking to!! Grabee....Grrrr
Nagpatuloy sila Monique sa paguusap habang ako ay nakaupo lang at kunwaring busy busyhan sa cellphone kuno...Aware naman akong hindi pinaparamdan ni Monique sakin na ma-Op dahil sinasali rin naman niya ko sa usapan, pero napansin niya yatang hindi ako interesado kaya sila nalang dalawa ng manyak na Jethro ang naguusap.....duh mas gugustuhin ko pang magmukmok dito kesa sa makipagplastikan sa manyak nayan....Mamaya ko nalang siguro sasabihin sa kanya ang ginawa ni Jethro


✔️His Androgynous Bestfriend (GayxStraight)(Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon