Chapter 7: The 80's life

119 58 48
                                    

IN THIS WORLD

7. The 80's life

Soundtrack:
Purple Rain by Prince and the Revolution

• • •

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, hija?"

Tumango lang ako at tipid na ngumiti sakaniya.

Nawalan daw ako ng malay kaninang umaga at ngayon lang ako nagising kung kailan alas singko na ng hapon. It alarms the people in this house, especially Mrs. Jovellana, ang may ari ng bahay na tinutuluyan ko.

They look at me like I'm a lost cause --- naive and pitiful dahil sa natamo kong mga tama ng bala. Well, hindi naman ito nalalayo sa tunay kong situwasyon.

Natakasan ko ang kamatayan. Nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay muli. Kaso, sa hindi inaasahang pagkakataon; hindi sa mundo at panahon na kinagisnan ko. Malayo ito sa kinasanayan kong pamumuhay at higit sa lahat ibang-iba sa realidad na pinanghawakan ko mula sa pagkabata.

It shaken every ounce of my sanity and beliefs.

Que serà, serà...whatever will be, will be?

Mapakla akong ngumiti.

Who would've thought time would be this deceitful?

Ito na ba ang sinasabi ni Greg? Pero...impossible, kung ito 'yon, why is he so scared that time?

"Why are you killing her? We still needs her! Makakarating 'to kay Cervious!"

Just like what that guy said, kailangan nila ako...kung ang Invictous ang may kagagawan nito --- I would not be here. Kaharap ko sana 'yung Cervious na sinasabi niya.

I could not help but wonder...what happen to Greg, Wally and Xenon?

Of all people, bakit isang organisasyon ang  nangha-hunting saamin? Saakin?

Why am I even here?

At, paano ako makakabalik sa kapanahonan ko?

Naputol ang mga iniisip ko nang may kumatok sa loob ng kwartong tinutuluyan ko.

It was the Spencer guy, 'yung panganay na anak nung may-ari ng bahay na 'to. Ang unang taong  nakita ko rito.

He's wearing a boyish black tank top na may logo ng banda na The Queen, naka-tucked in ito sa sira-sirang denim jeans niya which made his muscline biceps more visible. Nakasabit naman sa bewang niya ang isang red long sleeve polo shirt habang nakasuot sa ulo niya ang....weird ass red bandana??

If I were in my year, I would probably call him jologs, pero ngayon mas lalo lang nito pinamumukha ang realidad ng buhay ko.

Nandito ako sa taong 1985, tatlongpu't limang taon ang layo mula sa taong pinanggalingan ko.

"Pinapabigay ni ma, oh." Nakasimangot at nakakunot nanaman ang noo nito nang ini-abot niya ang wallet ko na tanging 'yung kwintas ni Wally ang laman; at ang damit at sapatos na suot ko noong gabing iyon. Mukha rin nahulog talaga sa lawa 'yung cellphone ni Blast...

"Ah, salamat..." I gave him a nod at iniwas ang tingin.

Akala ko aalis na 'to ngunit nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ko. Kaya, nagtataka kong ibinaling ulit ang tingin sakan'ya.

In This World: Beyond TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon