Sab's POV
Eto kakatapos ko lang maligo. Nakaharap nako sa salamin dahil malamang, nag aayos ako ng aking sarili. Mukhang lambanog na nga mukha ko di pa ako mag aayos? Ha? Charot.
"Aray naman! Halos maubos ko na nga yung conditioner ko tapos matigas parin itong buhok ko? Sobra na to." reklamo ko habang nagsusuklay ng buhok. Isipin mo yon, mahal na nga yung conditioner ko. Paubos na mga tol. Tapos matigas parin buhok ko! Bakit napaka unfair ng mundo ha ano bang ---
*PHONE RINGS*
"Ay juicemother! Shuta sino ba to ha?!" kinuha ko yung cellphone ko para makita sino ba yung tumatawag. Jusko nag aayos tayo dito e.
Nang makita ko na kung sino yung tumatawag ay bigla akong napangiti. Shet worth it naman pala to pag aksayahan ng oras girl.
"Hello?" sagot ko sa tawag. Be natural lang be. Ha? Okay
"Good morning my princess!" sabi nung tao sa kabilang linya. Esh eto naman talaga ihhhh! >_< enebe umagang umaga naman no!
"Good morning din!" sagot ko sa kanya. Syempre dalagang Pilipina tayo no kaya dapat ganyan lang.
"Are you done? Kasi kung oo, susunduin na kita. I'm almost done na rin kasi." curious na ba kayo? Hahahaha!
"Patapos na rin ako love. Buhok ko nalang problema. Antigas e. Di ko masuklayan ng maayos" reklamo ko sa kanya. Bakit love? Kasi malamang sa malamang jowa ko yan ano ba ha. Hindi purket mukhang lambanog ako e wala na akong jowa hmmp :/
"Okay good. I'll be there in 10 minutes." sabi niya sa akin. Jusko wala pa nga ako kumain e. Pero sige nalang sa sasakyan nalang ako kakain.
"Okay ingat ka!" huling sabi ko sa kanya bago ko pinatay ang linya. Tinapos ko nalang agad agad ang pagsusuklay para naman hindi sayang sa oras. Inaayos ko narin ang aking mga gamit at ako'y bumaba na sa kusina para kumuha ng makakain.
"Oh iha nandyan ka na pala. Magandang araw sayo. Tara na para makakain ka na." bati sa akin ni Manang Fely. Siya nga pala yung kasambahay namin dito. 25 years na siya sa amin. Bata pa lang mga kapatid ko at ako ay sperm pa lang e nandyan na siya samin. Hehehehe :>
"Good morning din po Manang. Okay lang po ba kung dadalhin ko nalang sa school? Susunduin na po ako ni Gab e." tanong ko kay Manang. Kahit naman gusto ko siya kasamang kumain pero darating na kase yung jowa ko :(
"Sige iha. Umupo ka lang muna dyan. At ihahanda ko lang ang pagkain mo." sabi sa akin ni Manang. At umupo nga ako gaya ng sinabi niya.
Baka nagtataka kayo ano bang pangalan ko no? Hahahaha ako nga pala Adi Sabrina Diaz. 18 years old. Philippines! Charot. Ako ay 4th year high school na mga mamsh. Pero wala parin akong glow up ever since. Sad :< Pero okay lang naman. Ganitong mukha ko nga nagkaroon ako ng jowa. Ano nalang kaya kung gumanda ako diba? Char
"Iha eto na yung pagkain mo." ay tapos na pala si Manang. Kinuha ko na yung pagkain ko sa kanya at nagpasalamat. Tatawagan ko na rin sana ang aking jowabels kaso nauna siya. Aww :(
"Hello?" sagot ko sa kanya. Alangan naman "hi" edi medyo awkward iyon ewan ko kung bakit hehehe
"Hello? Nandito na ako sa labas love." ay nandyan na siya omg makikita ko na rin siya after 24 hours. Charot
"Sige sige lalabas nako." pinatay ko na yung tawag at nagpaalam kay Manang na ako ay pupunta na sa school.
Pagkalabas ko ay nakita ko na agad ang sasakyan ng jowabels ko hnngg pogi bes!
"Good morning again beautiful!" bati niya sa akin sabay kiss sa noo. Naks naman fren busog nako! Huhuhuhu!
"Good morning ulit my prince!" bati ko pabalik sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. At sumakay na ako sa kanyang sasakyan at pumunta na kami sa school.
*FAST FORWARD*
Kakarating lang namin sa school. Ngayon papuntang classroom na kami nang makasalubong namin ang bestfriend kong si Keena.
"Adi!! Adi bilisan mooooo!" sigaw niya sa akin. Ano nanaman bang kailangan nitong abnormal na to?
"ANO NANAMAN BA ANG KAILANGAN MONG ANIMAL KA?" sigaw ko pabalik sa kanya. Wala trip ko lang sumigaw hehe :>
"AKO ANIMAL? SA GANDA KONG TO? ANIMAL? JUICEMOTHER!" sigaw niya ulit sa akin hanggang sa makalapit na ako sa kanya.
"Oh ano problema mo ha?" tanong ko sa kanya habang ako'y masyadong malapit sa kanya.
"H-ha? A-ano wala ah. Tinatawag ka lang e" nauutal niyang sagot sa akin. Titiklop din pala to e.
"HAHAHAHAHA ano nga kase? Gago saan tapang mo ngayon ha?" muntanga talaga kahit kailan.
"Tara na kasi sa room! Gusto ko na makipag-kwentuhan sayo!" at hinala niya ako papuntang classroom. Yung jowa ko? Ayon tawang tawa habang sumusunod sa amin.
Since elementary kami, best friend ko na si Keena. Nakalimutan ko na rin nga paano ko ba to naging kaibigan. Jusko bat ba eto yung binigay mo sa akin na kaibigan? Nakakabaliw! Meron pa kaming dalawang kaibigan na ngayong high school lang namin nakilala. Sina Trisha at Isabela. Kami pa lang nga ni Keena ang magkasama napaka ingay na. Paano nalang kaya kapag kami na apat? Diba?
Nang makarating na kami sa room, isang napaka lakas na sigaw ng pangalan ko ang narinig ko. Oh no.
"Adiiiiiii!!!!!" sigaw ni Trisha. Shet umagang umaga. Si Isabela tinitignan lang siya ng pagalit. As always parang laging galit sa mundo tong si Isabela. Bigla namang lumapit sa akin si Trisha para yakapin ako. Akala mo naman ilang taon kami hindi nagkita no?
"Hnnggg Adi namiss kita!" sabi niya sa akin.
"Wow siya lang?" reklamo ni Keena sa kanya. Nako eto nanaman sila hays *face palm*
"Napaka oa niyo naman! Isang araw lang ha! Isang araw lang kayo hindi nagkita. TAYO HINDI NAGKITA!" sermon sa kanila ni Isabela. Oh no. Galit na si mader :<
"Namiss din kita Trish *hug*" niyakap ko nalang siya para matahimik na ang mundo ko. Jusko nababaliw nako sa kanila.
"Ehem sana all miss" ay may nagrereklamo sa likod. Jusko ano ba yan? Miss ng bayan ba ako? Ha?
"Eto namang isa napaka inggetero! Jowa mo na yan! Pwede mo naman makasama buong araw!" panenermon nanaman si Isabela.
"Umupo nalang tayo lahat para tahimik ang ating buhay mga punyeta." galit na sabi ko sa kanila. At tamang tama ay nag bell na. Sign na magsisimula na ang klase. Lahat naman sila ay nagsi-upuan na.
Yes thank you Lord at tahimik na ang buhay ko.
---
Sana magustuhan niyoooo :<
BINABASA MO ANG
She's Already Gone
Lãng mạnWe were once a happy couple. A couple that everybody loves. The kind of relationship every person could ever dream of. And in just one moment, we fell apart.