Asha's POV
Sht. Ba't pa ngayon umulan, kung kelan wala akong payong at nasira yung takong ng heels ko. Ganda pa naman ng outfit ko ngayon dahil todo effort ako magpacute sa boss ko. Tapos nalimutan ko pa yung phone ko sa bahay. Napakamalas ko naman ngayong araw!! WALA NA SANANG DUMAGDAG.
Nagmadali akong tumakbo papunta sa nakita kong malapit na bus stop. Naramdaman kong nagtitinginan saakin yung mga taong nakakasalubong ko. Edi sana ol may payong! Or nagagandahan sila saakin? Mukha ba kong bida sa Kdrama habang tumatkbo? May makakabangga ba kong pogi at aabutan ako ng payong?
Nakarating ako sa bus stop bago pa tuluyang bumuhos ang ulan. Hindi naman akong basang-basa, mga 20% wet lang ganon. Pero ang sakit na ng talampakan ko. Hayst! Pagdating ko sa condo I swear maliligo at matutulog talaga ako nang mahimbing. But now I'm stucked here in a bus stop.
I groaned in distress and looked at the wet street. Kahit na malakas ang ulan patuloy paring naglalakad ang iba dahil may payong naman sila. Patuloy parin ang pagdaan ng mga jeep at sasakyan. Napatingin ako sa kabilang side ng kalsada. I felt something ached in my chest when I saw the signboard
"Tiya Gracia"
Karinderyang paborito kong pinupuntahan noong college. Tuwing paubos na yung allowance ko or biglaan nalang akong nagcracrave ng lutong ulam, Tiya Gracia ang takbuhan ko.
And that place was filled with good memories. That place used to be special to us. To me.. and...
"Tiya Gracia." I felt goosebumps when someone beside me said that. At parang sobrang lapit sa tenga ko ng boses.
That deep, manly voice. That fcking voice.
How could I forget?
Hindi ko na kailangang tingnan para makita kung sino 'yon. Para ba kong tinamaan ng kidlat at namanhid ang buong katawan ko.
"It's been 3 years, right?" Lumingon ako sa kanya when I finally had the courage to.
"Nice to see you, Asha." he said casually, his cold eyes locking into mine. He's wearing a plain black shirt matching the color of his eyes. And it felt like one of those scenes in the movies where everything slows down for a while.
Siguro namumula na yung buong mukha ko dahil hiyang-hiya ako. Una dahil medyo haggard na ko kakatakbo at nabasa ng ulan. Pangalawa, kaharap ko yung kaisa-isang lalaking minahal ko bukod sa tatay ko.
Yes, it's been 3 years. 3 years since I broke this man's heart.
"H-hi," nauutal na sabi ko, I broke the eye contact to lighten the heavy atmosphere. And focused my gaze to Tiya Gracia's signboard again.
"Namumula ka," sabi ni Theo, para ba kong kinukuryente kada salitang sasabihin niya.
BAKIT NIYA PA KAILANGAN SABIHIN YON!
Narinig kong nagbuntong hininga siya.
Lalo pang lumakas ang ulan. Ibig sabihin matagal-tagal pa bago ako makaalis dito. Bakit ba kasi kaming dalawa lang dito sa bus stop? Scripted ba 'to?
"Dito ka ba susunduin ng driver niyo?" tanong ni Theo.
"Wala na kaming driver," sagot ko,"diba sinabi ko sa'yo dati na nabaon ang kompanya nila dad sa utang, so we had to cut expenses."
I remember those miserable days. Nung bumagsak ang kompanya nila dad, nadamay narin ang buhay ko.
Nung naremata ng bangko yung bahay namin. Nung nagkabaon baon sa utang si dad. Yung kailangan ko pagsabayin ang pag-aaral at pagsideline kung saan-saan.
BINABASA MO ANG
Bus Stop (Compilation of One Shots)
RomanceFast-paced. Happiness&Misery. To love or to not? This is a compilation of romance one shot stories I've imagined that took place at a bus stop. a/n: stories are written in TagLish.