part 1

2 0 0
                                    

"aisshhh inuutusan mo akong iligtas yung tao na mas ikatutuwa ko pa na patayin kung bibigyan lang ako ng pagkakataon. seryoso ka ba ?" reklamo ni yerin habang pasalampak na naupo sa isa sa single couch sa aking sala bago ipinatong ang kanyang mga paa sa lamesa na nakapwesto sa gitna.

i sigh "pwede bang ibaba mo iyong mga paa mo. bahay ko to baka nakakalimutan mo" mariing utos ko ngunit ibinalewala lamang nya iyon at nagpatuloy lamang sya sa pagpapahayag ng pagkadisgusto nya sa misyon na ibinigay ko sa kanya.

"alam mo ba kung gaanong pagtitimpi ang ginagawa ko upang wag lamang syang paulanan ng bala?. hindi ko nga alam kung ano ang dahilan kung bakit kailangan kong pangalagaan ang babaeng yon." tuloy tuloy na reklamo nya at may kasama pang pag kumpas kumpas ng kanyang mga kamay na ani mong nasa harapan nya ang babae at sinusuntok .

"pwede bang iba na lamang ang ipagawa mo sakin?. Hindi ko na talaga matagalan ang talas ng dila ng babaeng iyon "

"ngunit hindi ko naman kasi sinabi na makipagkilala ka sa kanya. Ang ipinag-uutos ko lang ay ang subaybayan sya at ilayo sa kapahamakan -wala akong sinabi na pormahan mo" naka ngisi kong pang aasar habang sinisimsim ang wine sa baso ko.

"what the. -?! excuse me hindi ko sya pinopormahan noh! " pasigaw nyang pagtanggi at pinigilan ko lamang ang sariling matawa sa sobrang defensive ng tono ng boses nya.

"oo na. hindi mo kailangan sumigaw" ibinaba ko ang baso sa counter at naglakad papuntang sala bago pabagsak na iniupo ko ang sarili sa mahabang sa sofa.

"hindi ako sumisigaw"

"talaga? eh halos magpatid na nga yang litid sa leeg mo kanina " patuloy na pangaasar ko sa kanya.

itatanggi pa sana nyang muli ngunit sabay kaming napalingon ng marinig namin ang pagbukas at pagsara ng front door at ilang sandali lang ay bumungad samin ang nakangiting mukha ni choi yuna.

"hey whats up? " masiglang bati nya sa amin. Tinanguan ko lamang sya at si yerin naman ay itinanong agad kung naghapunan na ba sya-na sinagot naman nya ng simpleng oo bago naupo sa tabi ko.

"kamusta? " hindi ko na kailangan pang pahabain ang tanong ko dahil nakakasigurado akong alam naman nyang hindi sya ang kinakamusta ko kundi ang lagay ng taong ibinilin kong bantayan nya.

tumango tango sya habang inaabot ang pringles na nasa lamesa. isa iyon sa mga pagkaen na dala ni yerin ng dumating sya rito kanina. "sinigurado kong safe ang paligid ng apartment nila bago ko iyon iniwan at ilang oras din muna ang inintay ko simula ng patayin nila ang ilaw bago ko lisanin ang lugar para makasigurado " pahayag nya at kagaya ni yerin ay ipinatong din nya ang mga paa sa lamesa at inihilig ang ulo sa back rest ng sofa.

napabuntong hininga nalang ako sa mga asal nila dahil alam kong hindi din nila ako susundin kahit pagsabihan ko sila. Bagay na ginagawa ko araw-araw ngunit araw-araw din nilang binabalewala.

hayyy . .

"mabuti kung ganon. pwede ka ng magpahinga. bukas ng gabi ay ako naman ang magbabantay " nasabi ko nalang.

salitan ang pagbabantay namin tuwing gabi sa kadahilanang iisang apartment lamang din naman ang mga iyon nakatira.

"teka teka pwede bang magpalit na lamang kami ng babantayan?" muling hirit ni yerin habang ang hintuturo ay nakaturo kay yuna na busy sa pagnguya "satingin ko ay mas matatagalan kong bantayan ang subject nya kaysa sa babaeng kasalukuyan kong sinusubaybayan" nakangusong pakiusap nya .

ngunit bago pa ako makapagsalita ay inunahan na agad ako ni yuna "nope. hindi pwede " walang lingong sagot nya.

"wae? wae? bakit naman? " hindi makapaniwalang tanong ni yerin habang magkasalubong ang kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my reaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon