CHAPTER 2

12 2 0
                                    

A/n: pasensya na po sa grammar 😳

Chapter 2

"Sige lang! Inom lang kayo! Oh waiter give them 2 bottles of whiskey!" Pasigaw na saad ni sativ sa waiter na paikot-ikot sa loob ng bahay niya para magserve.

"Jin?! Buti pinayagan ka ni melissa?!" Wika niya na halos mamaos na kakasigaw dahil sa labis na lakas ng tugtog.

"Nangako akong walang babae!" Sigaw na sagot ko sa kanya. Bahagya siyang napatawa saka nagpaalam na aasikasuhin ang ibang guest kaya naiwan kami ni carlo sa backyard pool nila sativ.

"Alam mo?! Duda akong maririnig pa tayo ni sativ pagkatapos nito! Yung patugtog niya abot hanggang pang-sampong barangay!" Buong lakas na sigaw ni carlo habang nagpapaliwanag.

Napailing nalang ako habang nakangisi.

May lumapit na isang magandang babae kay carlo at kinalabit ito mula sa likod dahilan para lingonin niya ito. Kita ko ang malapad na ngiti ng babae at ni carlo nang magharap sila. Isa pa tong babaero! Tsk!

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko kaya dali-dali ko itong kinuha. Si melissa tumatawag kaya agad akong lumabas ng bahay ni sativ at nang makalayo na sa malakas na tugtugan ay sinagot ko na ito.

"Babe?" Wika ko.

"Babe what time are we going to attend the family dinner of yours?" Malumanay na saad niya. Pag ganong paraan siya magsalita pakiramdam ko napaka peaceful ng araw ko.

"6pm babe, sa Casa Espada. Sunduin nalang kita diyan before 6pm tapos sabay na tayo pumunta don. Okay lang ba sayo?"

"Okay babe, ingat ka huh. Enjoy the party, remember no girls" paalala niya kaya mahina akong napatawa.

"Yes commander! No girls" kinikilig-kilig pang wika ko saka nagpaalam sa kanya at ibinaba ang tawag.

Dali-dali akong bumalik sa loob at nadatnan ko si carlo na nakikipagpalitan ng halik sa babaeng lumapit sa kanya kanina. Pakalandi

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatay malisyang lumapit sa table namin kanina sa pool at pinakikinggan ang music habang inuunti-unti ang baso ng tequila.

🎶Don't stay awake for too long, don't go to bed. I'll make a cup of coffee for your head...🎶

Di ko makipigilang sabayan ng kanta ang tugtog dahil isa ito sa paborito kong music.

Death bed..

---------------------------

Malapit na mag alas-singko imedia kaya nagpaalam na'ko kila carlo at sativ.

"Bro! Happy birthday ulet! Papaalam na'ko, susunduin ko pa si melissa para sa family dinner mamaya!" Pasigaw na saad ko.

"Osige bro! Salamat! Ingat kayo!" Paalala niya saka ko naglakad palabas ng bahay niya at nagdiretso sa kotse ko at pinaandar agad.

-------------------------

"Babe? Tao po?" Wika ko habang pasimpleng sumisilip sa screendoor ng bahay nila melissa.

Agad namang bumungad sakin ang mama niya ng nakangiti at pinapasok ako sa loob upang doon nalang daw hinatayin si melissa dahil nag-aayos pa daw siya.

"What do you want hijo? Juice? Soda? Tubig?" Pag aalok ni tita.

"Ayos lang po tita, wag na po" pasimpleng pagtanggi ko na may halong ngiti.

where are you, Melissa?Where stories live. Discover now