Chapter 1

8 0 0
                                    

"Hoy! Tumabi ka nga sa dinaraanan ko!"

Nilingon ko ang walang hiyang nagsalita. Tinaasan ko ito ng kilay at umalis sa harapan niya na parang walang narinig.

"Aba! Bastos ka talaga kahit kailan 'no?" pa tuloy nito.

I just shrugged, and left the place.

Narinig ko pa ang pagmumura nito, pero hindi ko nalang pinansin pa. Malelate na ako sa klase at wala na akong panahon para makipag-away. Ngayong ako nalang ang nagpapa-aral sa sarili ko, hindi ko na dapat ito balewalain dahil kada sentimo na ibinabayad ko ay nagmula sa sarili kong pagsisikap. Dahil sa pilit na pagpaparamdam sakin ng sarili kong Ina na hindi ako welcome sa pamilyang dapat ay kasapi ako, napagpasiyahan ko na lang na bumuklod. May ipon naman ako, sapat na siguro iyon. Maghahanap nalang ako ng trabaho. Bahala na.

"Hey! Watch out!" masungit kong sigaw dahil may walang hiyang bumunggo sa akin.

Tinignan ko ito. Nakatingin lamang ito sa akin. He blinked twice and then he suddenly left.

'Ang bastos naman. Hindi man lang nagsorry.'

I looked at my watch and I almost shout when I saw what time is it already. I immediately run as fast as I could.

Hinihingal akong dumating sa classroom, mabuti nalang at wala pa yung masungit naming professor. Napakahalaga daw ng oras para sa kanya kaya wala daw dapat sayangin ni isang segundo, pero tignan mo naman limang minuto na siyang late. Tss.

Umupo ako sa bandang dulo dahil ito nalang ang bakante. May isa pang upuan sa tabi ko, subukan lang nilang tumabi.

Narinig ko ang mga malalandi kong kaklase na nagsitilian nang may dumating na lalaki. He's so tall. I'm actually thinking na basketball player siya. He's wearing a plain fitted black v-neck shirt and maong pants. He partnered it with white shoes at ang bag pack niya ay nakasabit sa isa niyang balikat. Nakakunot ang noo nito na para bang may mali sa mga taong nasa paligid niya.

Napatingin ulit ako dito nang marealized ko na siya yung lalaking bumangga sakin kanina. Sinamaan ko agad ito ng tingin.

At dahil ang katabing upuan ko nalang ang bakante dito siya umupo ngunit bago pa niya ito magawa ay hinarang ko na ang mga braso ko at tinignan siya ng masama.

Tinaasan lamang ako nito ng kilay, at hinihintay na alisin ang mga braso kong nakaharang.

"Go, find another seat. May nakaupo na dito." I lied, of course.

"I don't care, miss. Alisin mo na 'yan. Nangangawit na ako." Madilim nitong tugon.

I grinned. "I don't care either."

Hindi na ako pinansin ng lalaki at humanap nalang ng ibang pwesto, willing naman sana ang mga haliparot kong kaklase na bigyan siya ng mauupuan kaso wala na talagang pwesto kundi itong nasa tabi ko. Ang sama na ng tingin ng iba sa akin na para bang napakasama kong nilalang. Tinaasan ko na lamang sila ng kilay at hindi pinansin.

Anong pake ko diyan? Manigas siya.

Dumating na sa wakas yung masungit naming professor. Nagtataka pa ito nang makitang may nakatayo pa.

"Mr. Carter, why are you still standing? Have a seat."

Aba! Bakit ang bait naman ata nito ngayon?

"Uhm. Sorry. It seems like your student here doesn't want me to seat beside her."

Mabilis akong napatingin dito, nakaturo pa nga sakin. Ano ka bata? May pagsumbong?

"Ms. Abbott, we both know that you don't own that seat beside you, pauupuin mo na ba si Mr. Carter or do you want me to drop you out of this class? Be my guess."

MalloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon