VICTOR'S POV
Tumuloy ako sa isang paglalakbay na walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako ng ligtas sa aming mundo. Ginawa ko ito upang mailigtas ang aming mundo at pati na rin ang mundo ng mga tao ngunit mukhang nagkamali ako sa desisyong aking ginawa sapagkat hindi ko inaasahan na naging mas masama pa ang aking kaibigan na si Calix. "Calix itigil mo na itong masamang balak mo sa buong mundo" sigaw ko sakanya ngunit imbes na sagutin niya ko pinakawalan niya lang ang mga lobong may matutulis na ngipin at malalaking katawan at saka inutusan na ako'y kalabanin. Hindi ko na alam kung kakayanin pa ng aking mahika ang mga lobo sapagkat kanina ko pa ito ginagamit at pagod na rin ang aking katawan ngunit sinubukan ko parin. "LESTIVICUS HANADIUM!!!" sigaw ko ng pagkalakas lakas ngunit parang walang talab sa mga lobong pinakawalan ni Calix. Nanghihina narin ang katawan ko bumagsak ako sa lupa at nakita ang mga lobong nakatingin nalang sakin bago tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.
YOU ARE READING
A journey through time
FantasyOne ordinary day for the four girls, Priscilla, Margaux, Yuri and Celine when an alchemist seek for their help. They need to save someone important to them and the whole enchanted world but for them to be able to do that they need to learn how to us...