Twitter, isang social media platform na kinagigiliwang tambayan ng mga tao na gustong magdrama sa buhay.
Tweet dito, tweet doon. Walang katapusang reklamo ng mga tao sa mundo.
Away dito, retweet doon, heart dine. Tila ba sila ay nagkaroon ng kalay...
Handa na ang costume ko. Di ko alam ang mararamdaman. Kung masasayahan ba o kakabahan. Sobrang excited na ko. Isang oras at limampu't limang minuto pa bago mag simula ang event.
Gusto kong sumigaw sa sobrang excited.
Dapat sanay na ako dito. Ilang taon na rin akong nagko-cosplay pero, bakit ganun? Kada event na dinadaluhan ko ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kaba.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa LRT-1 station. Magkikita kita na lamang daw kami sa Mall mismo. Agaw tingin ang aking itsura.
Di ako gaanong katangkaran kaya angkop sa akin na i-cosplay si Teemo.
Hello! League of Legends players.
Picture dito, Picture doon.
Instant celebrity ang ate gurl niyo.
Ang mga bata ay abot ang hiyaw.
"Ma, si Jollibee." Hiyaw ng isang bata habang itinuturo ako.
Jollibee? Kulay green?
Napaisip ako sa sinigaw ng bata.
Ginaya ko ang classic skin ni Teemo. Di na ko nakapag handa masyado dahil busy ako sa trabaho.
Binilisan ko na lamang ang lakad dahil panigurado na mala-late ako sa event.
5:50 pm.
Paparating na sa EDSA station. Ang susunod na station ay EDSA. Maari lamang po na mag bigay daan sa mga bababa na pasahero.
Ang tunog na aking narinig. Naghuhudyat na ako ay malapit na. Kaunting lakad at isang sakay na lang ng jeep ay mararating ko na ang aking pupuntahan.
Mabuti na ay day-off ko sa opisina tuwing Linggo.
Ika'y nakarating na sa EDSA station.
Natutuwa ako sa nagboses ng anunsyo. Sa ilang taon ko na paninirahan sa Maynila ay nasanay na ako sa nagboses ng anunsyo.
Nang makalabas na ako sa station. Nag vibrate ang aking cellphone.
Spice Girls!😍♥️✨
Jessica: Hoy mga babae nasan na kayo!😡
Hannah: Malapit na ko sa entrance. Isang kembot na lang sis. Chill!🌨️
Grace: Galit na galit? Isang lundag na lang ako.
Jessica:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hannah:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.