Setyembre 05, 2019. 4:58 pm.

Isang araw na puno ng trabaho. Panahon na ng tag-ulan.

Ang simoy ng hangin ay ubod ng lamig. Ang kalsada ay basa dahil sa ulan na naganap noong makalipas na oras lamang. Mag-aalas singko na ng gabi ngunit mukhang alas syete ng gabi sa sobrang dilim ng paligid.

Ber months na. Ang mga tao ay nagsisimula nang mag dekorasyon ng kani-kanilang bahay ng mga palamuti na pang pasko.

Ilang buwan na lang ay pasko na ngunit wala pa rin akong jowa.

Hayst! Malamig nanaman ang aking pasko.

Ang aking saloobin na tumakbo sa aking isip. Napabuntong hininga na lamang ako.

So what? Masaya naman akong single ayoko lamang tumandang dalaga.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa LRT station. Ang kantang pang pasko ni Jose Mari Chan ay abot ang tunog sa paligid. Sa convenience store, sa mall, sa taxi, kahit saan maririnig mo ang kantang pang pasko na inawit ni Jose Mari Chan.

Hello! Hello!

Ang aking cellphone ay tumunog sa loob ng aking bag.

May tama ka! Ringtone ko nga iyon. So ano naman ngayon. Paki mo?

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa loob na aking bag. Si Hannah ay nag message sa akin.

Hannah sent a picture.

Hannah:

Hay nako!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hay nako!

Nag send lang pala ng memes.

Di ko na ito pinansin at nag patuloy na lang sa paglalakad papunta sa LRT.

Ilang sandali lamang ay tumunog nanaman ang aking cellphone.

Hannah sent a picture.

Hannah:

Grace:Hannah stop! Ang korny

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Grace:
Hannah stop! Ang korny.😑

Hannah:
Why it's so funny!

DMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon