Chapter 3

1 0 0
                                    

Pagod na pagod ako ng makarating sa dorm ko. It's almost 10 pm already. Masyadong matagal ang ginugol kong oras para maghanap ng trabaho ngunit sa bandang huli ay wala naman akong napala.

Ibinagsak ko ang katawan sa maliit kong kama at saka mariing ipinikit ang aking mata.

'Living in this world is fucking hard.'

Kung sana ay may pamilya akong katulad ni Trixie na handang tumulong sa kanya. Mapakla akong natawa sa naisip, at kailan pa ba ako nainggit sa ibang tao?

Mas mabuti na 'to kaysa tumira ako sa bahay na paulit-ulit lang ipinaparamdam sa akin na hindi ako nararapat doon.

Inayos ko na ang sarili at saka nagbihis ng pamalit. Hindi pa gaanong maayos ang mga gamit ko dahil nga kakalipat ko lang dito, buti nalang ay walang pasok bukas kaya magagawa ko itong ayusin, naikwento ko kay Trixie ang tungkol sa bagay na 'to, binalak pa nga niyang tumulong pero syempre tumanggi ako kaagad.

Pagkatapos magpalit ay napatingin ako sa dalawang paper bag na nakalapag sa kama ko. Nung umalis kami kanina ay walang kahit na anong sinabi si Trixie tungkol sa nakita ko, aaminin kong sobrang nacurious ako pero mas minabuti ko parin na huwag ng magtanong. Hahayaan ko siyang magkwento ng kusa sa akin.

Halatang pilit niyang iniiwasan na mapag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni abo. Wala namang kaso sa akin 'yon, siguro ay nahihiya lang siya sa akin.

Kumilos ako at tinignan ang laman ng dalawang paper bag. Napangiwi naman ako sa nakita, puro designer clothes ang naroroon. Scam ata iyong si Trixie, lahat ng damit na nandito bago pa at may tag pa. Sabi niya kanina yung iba dito nagamit na niya, sobra naman ata 'to masyado. Ibabalik ko nalang yung iba sa susunod.

Inayos ko ang mga ito, biglang sumakit ang ulo ko dahil karamihan sa mga binigay niya sa akin ay hindi ko sinusuot at puro mga maiiksi pa. Nakakahiya naman kung hindi ko susuotin dahil mukhang matampuhin pa naman ang isang 'yon.

Pagkatapos mag-ayos, humiga na ako sa aking kama at saka mahimbing na natulog.

"Good morning, Mallory!!!!!!!"

Agad akong bumangon dahil sa gulat para lang makita ang mukha ni Trixie sa harapan ko. Malawak ang ngiti nito at may suot pang pink na apron.

Kumunot ang noo ko sa nakita, nanaginip ata ako?

Humiga ako ulit at pinikit ang mga mata, pero nagising lang ako ulit nang malakas akong batuhin ng unan ni Trixie sa mukha.

Wtf?!

"Hsjaknsnsjiwoel."

Malakas na tumawa ang gaga dahil sa malamang hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Minura kita. Gago!

"Get up na! May dala akong breakfast. I'll help you clean your dorm. Come on!" She giggled. Nakapamewang pa ito at may hawak na roller brush sa kanang kamay. Binitawan niya ang hawak ata saka ako pilit na pinatatayo mula sa pagkakahiga.

"How did you get in here!?" I groaned, now getting annoyed.

"Duh. Pumasok ako sa pintuan mo, obviously."

"I know! But how? Naka lock 'yan, so pano ka nakapasok? Nababaliw kanaba?"

Tumawa lang ito at hindi pinansin ang galit ko. Padabog akong tumayo sa kama at nagpunta sa restroom para ayusin ang sarili.

Pagkalabas ko ay wala na sa kwarto si Trixie. Nagutom naman ako nang maamoy ang mabangong soup mula sa labas. Sumilip ako at nakita si Trixie na inaayos ang mga pagkain katulong si kuya Badong.

Hindi ako ganito. Hindi ko hinahayaan ang kung sino lang na gisingin ako ng ganoon at pakielaman ang mga gamit ko, pero sadyang hindi ko kayang mainis o magalit kay Trixie. Bwiset.

MalloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon