*All characters and events depicted in this story are entirely fictitious. Any Similarity to actual events or persons, living or dead, is purely coincidental*
ALL RIGHTS RESERVED.ON PLAY
by: Saxifraga******
mabilis ko'ng minulat ang aking mga mata habang naghahabol ng hininga. pawis na pawis ako. napanaginipan ko na naman yun, bakit? why is it always the same dream? why does everything feels so real? nang mahimasmasan bumangon na ako at nag ayos para sa skwela.
******
"don't tell me, na naginip ka na naman?"
pang-umagang bati ni Dylan habang sinasara nila gate nila.
"if I tell you na oo, maniniwala ka na saakin?"
sagot ko habang sinasara ko na rin yung gate namin. magkatapat lang kasi bahay namin, kaya sabay na kami nito lagi pag papuntang school.
"sabi ko kasi sayo, mag pa albularyo na tayo, mamaya niyan na engkanto na tayo"
"oo nga noh, lalo na kung lagi kasama papuntang skwelahann yung engkanto,"
pinitik niya tenga ko
" ako talaga trip mo lagi sa umaga"
dahilan para tumawa kami.
hindi naman namin officially sinabi sa isa't-isa na mag Bestfriend kami pero, parang ganun na rin yun. 1st year high school palang kilala ko na 'to, nakilala ko siya nung bagong lipat sila sa subdivision tapos hinatiran ko sila ng luto ni mama'ng Bicol express sakto nun siya yung sumagot sa pinto."pinapabigay ni mama. welcome raw sa subdivision. kapit bahay niyo kami, ayan lang bahay namin oh"
"masarap ba 'to?"
"oo naman, bibigyan ba namin kayo kung hindi?"
"ba't ang kaunti? dagdagan mo pa nga.."
at sa araw na yun, doon ko nakilala ang pinaka kuripot na tao sa balat ng earth, biruin mo binibigyan na nga, nakuha pang magreklamo. habang tumatagal nasanay na rin ako sa kakuriputan niya quits lang naman nasanay na rin siya sa kamalditahan ko. pero mga mababait kaming tao, hindi kami na ngangagat promise.
"WELCOME TO SEVILLA UNIVERSITY!"
nagkatingnan kami ni Dylan, oo nga pala. intramurals ngayon. papasok palang kami sa gate...
"oy! Emity"
si Pres naghahabol saamin mula sa likod.
"oh dalhin mo 'to sa supply room after non punta ka na sa wardrobe para mag palit ng damit mo, bakit ba late kayo? opening ng booth natin ngayon, ngayon niyo pa talaga naisipan mag pa-late."
"pasensya na--"
"ashshshsh... explain later, sa ngayon bilisan mo na, kunin mo na 'to at alalahanin mo na kapag papasok ka sa supply room huwag na huwag kang mag lolock, sira doorknob non, last time na may inutusan ako, ayun nakulong sa loob, ako pa sinisi. Hep! Hep! ikaw saan ka pupunta?"
pagpigil ni pres kay Dylan.
"sasamahan siya.."
"ay hindi, sumama ka na saakin kailangan na namin ng waiter, halika na bilisan mo na!"
"aray oo na! oy Ermitanyo! bilisan mo ah"
pahabol na sigaw saakin ni Dylan habang kinakaladkad siya ni Pres sa tenga. napatawa at tumango nalang ako as I went my way papuntang supply room. bakit wala akong maalala na meeting kahapon? bakit hindi ko maalala na intramurals pala ngayon? ganoon na ba karami ang iniisip ko? anyways, ihahatid ko raw 'to at diretso na akong wardrobe. diretso lang ako nang makita ko na may lalaki sa may tapat ng pinto ng supply room.
"excuse me? may kukunin ka rin?"
nagulat siya saakin. oh? iba ang uniform..
"ah hindi. naliligaw kasi ako."
aaahh dayuhan. oo nga pala. open to public ang university kapag intramurals.
"saan ka ba papunta?"
"sa..."
"sa?"
inaantay ko ang sasabihin niya nang lumingon lingon siya sa paligid na para bang natatakot siya...
"may problema ba?"
"wala!, I mean wala, wala naman..."
"well if you could tell me kung saan mo gustong pumunta mabibigyan kita ng direksyon. or kung hindi naman nakita mo yun?"
lumingon ako sa likod ko para ituro yung hallway,
"pagliko mo sa hallway na yan may makikita ka na--!"
hindi ko na natapos sinasabi ko nang bigla niya akong hinila papasok ng supply room.
"ssshhhhh..."
"what the--"
"please, uhmm.. huwag kang maingay, please. ganito kasi yun. may pinagtataguan kasi ako and I need your help"
"what!? magnanakaw ka ba!?"
"what? no. hindi. hindi. uhhm... mahirap kasi mag explain,"
"ah so mas madali manghila ng taong hindi mo kilala ganon?"
"Sir Edward! asan ka na po ba!"
nagakatinginan kami nang marinig namin yun mula sa labas,he just hushed me.
"Sir naman eh, mapapagalitan ako ni madam nito, bakit ba kasi lagi ka nalang nawawala."
nang marinig na naming tumakbo ang sumisigaw sa labas, nagsalita na siya.
"i'm so sorry, I will explain"
"well you can explain kapag nasa labas na tayo."
bigla siyang nangaripas when he realized how awkward our position was. masikip kasi sa loob ng supply room.
"uhhmm..."
"bakit?"
"hindi ko mabuksan ang pinto.."
napa buntong hininga ako sabay hawak ko sa sintido. shit sira nga pala doorknob nito..
"great."
"sorry. sorry. I'll turn on the lights para--"
he tried to reach the switch sa bandang likod ko, when he suddenly trips on something. sabay kaming nagulat nang matapilok siya, oo nabuksan niya nga yung ilaw, but the next thing we saw as soon as the lights went on was,
his lips on mine.
BINABASA MO ANG
On Play
FantasyWhen Emity and Edward accidentally kissed, they found themselves going back through time. As weird things started to happen, they try to discover how to handle and use their powers. Watch as the truth unfolds of how and where they obtained their sp...