CHAPTER 9

37 13 0
                                    

CHAPTER 9

"oy Emity"

napa angat ulo ko kay President,  naupo siya sa tabi ko the moment she got my attention

"hmm?"

"tingnan mo yan.

napatingin ako sa tinutukoy niya

"oh ano jan?"

"hindi ko alam kung pinagkakaguluhan siya dahil baguhan siya or dahil ba pogi siya?, nung bagong salta naman tayo dito sa skwelahan hindi naman tayo pinagkaguluhan ng ganyan"

"oo nga!"

bigla kaming napalingon kay Dylan na sumusulpot nalang bigla kung saan, at talaga pinagitnaan pa nila ako ah? hindi ba nila makitang busy ako?

"para ipaalala ko sainyo sabay sabay tayong naging 1st year high school dito, unlike sakanya na pumasok kung kailan 2months na nag start ang school year. atsaka 3rd year na tayo hindi na bago yan."

"kung sabagay, ako nga. kahit hindi transferee pinagkakaguluhan pa rin"

bigla kaming napatingin kay Dylan. aba't mahangin?

"oo na! edi ikaw na ang maraming manliligaw, kala mo naman. hindi mo ba alam na lagi tayo may problema dahil sayo? oo! nagkakagulo lagi sa 1st year at sophomore dahil sayo?"

sumbat sakanya ni Alex, este ni President.

"kasalanan ko ba na lagi mo akong inuutusan na pumunta doon?"

natawa ako, si Dylan lang kasi yung trip ng guidance councilor kaya siya lagi inuutusan na kumuha ng permit doon tuwing may events kami, eh nasa kabilang building yung office nun kung saan nandoon area ng 1st year and 2nd year

"hi!"

biglang natigil sa pagbabangayan ng dalawa, at natigil rin ako sa pagsusulat nang may biglang nag salita

"kanino ka ba ito ipapasa?"

napatingin kaming tatlo sa papel na inaabot niya, kakagulat naman nito at bigla nalang nasa harap namin, haha! iniwan ba naman mga babaeng umaaligid sakanya

"mag- aaply ka?"

napatanong si Alex at napatingin ulit ako sa papel na inaabot niya. application form? for what?

"wow."

bulong naman ni Dylan sa sarili, anong position ba ang hinahanap namin?

"open for any 3rd year student naman siya diba? kanino ko ba ito ibibigay?"

"uh, kay Emity nalang. siya na mag fi-file nyan."

sambit ni Alex saka inabot saakin ni Edward at saka siya umalis, napatitig ako sa papel, What? Custodian!? seryoso siya? eh halos pinagtatabuyan ang position na toh, natapos yung buong taon namin last year nang walang custodian dahil ayaw nilang laging nauutusan. sigurado ba siya?

******

"Edward"

napalingon siya saakin pero binalik niya agad tingin niya sa mga shelves para hanapin ang librong hinahanap niya

"hmm?"

"sigurado ka ba sa pinapasok mo?"

"saan?"

"doon sa application mo as custodian ng council namin"

"bakit may problema ba?"

lumipat siya sa kabilang shelves, sinundan ko naman siya.

"wala naman, pero, alam mo ba ang trabaho ng isang custodian?"

"oo"

"runner ka Edward, magiging utusan ka pag nag apply ka as custodian"

hinarap niya ako at hinawakan sa dalawang balikat ko

"oo Emity, alam ko po, are you being concerned right now?"

"concer--? what? no. ang akin lang baka hindi ka sigurado sa pinapasok mo"

humarap ulit siya sa shelves, scanning again..

"well I've read everything I need to know sa bulletin board and I've read also that..."

he suddenly moved his face closer to mine

"a custodian is always close to the secretary"

what? he suddenly left me with this puzzled face.
ano!? anong ibig niyang sabihin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon