11

367 12 10
                                    

"Gurl pabasa na kasi kami, damot mo naman."

"No.''

Binaba ko na ang cellphone ko matapos makipag usap kay Elmar. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko silang tinanggihan na ipakita ang convo sa 'GC' na ginawa ko. Pinagawa rather. Anlakas maka Pia Wurtzbach.

"Kwento nalang kasi poks." saad naman ni Finn, yung gay friend namin na ubod ng gwapo. Kung di lang parehas ang adan ang gusto namin ay baka jinowa ko na ang isang 'to e.

"Kumain na nga lang kayo, napaka tsismoso aba!"

"Aba ang gaga, napakadamot."

Kinindatan ko lang si Jessa na ngayon ay naka pout na sa akin.

"Pwede mo naman na ileave sila kasi tapos na yung one day."

Napatingin kami kay Laila, oo nga pala at ang dare ay isang araw. Pero nakadepende pa rin naman daw ito sa akin. I don't know, i just felt like mukhang may magandang kakalabasan ang GC na yun. Imagine, isang araw palang nagkaroon na agad kami ng closure ng iba sa kanila.

Maybe that is just for closure at para mabigyan na sila ng peace of mind. Hindi ko lang magets ba't pinasali pa nila doon si Jasper e okay na okay naman kami non. At si...

"Hoy, tinatanong ko pokpok ka."

Sinamaan nya ng tingin si Finn. "Kung di lang kita kaibigan, malamang nasampal na kita sa kakatawag mo sa'kin ng pokpok."

Nagkibit balikat 'to at tinaasan sya ng kilay. Baklang to!

"Unfortunately, i'm your friend."

Nginiwian ko sya. "Yeah. Unfortunately."

"Look who's here."

Napatigil sya sa pag nguya at napatingala sa bagong dating. Kilala ko ba 'to? In fairness, mestiza at matangkad. Mukhang model, kaso kung titignan halata itong spoiled brat at maldita sa pagkataas taas ng kilay nito sa'kin.

Uminom ako ng tubig bago sya sagutin. "Kanina pa kami dito. Ako dapat magtanong," tumingin ako sa mga kasama ko at pagkatapos ay sa kanya. "Look, who's here?"

Lalo lang ako tinaasan ng kilay nito at nagsalita na. "Hindi mo ba ko kilala?"

Tumingin ako sa mga kasama ko para sana alamin kung sino sya pero mga nakatikom ang bibig ng mga ito at nakatingin sa ibang direksyon, ganon din ang ibang tao dito sa cafeteria. Hoy mga itlog! Anong gagawin ko dito?

"Uh, no?"

Pumeywang ito, napatingin tuloy ako sa hapit nitong white blouse at kinulang sa telang palda na onting tuwad nalang ata ay makikita na ang pinakatatagong yaman nya.

''Ako lang naman si Cindy Guillermo. Austin Ray Del Franco's girlfriend."

Napatawa ako sa isip ko. Walang duda, spoiled brat talaga ang ugali nito. Napaka immature, kinulang ata ito sa buwan. Aruy ko nanay naman, dapat inaruga nyo ito.

"Ang cliché naman ng pagsugod mo dito. Parang high school drama."

"Kilala mo ba ang sinasabihan mo ng ganyan,"

Naramdaman nyang hinihila ang blouse nya ni Finn, ng tinignan nya ito ay umiling ito na parang sinasabing wag na makipagtalo.

Binalingan ko ulit sya. "Oo, kakasabi mo lang. Cindy Guillermo. Austin Ray Del Franco's girlfriend."

"At pamangkin ako ng may ari ng eskwelahang ito. Kung sa'n ka nag aaral." madiin nitong sinabi

Nginitian ko sya. First step sa pakikipag away sa isang immature na warfreak ay ngitian ito.

"Thanks sa pag inform. Ngayon ko lang nalaman."

Narinig nya ang mahihinang pagtawa ng ibang estudyante sa loob ng cafeteria. Mga pigil na tawa na ayaw nilang iparinig sa babaeng agaw eksena dito.

"Yun na yun!?"

Nakakunot na ang noo nito at namumula na, parang anytime ay sasabog ito.

I look at her innocently. "Bakit, may sasabihin ka pa?"

"Argh! Sasabihin ko ito kay Tito!" and she stormed out of the cafeteria. Seriously, mukhang hindi sya dito nag aaral at nag abala pa syang pumunta dito para lang doon?

Yun ang dahilan bakit ko ghinost yung Austin na yun e. Taena, ang mga ex ba naman ay yung mga babaeng akala mo kaladkarin at kung sino sino lang ang pinapatulan. Kung pumayag akong magpaligaw don, ibig sabihin ka standards ko lang ang mga naging babae nya? No way!

"Iba ka talaga Friend. Pati pamangkin ni Kalbo pinatulan mo."

"Mukha ko ba syang pinatulan?"

"Ang bongga Poks ah.'' ani Finn

"Dapat sinabunutan mo agad, gaga.'' sabi ni Laila

Sinamaan ko sya ng tingin. "Kung ikaw kaya sinabunutan ko. Mga bwiset kayo, di nyo man lang ako tinulungan kanina."

"Keri mo naman e." sabi ni Jessa

"Taena, pag ako talaga sinumbong kay Kalbo non. Sasabunutan ko kayo."

"Ano bang ginawa mo don?" tanong ni Jessa.

"Kayo may gawa non! May jowa na pala yung si Austin, edi sana di ko sinama sa GC."

"Tanga ni Finn e, akala ko sinabi na sa'yo yun." ani Leila

"Oldies na ang aking brain sa calculus mga pokpok e."

Natatawang binatukan nila si Finn.

To All The Boys I Ghosted Before (Epistolary Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon