Kapitulo I - Donor

5.1K 179 48
                                        

"Sinong may extra syringe d'yan? Pautang naman ako ng isa, dugo ko ang kapalit," nakangiting anunsyo ng isa kong kaklase. Iwinagayway niya ang hawak na isang bakanteng EDTA tube kung saan inilalagay ang dugo.

Halos mag-unahan naman sa pagkuha sa tacklebox at pag-abot ng syringe ang mga katabi ko at isinantabi muna ang mga ginagawa nilang blood smear. Napailing ako at nagpatuloy na lang sa ginagawa.

"Aray ko naman, hijo de puta! Kailan ka pa naging mangingisda?!" Napalingon ako sa kaibigan kong si Tati nang dumaing siya sa tabi ko habang sinusubukan siyang kuhanan ng dugo.

Pangalawang ulit na siyang tinusukan ng syringe at mukhang nahihirapan itong mahanapan ng ugat sa kanyang magkabilang braso.

Humalakhak ako. "Bakit ka kasi nagpauto sa mga medtech?" napapailing na tanong ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Girl, hinarang ba naman ako! Sabi nitong si Ivory ay sagot na raw niya ang lunch ko mamaya kapag pumayag akong magpakuha ng dugo sa kanya," reklamo niya habang napapangiwi sa sakit matapos siyang makuhanan ng dalawang tube ng dugo.

"May practical quiz kasi kami mamaya ng blood smearing..." I drawled. "Kailangan namin ng dugo para mag-practice."

Ilang araw nang ganito ang eksena sa room simula noong i-anunsyo ng professor namin ang tungkol sa practical quiz na ito. Sabi niya kasi ay limang beses lang kami puwedeng sumubok mag-smear at tatlong pinakamaganda mula roon ang pipiliin namin at ipapasa sa kanya bilang quiz. Mayroon pang time limit iyon kaya heto at todo practice talaga kami para roon.

"Sinong willing mag-donate d'yan ng dugo? Hehe, isang tube lang, oh! Makakatulong kayo sa pag-aaral ko. Isasama ko pa kayo sa graduation speech ko, promise!"

"Assumerang 'to! Sure ka bang makakaabot ka ng 4th year?!" pag-kontra sa kanya ng kaibigan kong si Rafael sa umaga, si Ruffa sa gabi.

Humalakhak ako. Ibinalik ko ang tingin sa ginagawa at napasinghap nang makitang palpak na naman ang nagawa kong blood smear. Padabog kong inilapag ang pang-dalawampung microscopic slide na naaksaya ko kaka-practice.

"Sino ba kasing nag-imbento nitong blood smear na 'to?!" reklamo ng isa kong kaklaseng lalaki habang dismayadong nakatitig sa pangit niyang blood smear. "Sabihin niyo sa kanya magsuntukan kamo kami sa likod ng school mamaya!"

"Shet, bagsak na naman yata sa practical," natatawang sabi ni Rafael.

"Girl, 'di ka pa nasanay?" mapait na sinabi ni Ivory.

Muli akong kumuha ng dugo mula sa tube at nagpatak ng kaunti sa ibabaw ng microscopic slide. Huminga muna ako nang malalim bago ikinalat ang dugo roon.

Napatayo ako sa gulat nang makitang perpekto ang hulma nito. "Sa wakas naka-isa rin!" maligayang sinabi ko.

"Sana all anak ng Diyos, Gella," mapait na sinabi ni Ivory.

I chuckled. It was just another normal day for us, medical technology students. Oo, normal ang ganito araw sa amin dahil nasanay na kami sa ganitong takbo ng aming mga araw sa paaralan. Normal na rin yata sa amin ang mag-panic nang ganito tuwing may practical.

"Quiz na naman..." I drawled lazily. Ipinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng makapal na reviewer na iq-quiz namin mamayang alas tres.

Nandito kami ngayon nila Ivory at Rafael sa library upang magreview para sa isang long quiz mamaya. Major subject namin iyon at pagkatapos naming mag-quiz doon sa lecture ay magp-practical quiz naman kami sa laboratory ng blood smear.

"Ang surname ba ni Ma'am Cielo ay Quiz?" reklamo ni Ivory bago umirap. "Parang siya ang nag-imbento ng quiz, eh."

I chuckled softly. Ibinalik ko ang tingin ko sa hawak na reviewer ng Parasitology at napasinghap. Kanina pa ako nakikipagtitigan sa mga papel na ito pero wala talagang pumapasok sa isip ko!

My Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon