Kapitulo II - Text message

3.1K 160 65
                                    

"Just call me when it's your turn," I calmly said without looking at him.

Naramdaman ko ang pagtatagal ng kanyang tingin sa akin bago tuluyang umalis sa harapan ko at tumungo sa isang bakanteng monoblock chair kung saan uupo at pipila ang magpapa-screening for blood donation.

Nakahinga ako nang maluwag at napagtantong kanina pa pala ako hindi humihinga simula noong kinausap niya ako. Saka ko lang naalala na naririto nga pala ang mga kaibigan ko matapos akong kurutin sa tagiliran ni Rafael.

"Sino 'yon teh? Bago mo na namang boylet?! Ang gwapo naman!" eksaheradang aniya habang nananatili ang malagkit na tingin sa lalaking kumausap sa akin kanina.

Sinimangutan ko siya. "Hindi mo ba narinig kanina? Siya nga 'yong kapalit ng isang donor ko!" I argued.

Bago pa makasagot si Rafael ay tinawag ako ng aking kaklase. "Carvajal, tawag ka ni Dean Rodriguez!"

Isa-isa ko munang sinamaan ng tingin  ang mga kaibigan kong nang-aasar sa akin bago tuluyang tumulak patungo sa kinaroroonan ng dean ng College of Medical Technology.

"Dean, pinapatawag niya raw po ako?" panimula ko nang makalapit sa kanya. Nahihiya akong napatigil nang mapansing may kausap pala siya.

Makahulugang tumingin sa akin si Dean Rodriguez at ngumisi. Bumaling siyang muli sa kanyang kausap na nakausot ng isang formal attire at leather shoes. Sa unang tingin ay mapapagkamalan mo itong business man o kaya board member ng isang kumpanya pero napansin ko ang bitbit niyang white coat kaya napaghinuha kong isa siyang doktor.

Tumikhim ako at bahagyang yumuko bilang pagrespeto sa kanya bago muling tumingin kay Dean. "Georgianna, this is Dr. Avanzado, my former colleague."

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at nakaramdam ng kaunting hiya sa kaharap. Nakipagkamay ako sa matandang lalaki at nahihiyang ngumiti. "Good afternoon po, Dr. Avanzado..." pormal na bati ko.

Nang bitiwan niya ang kamay ko ay pasimple akong napaisip kung sino ang kamukha niya at kung saan ko ito nakita. Naputol ang aking iniisip nang pormal din siyang bumati pabalik sa akin. "Good afternoon din, hija."

He glanced at Dean Rodriguez and gave him a knowing look. Bahagya akong na-intriga dahil sa kanilang makahulugang palitan ng tingin ngunit nawala ito sa isip ko nang muling magsalita si Dean. "She also wants to be a doctor someday, Arturo."

Dr. Avanzado looked at me with amusement. Ngumiti siya sa akin. "Do you want to be a surgeon?"

Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkabigla. Paano niya nalaman? Is it that obvious?

Tumikhim muna ako bago marahang tumango. "Kung kakayanin po sana..." nahihiyang sagot ko.

"Kayang-kaya mo 'yan lalo na't sabi nitong si Thomas ay masipag kang mag-aral. Actually, surgeon din ako, hija. I'm an army surgeon," aniya bago magiliw na tumawa.

Dean Rodriguez gave out a hearty laugh after he saw how my jaw dropped at his revelation. Pasimple kong pinagmasdan ang hulma ng kanyang katawan. No wonder why his body looks a bit lean and muscular kahit nakasuot siya ngayon ng pormal na kasuotan at medyo ma-edad na.

"Papa..." a familiar deep voice echoed behind me.

I stiffened when he walked past me and stood beside the old man. I tried to maintain my composure in front of them pero sa loob-loob ko'y unti-unti na akong ginagapangan ng kaba at hiya.

He swiftly glanced at me before fixing his gaze to his father. Tinapik siya ng kanyang ama sa balikat. Dr. Avanzado looked at me and smiled. "My son here is also training to become a part of the Philippine army. He is currently finishing his degree here before applying to the military academy," aniya bago sumulyap sa anak.

My Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon