Prologue
9 pm na nang gabi at pasakay na ako nang kotse.
"Athelie lagot na naman ako sa Mommy mo kapag nalaman niyang aalis ka"
"Aling Claring, don't worry I'll be back soon ako na rin bahala kay mommy." paalam ko sa kaniya.
Masyado akong napagod kanina so I need to chill.
Pumasok ako sa bar. Dumiretso ako sa bar counter at nag-order ng maiinom.
Nakita ko si Matthan na may kasamang girls, nakita rin ako nito kaya lumapit ito at tumabi sa akin.
"Hey don't you have class tomorrow, why are you here?"
"Obvious ba? To chill out of course tch" inirapan ko na lang siya. Umalis na ako sa counter at pumunta sa dance floor.
Nakisabay ako sa mga sumasayaw. At sunod-sunod uminom ng alak.
One
Two
Three
Four
Hindi ko na malaman kung nakailang shots na ba ako.
Ilang oras na rin ako nandito.
Maya-maya nakaramdam akong ng init. Siguro naparami na ako ng inom. Then suddenly my tumapik sa aking likod.
"What?" wala sa sariling sambit ko. Hindi ko na makita ng malinaw ang lalaking nasa harap ko. I just...just feel dizziness. Oh my!
"Iuuwi na kita sa inyo Athelie" akmang bubuhatin na ako nito nang bigla ko itong binatukan. "No! I just want to dance and dance oh yeahh" at agad tinungga ang alak na hawak ko.
"Hey stop halika na ikaw lang mag-isa, you're not safe here alone" Tuluyan na niya akong dinala sa parking lot at sinakay sa kotse.
"Bitawan mo nga ako! Sino ka ba ah? I don't have money so can you freaking leave me alone!"
"Athelie wala akong gagawing masama sayo iuuwi na kita, lasing na lasing ka na!" rinig kong sabi nito. Sino ba 'to at nakuha pang maging concern sa'kin.
"Jusko Athelie saan ka ba nanggaling tignan mo nga yung itsura mo lasing na lasing ka!" narinig kong alalang tinig ni Aling Caring. Ngayon ay nakaakbay ako dito sa lalaking 'to. Ang sakit ng ulo ko shems!
"Kailangan na po niyang mag pahinga, madami na pong nainom 'to"
"Salamat hijo! Dalhin na natin siya sa kwarto niya at ako na bahala"
"Ipinasunod ko na rin po pala yung kotse niya dito." sabi ng lalaki. Habang tinatahak namin papasok ng bahay.
Nakapasok na ako sa kwarto sa tulong nina Aling Caring at nakahilata na ako. Naririnig ko pang nag usap ang dalawa."Salamat hijo ah at inuwi mo nang ligtas si Athelie, matanong ko lang ano ang pangalan mo para naman makilala ni Athelie kung sino ang nag-uwi sa kaniya"
"Ako po si—"
Hindi ko na narinig ang usapan nila at tuluyan na akong nakatulog.