Chapter 4

0 0 0
                                    

Nakarating na kami sa club nila Trixie, medyo malaki ito at ang dami na agad naka park na iba't ibang sports car sa parking lot. Napangiwi nalang ako. Mukhang mga big time ang mga guess nila Trixie.

Pumasok na kami sa loob at may mga bouncer na humarang sa akin bigla.

"It's okay. She's with me." Trixie explained, and then the two bouncers let me go. Tinatakan pa nila ako ng invisible stamp bago papasukin.

"It's for the VIP pass." she explained to me when she saw how I look bothered by the stamp they gave me.

Tumango na lang ako at iginala ang tingin sa loob ng club. This is not the usual club na makikita mo. It's an elegant club to be honest. Parang lahat ng nagpupunta dito ay mga elite na tao lang. Mukhang mayayaman ang mga tao na nandito dahil lahat sila ay puro Ingles ang lenggwaheng ginagamit. At halata naman din dahil sa mga sports car na nasa labas.

Mukhang tapos na ang opening party at puro inuman nalang ang nakikita namin. Nahiya naman ako kay Trixie. Hindi niya sinabi sa akin kaagad na opening pala ng club nila, tinulungan pa niya ko maglinis.

Iginaya niya ko sa taas. Pumasok kami sa isang VIP room at may ilang mga tao na nandun. Kumaway si Trixie sakanila at ganun din naman ang ginawa nila. Tumango nalang ako at ngumiti bilang respeto.

"Guys, this is Mallory." pagpapakilala sa akin ni Trixie sa mga kaibigan.

Jusko. Hindi ko alam na ganito pala kayayaman ang mga kaybigan nitong si Trixie.

"Hi, I'm Elizabeth. Ely for short! Nice meeting you!" masigla nitong bati.

Bumeso pa ito sa akin kaya naman gumanti nalang ako at nagpakilala na din.

"You're the chick on Trixie's post earlier. Right?" he chuckled. "I'm Vincent Paul." he winked at me.

Tumawa naman si Trixie at inagaw na ako sa mga kaybigan. "That one there is Scarlett, she's not fond of meeting new friends, and she got an attitude so beware of dogs." she laughed so loud and then guided me to sit on the couch.

Tinignan ko iyong Scarlett. Mukha ngang mahirap siyang iapproach. Pero bastos naman masyado kung hindi ko man lang siya babatiin. So I decided to sit besider her and to atleast greet her.

Nagulat pa ang mga kaybigan ni Trixie dahil sa biglang pagtayo ko, nang makita ni Trixie na umupo ako sa tabi ni Scarlett ay agad siyang nataranta. Nginitian ko ito para ipakitang okay lang 'yon.

Tinabihan ko si Scarlett at binati. "Hi. I'm Mallory." nginitian ko ito at tumingin naman agad ito sa akin.

Tinitigan niya muna ako at walang ganang nagpakilala.

"I'm Scarlett." umirap siya at tinalikuran na ako.

Tumingin ang mga magkakaybigan sa akin at tila nahihiya dahil sa inasal ni Scarlett. I shrugged my shoulders and left her. Ang mahalaga hindi ako naging bastos at nagpakilala ako ng maayos.

Bumalik ako sa tabi ni Trixie na ngayon ay umiinom ng tequila.

"I told you, beware of dogs." umirap lang siya at inalok ako nung iniinom niya. Inabot ko ito at ininom din.

Nagulat pa siya ng isang lagukan ko lang tong ininom.

"Bakit parang may galit ka don?" pagtatanong ko dahil kanina pa siya irap ng irap sa babae.

"She likes Gray." that's all she said. Tumango nalang ako at naintindihan na kung bakit ganun ang inaasal niya kanina pa.

"But she's your friend right?" tanong ko ulit dito.

"Yeah, it's because of these two." tinuro niya si Ely at Vincent. "If it wasn't for them I wouldn't invite her here."

Ang awkward naman ng situation nila. I don't how to act if I were in their shoes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MalloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon