CHARACTERS POVS

11 2 28
                                    

MARGAUX'S POV

Pagkagising ko agad akong tumingin sa bintana ng aking kwarto. Madilim pa at umuulan. I smiled in the fact that the sounds of raindrops is filling the quiet morning. 4:38 am palang ng tinignan ko ang aking phone.

Sinubukang kong ipikit ang aking mga mata upang matulog ulit, pero hindi na ako makatulog. So I decided to wait for the sun to shine while doing some unecessary things.
Para saakin magandang gumawa ng kung ano ano habang nakikinig sa peaceful rain.

Nararamdaman ko nang sumisikat ang araw kaya chineck ko ang phone ko. 6:04 am na kaya nagayos na ako at pumunta sa kwarto ng aking kakambal na si priscilla o prissy na tawag namin sakanya.

Sana naman ay gising na siya upang hindi kami malate sa school. "Puntahan ko na nga" sabi ko sa aking sarili habang patungo sa kwarto ng aking kapatid.

PRISCILLA'S POV

Maaga akong nagising ngayon dahil sa tunog ng ulan. Gustong gusto ko ang tunog ng ulan mapa umaga man o gabi. The sound of the rain calms my mind. Habang naghihintay nagreview muna ako para sa test namin mamaya sa geography. UGH I hate it imbes na nakatulala nalang ako at pinapakinggan ang ulan nagbabasa ako ngayon at nagmememorize ng kung ano ano. 30 minutes din akong nagrereview ng napagpasiyahan kong maligo na.

20 MINUTES LATER

Nakarinig ako ng katok sa pinto habang nagpapatuyo ako ng buhok.
"Pasok bukas ang pinto" nakita ko ang aking kakambal na si margaux na bihis na.

"Prissy bilisan mo at kakain na tayo ng agahan. Baka malate tayo dahil diyan sa kabagalan mo" sabi niya sabay alis. Ganyan siya palagi pero mabait naman at mapagmahal yang si Margaux sadyang masungit lang siya sa umaga.

Nakatayo ako sa harap ng salamim ng matapos akong magbihis. Nakasuot ako ng uniform na hinding hindi ko pagsasawaang tignan. Shirt with blazer and tie na kulay beige na may kapares na skirt ito. Kinuha ko na ang aking bag at sinuot ito. "Another day here on Earth" sabi ko ng may ngiti sa labi at bumaba na para sa agahan.

YURI'S POV

"Kumain na kayo ng almusal baka malate kayo!" Rinig ko sa sigaw ng  mama ko galing sa kusina. Nandito ako ngayon sa sala namin kasama ang napakagaling kong pinsan na si Ken. Hindi naman talaga siya magaling pero hinayaan ko na, ayokong patulan.

Nagpunta kaming dalawa sa hapagkainan at nakita ang bacon, itlog, hotdog, tocino at iba pang ulam na naka handa sa lamesa.

"Ang rami naman tita, tayo lang tatlo dito eh." Sabi ni Ken. Nagdasal muna kami at kumuha na ng tocino si Ken. sinabi mo pa. Ikaw kayang umuubos ng pagkain.

Kumuha narin ako ng pagkain ko at kumain ng tahimik. Hindi ako yung tipong sobrang ingay pag kumakain, hindi katulad ni Ken. 18 years old na siya pero ang isip niya pang 7 years old parin. Nakakainis lang kaya minsan di ko nalang pinapansin.

Naging ganito lang rin naman ang ugali ko dahil sa tatay ko, iniwan kaming naghihirap. Pero kinalimutan ko nalang iyon at nag focus sa pag-aaral.

"Kala ko ba ayaw mong kumain, ate?" Sabi ni Ken habang may laman na pagkain ang bibig. 18 years old kaba talaga?

"Iayaw mo mukha mo." Sabi ko, seryoso palagi ang aking tono kapag nagsasalita.

"Ayy sorry, sorry. Kasi kung di ka kumain, uubusin ko na lahat to." Sabi niya at tumawa pagkatapos. Sa pagka inis ko, kinuha ko ang platong puno ng bacon at hiniharap sa kanya, "Eto oh, ubusin mo."

"Tama na yan, ano ba." Sabi ni mama, siya lang ang nakakapigil samin. Oo, araw araw kaming ganto.

Kumain kami ng nagkukwento si mama at Ken, nandun lang ako, tahimik na kumakain. Ginulo lang naman ako ni Ken kaya nagsalita ako, sakanya lang ako ganito.

Natapos kaming kumain at naghanda na kami para pumasok  habang naghugas naman si mama ng mga plato.

Nang matapos kami, nagpaalam kami tsaka lumabas na. Kumuha narin ako ng payong dahil umuulan sa labas, dahil hindi naman gagawin ng aking magaling na pinsan.

Binigay ko ang isang payong sakanya at kinuha niya ito sa aking kamay. Kung isa lang ang kinuha ko bahala siyang mabasa.

"Ate, kung makikita mo man ang tatay mo, galit ka parin ba sakanya?" Tanong ni Ken habang kami'y naglalakad.

Tumigil ako sa paglalakad, nagtaka si Ken kung anong nangyari saken. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero sinagot ko nalang ito.

"Depende sa sitwasyon." at kami'y naglakad na patungo sa aming paaralan.

CELINE'S POV

"UGH hindi ba talaga tayo magkaklase Sam?" tanong ko sa kapatid ko habang nakasakay kami sa jeep. Ang lakas ng ulan. "Hindi eh 3rd floor ako nasa 4th floor ka, Kaya mo yan just talk to them like me. Hindi naman pwedeng ako lagi ang kausap mo, Nakakasawa kaya mukha mo." biro niya saken. Hindi ko na siya sinagot at nagisip nalang kung anong pwede kong magawa para may maging kaibigan ako sa 1st day habang nakatingin sa ulan mula dito sa jeep. Ayaw ko namang ma stuck for the whole school year na ako lang magisa, NO WAY! magmumukha akong lonely. eto yung mga naisip kong plano...

1st- be quiet
tatahimik nalang ako at maghihintay ng kakausap at makikipagkaibigan saken. Ganon naman lahat sa first days nila diba. Tatahimik at magpapakabait lang.

2nd- be friendly
pwede din namang maging friendly ako. Pero mahiyain kasi ako at hindi madalas na nakikipagusap. Natatakot akong mapahiya at hindi mapansin. Pero no choice ako diba? I can try once because there's no harm in trying.

3rd- try kong madapa and malay naten may anghel na tumulong
there's no way I will try this. Baka walang tumulong tsaka malay mo wapakels lang sila at may sarisariling mundo. Baka makilala pako bilang "ANG BABAENG NADAPA NOONG 1ST DAY"

Baka wala nakong maging kaibigan. Wala namang kwenta ang mga naisip kong plano. Nakakainis namannnn di pa man ako nakakapasok sa paaralan at ubos na ang mga brain cells ko kakaisip kung paano ako magkakaroon ng mga kaibigan.

"PARA POOO!!!" rinig kong sigaw ni Sam na nakapagtigil ng pagiisip ko ng kung ano ano. "Di na ata ako bababa" sabi ko sa sarili ko. Hindi ko pa naman nailalabas ang payong ko ng bigla nalang niya akong hinila. Yan tuloy nagsisiksikan kami sa isang payong. Kinuha ko sa aking bag sandali ang aking payong para di kami mukhang sardinas dito. Mas excited pa ata siyang pumasok kesa sa mga kindergarden. "Bilisan mo naman Celine para kang pagong eh" masaya niyang sambit. "ATAT NA ATAT SIS?! O IKAW NALANG MAGDALA NG GAMIT KO PARANG GUSTONG GUSTO MO NA MAGARAL EH." OMG nasa harap na kami ng gate ng school namen.

Sosyal naman to. Ang laki ng gate tapos sa gitna may fountain na parang makikita mo lang sa mga pelikula. Infernes kahit umuulan may nakabukas ang fountain. Ang tataas din ng mga buildings nila. "WOW" isang salitang naglarawan ng aking nararamdaman.
"Put yourself together Celine. You can do it." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko
"Here comes nothing" sabay hila sakin ng kapatid ko papasok sa paaralan namin.

A journey through timeWhere stories live. Discover now