Napuno ng halakhakan ang buong klase dahil sa paraan ng pagtuturo ni Sir Orceno. Malakas ang humor ni Sir, nakakatulong iyon para di' antukin ang karamihan.
Sandali kaming naging seryoso para mapakinggan ang mga sinasabi niya. Muli na naman kaming naghalakhakan nang magpatawa na naman ito.
Limang araw na kaming hindi nagkikita ni Tristan. Miyerkules na at hanggang ngayon wala pa kaming nagagawang move para ipahalata sa lahat na may something samin.
Pag nalaman kasi ng lahat, makukuha na namin ang atensyon ni Clea which is the main goal.
"Class listen, hope you're not just laughing on your seats right now. Hope you are all also listening." Isang friendly reminder ni Sir Orceno.
Agad namang sumagot ang klase, "Yes sir!"
Sa limang araw na lumipas na iyon na hindi kami nagkikita Hindi pa rin niya nakakalimutang itext o ichat ako. Para kumustahin, batiin at palalahanin sa ibang mga bagay. Sweet siya sa totoo lang. Kahit through phone lang pinaparamdam niya na isa siyang boyfriend sakin.
Miss ko naman siya pero ayoko naman na ako ang maghabol sa kanya. Alam kong hindi ako ligawin dahil sa itsura ko pero respeto nalang.
Itinuon ko ang atensyon sa pagsusulat. I have to work very hard to get in as dean's lister. Nang biglang mapahinto ang lahat at mapatingin ang karamihan sa pinto. May nagpapa-excuse na naman siguro para manghiram ng scientific calculator.
"May I excuse to Miss --," hindi ko na pinagkaabalahan pang pakinggan kung sino ang ipinapa-excuse. Sa halip ay binasa ko ang mga naisulat ko ng mabilisan para mas maabsorb ng utak ko.
"Miss Zamora." Napaangat ako Ng ulo nang tawagin ng aming prof. Ang aking apelyido.
"Yes po?" Sagot ko at dahan-dahang tumayo. Kadalasan kasing tinatawag ang pangalan kapag may pinapasagot. Syempre kapag ganon kailangang tumayo.
"Someone is looking for you," nakangising saad nito at tumingin sa labas. Nakakrus ang mga braso ni sir habang nakasandal sa kanyang mesa. Lakas ng dating.
Napansin ko rin na parang kinikilig ang iba kong nga kababihang kaklase at ang mga boys naman ay nakangisi akong tinitignan. Ang creepy.
Inayos ko muna ang mga gamit at inilagay sa bag. Madalas kasing nawawala ang mga gamit na iniiwan ko sa desk ko. Di' ko Alam kung nahuhulog tas may nakakapulot o intensyonal na kinukuha, o kaya naman tinatabig talaga para may mapulot.
Nagmartsa na ko papuntang pinto pagkatapos. Hindi ko pa man naabutan ang mismong bukana ng pinto ng may gumulat sa'kin habang may hawak na bulaklak. Dahil sa pag-gugulat niyang iyon, naging visible siya sa mga tao sa loob ng klase. Saktong lumampas lang sa may pintuan at sinalubong ako.
"Tristan!" Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya. Nabigla yata siya sa naging galaw ko dahil hindi agad siya nakatugon pero pwede rin namang dahil marami siyang bitbit
Napatikhim tuloy si prof. Bawal po bang humarot?
Ibinigay niya sa'kin ang dala niyang bulaklak at isang paper bag. Pansin kong nakasuot siya ng jersey at nasa likod niya ang ilan sa mga kateam niya.
"Anong meron?" Tanong ko. Hula ko'y malapad ang ngiti ko ngayon.
Lumawak ang ngiti Niya sa mukha. "Gusto lang kitang makita. And remember? I'm courting you." Saad niya. Punong-puno ng emosyon Ang mga mata. Ang galing niya, sobrang galing.
"Courting? Akal---"
Hinawakan Niya Ang isang palad ko. "Akala mo?"
Umiling ako, "masaya akong makita ka pero dapat di mo na ginawa to', simple lang gusto ko, legit" I meant everything I've said.
BINABASA MO ANG
Nerdy Rebound ( Editing )
General FictionThey say love makes impossible, possible. And it came out true in Bianca's life. Being indifferent made her to be dislike by the others and to feel left out. ALWAYS. Until she had a crush on an athlete. And later on found out that she need to help...