ANG HULING SULAT

83 2 0
                                    


Tinitingnan ko ang mga larawang nakapatong sa aking lamesa..

Napakasaya namin..

Masayang pamilya...

Walang problema..

Lumabas ako ng aking silid dahil sa ingay na aking naririnig..

"Ano ba naman!? Ito nanaman ba tayo?Panay problema na nga dinadagdagan mo pa!?"

"Oh!? Ako nanaman may kasalanan!?"

Walang humpay na sigawan..

Yung tinitingnan kong larawan kanina..

Ibang-iba sa nadatnan ko ngayon..

Sigawan dito.. Sisihan diyan..

Hays.. Hindi na matapos tapos..

Lumabas ako sa silid upang makaiwas sa walang hupay na away ng aking mga magulang..

Hindi naman ganyan dati..

Sobrang saya namin..

Hanggang sa dinagsa kami ng mga problema.. Sandamakmak na problema..

Umupo ako sa duyan sa may palaruan malapit samin..

Tumingala ako sa langit at tiningnan ang bawat pag galaw ng mga ulap..

Paano kaya kung nawala ako?

Mag aaway pa kaya sila?

Matatapos na kaya ang mga problema?

Muli.. Tiningnan ko ang aking braso..

Nadagdagan nanaman ang markang ginawa ng aking depresyon..

Sinabi ko na sa kanila yun..

Pero ni-isa walang nakinig..

Nakakasawa na magsabi.. Wala din namang may pake..

Sinusubukan kong maging masaya kahit na minsan sobrang sakit na..

Sinubukan kong ibukas ang sarili ko sa iba pero wala silang balak alamin pa..

Siguro nga.. Wala talaga akong silbi dito sa mundo..

Isa lang akong palamuti sa isang gilid na pag tumagal hindi na din kapansin pansin..

Hinawakan ko ang aking braso..

Ngumiti ako..

at bumalik sa aming bahay..

"Ano ba!? Hindi ka pa din talaga titigil?"

Hanggang ngayon hindi pa din sila tapos..

Dali-dali akong tumakbo sa aking silid..

Kumuha ako ng isang blankong papel at isang panulat..

Sumulat ako..

Pag katapos..

Tiningnan ko muli ang larawang nasa aking lamesa..

kasabay nito ang pagpatak ng aking mga luha..

Ngumiti ako habang pinakikinggan ko ang ingay na nanggagaling sa labas..

At sa huling beses na..

Tuluyan ng nagtagumpay ang boses na matagal ng bumubulong sa akin..

Kumalat ang dugo..

Kasabay ng huling mga patak ng luha ko..

"Mama at Papa,

Patawad.. Ngunit hindi ko na kaya..Sobrang sakit na.. Siguro, Hindi pa  ito yung oras na manatili ako sa mundong ito.. O baka naman hindi talaga ako para dito.. Ngayon... Tapos na.. Tapos na yung mga problemang kinakaharap ko.. At ngayon.. Sana maging masaya kayo.. Salamat..

Paalam..

                            mula sainyong Anak"

-----------------------------------------------------------

ONE-SHOT STORY (A compilation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon