OK KA LANG BA?

44 1 0
                                    


"Good Morning Ma'am"

"Magandang Umaga Binibini"

"Good Morning din" pabalik kong bati kasabay ng aking ngiti. Yan ang maririnig ko habang naglalakad ako sa hallway ng isang building papunta sa next class ko..

Panibagong araw, panibagong kwento nanaman ang masasaksihan ko at matutunan..

Bilang isang guro alam kong hindi lamang dapat estudyante mo ang natututo sayo dapat ikaw din.. Bawat araw dapat may babaunin ka ding aral na itinuro sayo ng iyong mga estudyante..

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto ng classroom..

"Magandang Umaga~" Masaya kong bati.

Agad namang silang tumayo at..

"Magandang Umaga Binibini" Bati nila..

"Maaari na kayong umupo"

"Dahil natapos tayo sa maikling pagsusulit kahapon na hudyat na tapos na ang ating talakayan para yunit 5.. Magkakaroon tayo ngayon ng isang aktibidad bago tayo tumuloy sa susunod na talakayan.." Panimula ko.

"Binibini ano pong klaseng Activity?" Patatanong ng isa kong estudyante.

"Kumuha kayo ng isang buong Papel..pagkatapos.. Isulat niyo doon yung mga bagay na natatakot o nahihiya kang malaman ng iba sayo.. Maaaring maliit na bagay O malaki.. Pagkatapos sasabihin niyo dito sa harap isa-isa" pagpapaliwanag ko.

Madaming umangal.. Hindi yun maiiwasan..

"Binibini paano po pag natatakot siya na sabihin pero nilagay pa din?" Agad akong ngumit sa kanya...

"Nasayo iyo yung gusto mo ng pakawalan yung nakatatakot na yun.. O hindi.." pagkasabi ko nun..Ngumiti siya sa akin.. Ramdam ko yung lungkot..

Pagkalipas ng ilang minuto natapos na din sila at isa-isang binanggit ang bawat kinakatakutan at kinahihiya nilang malaman sa kanila ng iba..

Karamihan ay maliliit na bagay lang...

Pero isang estudyante ang pumukaw sa akin..

Inabot niya sa akin yung papel niya at agad ko siyang tinanong..

"Handa ka na bang malaman yan ng iba?" May pag aalala kong tanong.. Pero sa halip na sumagot ay ngumiti lamang siya sa akin..

"Natatakot ako o nahihiyang malaman sa akin ng iba na malikot akong matulog.. Hindi din ako nakakatulog ng walang kamutan ang paa.. " Karamihan ng nabanggit niya ay maliliit lang..

Pagkatapos niyang magsalita sa unahan ay inabot niya muli sa akin ang papel na pinagsulatan niya..

Ngumiti ulit siya sa akin..

Tiningnan ko muli ang papel na ipinasa niya sa akin bago ako ngumiti pabalik...

"Depresyon.."

Yan ang nakasulat sa papel niya na hindi niya binanggit sa harap ng nakakarami..

Ilang minuto ang lumipas ay natapos ang klase namin..

Agad ko siyang nilapitan..

"Ok ka lang ba?"

Simpleng salita para sa akin.. Pero biglang kumawala ang mga luhang tila kanina pa gustong lumabas

Yung bawat ngiti niya.. Ito pala ang itinatago..

Niyakap ko siya..

"Nandito lang ako para makinig haa.." Agad niyang pinunasan ang mga luha niya.. Ngumiti muli siya sa akin..

"S-salamat po Binibini.. Napakalaking tulong po nung pagtatanong niyo.. Salamat po.." Natulala ako sa kanya..

Unti-unti na siyang lumakad palayo sa akin..

Pero bago siya makaalis sa silid ay tiningnan niya muli ako at ngumiti..

Simpleng tanong...

"Ok ka lang ba?"

Pero napakalaking epekto para sa iba..

-----------------------------------------------------------

ONE-SHOT STORY (A compilation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon