TULANG WALANG PAMAGAT

31 1 0
                                    


Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga mata mong may malalamig na tingin
Boses na bumubulong sa hangin
"Ituloy mo na yan" ito ang sabit
Kay sakit isipin puso ko'y bitbit
Tila walang patutunguhan
Itong buhay na walang kabuluhan

Nais wakasan mga boses na sumisigaw
pagkitil sa buhay ito lamang ang nag uumapaw
Nais lumigay nitong pusong puno ng kalungkutan
Ibigay niyo pag mamakaawa ng pusong nasasaktan

Madaming nais gawin ngunit may pumipigil
May ayaw na tapusin ngunit walang pumipigil
Pagpatak ng mga luha tuwing gabi'y masisilayan
Mga pagang mata ito ang dahilan

Hiling ay katapusan
Hindi ng buhay, kundi ng Kalungkutan
Nais ibalik ang nakaraan
Kaya pa bang itama ito ang aking katanungan

-----------------------------------------------------------

(A/N: Hindi madali na makaranas ng ganitong sitwasyon.. H'wag sanang husgahan.. Kailangan nila tayo.. Let's spread love guys~ Salamat! )

ONE-SHOT STORY (A compilation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon