chibiixx thank you book cover honey❤😍Chapter 1
"Babe! Stop that" tumatawang wika ni melissa habang hinaharangan nang kamay niya ang camera'ng gamit ko pang-picture sa kanya.
"Just one last shot, babe" wika ko sa kanya nang nakangiti. "Hmm, just one last shot okay?" Wika niya saka nagpost ng pa-cute.
Click*
"You're so cute babe" nakangiting saad ko saka piningot ang ilong niya dahilan para samaan ako nito ng tingin. Hayst, she's so cute. *^.^*
She is Barbara Melissa Moyano, 17 years old. Halos isang taon ko na din siyang nililigawan. Hindi pa raw kasi siya pwede magka-boyfriend dahil wala pa siya sa legal age pero sabi niya ay mahintay ko raw sana siya hanggang mag-18 siya.
Wala kaming label pero babe ang tawagan namin, hehe mas lalo tuloy tumataas ang tyansang maging kaming dalawa hihihi
Naging daily routine narin namin na sa twing may pasok ay susunduin ko siya sa school niya at ihahatid sa bahay nila. Hindi ko naman siya mahatid sa school dahil malayo ang bahay namin sa isa't-isa.
Alam din ng both parents namin ang tungkol sa status naming dalawa, boto sila mama sa kanya at siyempre, boto rin sila tita at tito sakin para sa anak nila. Hehe
"Babe? Gutom na'ko" nakangusong wika niya, bakit ang cute cute moooo?
Sabado ngayon kaya niyaya ko siyang lumabas para mamasyal at kumain, in short "Date" hehe.
"San mo gusto kumain babe?" Ako.
"Anywhere babe, basta kasama ka" pacute na wika niya. Wag ganyan baaabe! Mas lalo akong maiinlab sayo eee.
"Parang masarap yata pag turo-turo, ano sa tingin mo babe?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Agad namang gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang mukha.
"Sige!" Nagtatatalon-talon niyang wika saka ako hinatak papunta sa streetfoods na malapit sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bat ganon inasal niya pero wala nakong pake. Ang cute niya kasi hihi *^-^*
----------------------
"Thank you sa simple date jin" nakangiting wika niya. "Anything for you babe" nakangiti ring wika ko sa kanya at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Sa ngayon sa noo muna, saka na sa lips pag sa araw na ng kasal namin.
Ngumiti ulit siya ng matamis saka pumasok sa loob ng bahay nila. Naiwan akong nakangiti parin habang nakatitig sa pinto ng bahay nila.
Ilang sandali lang ay nagpasya na rin akong umuwi.
I'm Jin Dela Vega, 19 years old. Grade 12 while melissa is 11. Nagkakilala kami last year 2019 dahil sa friend ko na friend niya rin, reto kumbaga.
Madalas kaming tukso-tuksohin ng mga kaklase namin dati. Dahil sa tukso ay nahulog ang loob ko sa kanya. Naglakas loob ako non na magtapat sa kanya, nung una pinangungunahan pa ng kaba kasi baka ma-reject lang ako, pero sinubukan ko parin.
Melissa also told me na gusto niya rin ako pero hindi pa raw siya pwede magka-boyfriend dahil masyado pa siyang bata. Dahil sa gusto ko siya, una ko munang niligawan ang magulang niya. Nong una hindi sila pabor pero dahil nakita nilang sincere ako sa nararamdaman ko kay melissa ay hinayaan nalang din nila akong manligaw sa anak nila.
"Jin! Come down here honey, time to eat!" Sigaw ni mama mula sa baba sa kusina. "Coming!" Sigaw ko rin at agad na binuksan ang pinto ng kwarto at bumaba sa kusina.
YOU ARE READING
where are you, Melissa?
Детектив / ТриллерHanggang kelan mo hahanapin ang taong ayaw magpahanap? Gagawin ni jin ang lahat para lang makita ang pinakamamahak niyang dalaga. Hanggang saan siya dadalhin nang kanyang mga paa sa paghahanap?