Chapter 2

5 0 0
                                    

"Did he just called you, Love" I asked Trixie as if she made a mistake.

"Uhh. Uhm. I don't know? Maybe he's not talking to me?" kinakabahan pa nga si gaga.

"She's totally looking at you, Trixie." I said.

Mukhang naguguluhan naman si abo dahil sa reaksiyon namin. Lumabas yung prof namin saglit dahil pinatawag siya.

Lalapit na sana si gago samin nang biglang tumayo si Trixie at lumabas. Sinundan naman siya ni abo.

Siguro magsyota yung dalawang 'yon. Mukhang mali pa ata na ginawa kong kaybigan si Trixie ah?

Bumalik na yung prof namin pero yung dalawa nasa labas parin. Maya-maya lang pumasok na silang dalawa, nagulat pa yung prof sakanila.

"Where did you two go?" our professor asked.

Umupo na si Trixie sa tabi ko at hinayaang sumagot si abo. Ngumiti lang ito sa akin nang makitang nagtataka ang reaksiyon ko.

"I'm sorry miss, we just talked outside. Won't happen again." he said sincerely. Umupo na ito at hindi na muling tumingin kay Trixie.

Tumango na lamang yung professor namin at saka nagdiscuss.

Nagtataka man ako, ay pinagpasiyahan ko na lamang makinig sa discussion. Sabi nga nila 'mind your own business.' Hindi ko pa naman masyadong kilala si Trixie para panghimasukan ng ganoon na lamang ang buhay niya.

Magkkwento naman siguro siya kung handa na siya. I'm not just the curious type.

Nang matapos ang klase ay lumabas na ang professor namin. Agad namang lumapit ang isang chismosang frog naming kaklase kay Trixie.

"What's your relationship with Gray?" maangas nitong tanong na akala mo'y may maibubuga.

Tinaasan lamang ito ng kilay ni Trixie. Obviously not wanting to answer her dumb question. Inaya niya na akong umalis.

Masama lamang siyang tinignan nung malandi kong kaklase na chismosang frog din. Bakit ba may mga ganung tao? Tss.

Hindi ba obvious na ayaw ni Trixie na pag-usapan pa 'yon? Masyado silang mapilit.

Tinignan ko si abo na nakatingin na ngayon sa akin at kay Trixie. Tinaasan ako nito ng kilay nang makitang nakatingin din ako sa kaniya.

Ha! Akala mo naman may arit. Tss.

Kinuha ko na ang hand bag ko at lumabas.

"Do you have places to go?" Trixie suddenly asked when we went outside the room.

"Actually yes. Naghahanap kasi ako ng trabaho. Ako nalang kasi ang nagpapaaral sa sarili ko."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"What? But, no offense, how can you afford to pay for your tuition fee here? I mean. Ikaw lang ang nagpapaaral sa sarili mo. Kahit may ipon ka hindi magiging sapat 'yon."

She's right. Sobrang laki ng tuition na ibinabayad dito. Hindi naman ako matalino, so hindi din ako scholar. Ang totoo niyan, bayad na yung tuition ko for the whole semester. Binayaran ni daddy. Nung nagdesisyon akong humiwalay sa kanila, my dad wants to help me. Tumanggi ako, pero napapayag din sa huli. I can't transfer to another school that's cheaper, mas mapapagastos ako. Isa pa, madaming dorm malapit sa University na pinapasukan ko kaya hindi ko na tinanggihan yung offer ni daddy. My mom and dad got separated when I was five years old. Sa ina ko ako napunta sa kasamaang palad. Nung nalaman ng ina ko na tinulungan ako ni daddy ay nagalit siya. But of course wala naman na siyang magagawa pa don dahil nabayaran na. But I still need to find a suitable job for my daily allowance, expenses and for my food of course. My dad actually offer me to pay for all of my expenses but this time tinanggihan ko na.

MalloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon