PRISCILLA'S POV
Kasalukuyan kaming nasa klase ng kapatid ko na si Margaux. Abala ako sa pagsusulat ng kung ano ano sa notebook ko kasi 1st day palang naman kaya walang pang masyadong ginagawa at dinidiscuss. Nabobore na ko kaya tinignan ko ang paligid yung mga kaklase ko parang mga lantang gulay. Yung iba nakikinig yung iba naman nagkukunwari nalang na nakikinig."Pst Margaux wala kabang candy diyan pampagising lang" inirapan lang niya ako. Kahit kailan talaga hindi to maasahan sa pagkain tsk.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagmamasid ng makita ko sa isang sulok ang isang babae. Tahimik lang siya habang nakikinig. She's wearing our school uniform with matching headband and cute earrings. Kakausapin ko siya mamaya parang approachable naman eh.Nakita ko naman ang isa pang babae sa pinakaharap ng klase. Parang masungit naman to bahala na kung sino nalang kakausap sakin kakausapin ko HAHAHA.
*BELL RINGS*
"Finallyyy after 100 years lunch na. Gutom na gutom nako. Margau-" tawag ko sa kapatid ko para sana magtanong kung saan kami kakain pero paglingon ko nasa pintuan na siya habang nakatitig sakin. Hindi man lang ako tinawag. Minsan talaga nakakaasar tong kapatid kong to eh. Habang palabas ako ng pinto napansin ko na wala atang balak lumabas yung babae kanina na may earrings kaya naisipan ko siyang puntahan.
Nakita kong naiinip na si Margaux kaya sumenyas ako na mauna na. Umalis naman na siya at lumapit nako. "Hi! Im Priscilla or you can call me Prissy. My sister and I are old students here at Haixe University. Di ka kasi familiar new student? Tumango naman siya at halatang nahihiya kaya ako na ang nagadjust. "May kasabay kaba for lunch? Do you want to join us? kami lang namang dalawa ng sister ko." tanong ko sakanya. "Ah hindi na po ok lang po ako dito" sabi niya sakin. Hindi naman ako papayag don no. "No, I insist" Mukhang nagaalinlangan pa siya kaya binigyan ko siya ng isang malaking smile para makasigurado na di ko siya kakagatin hehe. Tumango nalang siya sabay kuha ng bag niya.
CELINE'S POV
Balak ko na sanang magmukmok at mag paka loner ng may nagsalita kanina ng inangat ko ang tingin ko ay nasambit ko nalang sa utak ko ang mga katagang "sinusundo na bako ng langitt???" turns out kaklase ko lang pala. Isang biyayang hinulog ng langit. Nagpakilala siya bilang Prissy niyaya niya akong maglunch at sumabay sakanila ng kapatid niya kaya naglalakad kami ngayon sa hallway. Kanina pa siya nagsasalita kesyo yung kwento daw ng school at kung ano ano pa. Halatang masiyahin siya at palakaibigan kaso lang nakakanosebleed englishera eh. Nakarating na kami sa labas ng cafeteria at bigla niya na akong hinila. Halatang tinititigan na kami ng mga estudyante dito kaya napayuko nalang ako para kasing sikat tong kasama ko."Margaux meet - what's your name again?" rinig kong tanong saakin ni Prissy. Hindi pa pala ako nakapagpakilala sakanya. Nahihiya kasi ako. Nagpakilala naman ako sakanilang dalawa. "Ako pala si Celine." Pinakilala naman niya ko sa kapatid niya na si Margaux nalaman ko na kambal pala sila pero hindi sila magkamukha. Bumili na ko ng pagkain sinamahan ako ni Prissy kasi kanina pa pala siya binili ng kapatid niya. Maingay na nagkwekwento si Prissy ng may magsalita. "Can I sit here with you guys? Wala na kasing upuan dito sa cafeteria." Nilibot ko naman ang paningin ko puno na nga yung mga upuan. Sumangayon naman agad si Prissy. Nagpakilala siya bilang Yuri siya yung napapansin ko kanina sa harap ng klase namin.
Madali namang silang pakisamahan at mas mabutu na yon kaysa sa #alone ako sa buong school year. Nagkwentuhan nalang kami at agad ng pumasok sa klase. Sa buong lakad namin sa hallway boses lang ni Prissy ang maririnig mo. Minsan tumatawa si Margaux pag tumatawa yung kapatid niya. Nakakatawa naman kasi tawa niya HAHAHA. Nagkwekwentuhan nalang kami sa loob ng room namin ng pumasok na ang guro namin.
PRISCILLA'S POV
"Good day class!" bati samin ni ms Gonzales. Mabuti naman at natapos na yung klase. Agad naman akong lumapit kina Yuri at Celine para tanungin kung uuwi na ba sila. Agad naman na sumunod saakin si Margaux. "Celine, Yuri uuwi naba kayo? sabay sabay na tayo" sumangayon naman na sila at sabay sabay na kaming lumabas. Nagkwekwento nalang ako para mabuhay man lang usapan ng bigla nagsalita si Yuri. " Guys may matanda o tulungan natin" nilapitan naman namin yung matanda sa garden ng school namin madami siyang dala dalang gamit. "lolo tulungan na po namin kayo" sabi ng kapatid ko sabay abot samin ng mga gamit."Kayo na ang itinakda." sabi ng lolo saamin.
NOTE: so un start na yehey wala lng trip ko lang po maglagay ng note dito kase y not:)
YOU ARE READING
A journey through time
FantasíaOne ordinary day for the four girls, Priscilla, Margaux, Yuri and Celine when an alchemist seek for their help. They need to save someone important to them and the whole enchanted world but for them to be able to do that they need to learn how to us...