Chapter 1

22 2 1
                                    

"Shems, late na naman ako"  tarantang sabi ko na lang nang marealize kong 5 minutes na lang ay klase na namin.

Nakaramdam ako ng sakit ng ulo ngunit pinilit ko pa ring bumangon.

Agad-agad akong nagmadaling ayusin ang sarili at nag uniporme. Naghalf-bath na lang ako at pag-uwi na lang uli maliligo.

Mabilis akong nakadating sa school. Naabutan ko si Laiza na may mga hawak na libro na mukhang isasauli niya sa library.

"Athelie, late ka na naman ahh haha"  saad sa akin ni Laiza.

"Always naman akong late, by the way samahan na lang kitang isauli yang books para hindi ako mapansin ni ma'am kapag pumasok tayo sa room pleaseee hehe" pakiusap ko para naman 'di ba haha.

Pumasok kami sa room namin nang hindi napagalitan dahil nasa meeting daw saglit ang mga teacher namin.  Nakita ko si Carol na nakikipagtawan instead na magreview na lang para sa susunod naming exam mamaya.

"Hey bitch"

"Don't call me bitch, I have a name Athelie" sabay irap sa akin. Hmm kung hindi lang niya sana ako sinumbong kay Ma'am Ashley dahil kumakain ako during class time edi sana hindi ako naiinis sa kanya.

Na-late ako nang uwi kasi ako ba naman yung pinag linis ng classroom, yes po opo ako lang ang naglinis. Hindi ko alam kung bakit parang big deal yung pagkain sa classroom pero kasi naman ang tagal ng break at 'di pa ako nag umagahan nung time na yon.

"Ikaw kasi Carol kung hindi mo lang sinabi kay Ma'am Ash edi sana naubos ko pagkain ko, gutom na gutom na kaya ako"

"Kung namigay ka lang sana ng cookies" ngusong sagot nito.

"Gutom na nga kasi ako,kulang pa nga yun eh"

"Hmm damot!"

"Hmmm buraot" ani ko, sabay tawa

Itong si Carol talaga napaka matampuhin, since nasa 5th grade pa lang kami lagi na lang siyang nagtatampo kahit maliit na bagay.

Simple lang yan si Carol,likas na matalino, sa aming apat na magkakaibigan siya ang pinakamaliit. Maliit pero kapag napikon akala mo kapre kung makasigaw.

"By the way Carol nakita mo na ba si Eli? Nasa kaniya yung isang notebook ko hindi ko pa tapos sagutan kahapon yung activity 2 natin." palinga-linga kong tanong kay Carol.

"Ito ba hinahanap mo?"

Nakatayo pala si Eli sa likod ko hawak hawak ang notebook ko. Damn! Kahit pawis na pawis siya ang hot pa rin. Well that's my boybestfriend, Eli.

"Kanina ka pa diyan? Ang aga aga ganyan itsura mo." Bumalik na ako sa seat ko para magreview ulit.

"Eh may training kami eh, tsaka ko lang naalala na nasa akin pala yung notebook mo kaya dumaan muna ako dito bago bumalik sa court" pinapaikot-ikot pa niya ang note book ko.

"Don't worry Athelie, sinagutan ko na 'yan, alam ko naman na hindi mo pa tapos yan eh." sabay abot sa akin ng notebook, ngumiti naman ito.

Well kaya ko siya pinahiram dahil kailangan niya kahapon mag training. Para naman makasabay pa rin siya sa lesson.

"Kasama ko pala si Ethan nasa labas" akmang aalis na ito ngunit pinigilan ko. "Si Ethan?" bigla na lamang ako napangiti nang malaman kong nandito siya. Buo na agad araw ko, damn!

"Oo hinihintay na ako kaya please bitawan mo na ako baka mapagalitan pa kami ni coach pag hindi kami agad nakabalik" ani Eli at kumawala na sa hawak ko.

"Pakisabi Goodmorning ha" sigaw ko pa bago siya makalabas. Kumaway na lamang ito at umalis na. Natapos na ang klase pati na rin ang exams namin.

Recess time na at kasama ko si Carol pababa ng hall.

"Sabi sa akin ni Judy binigyan daw ni Ethan si Alexa ng stufftoy ah, birthday daw, ang sweet noh?" habang kapit-kapit ang braso ko at kinikilig pa.

"Wala akong paki"  diretso lang ang tingin ko.

"Ay suss selos ka lang ehh, hayaan mo na kasi yun madami naman diyan ehh, tignan mo nga ilang taon na siyang nanliligaw kay Alexa baka bukas makalawa sila na" ani Carol

"Eh ano naman nanliligaw pa naman siya may chance pa, you know I never give up easily Carol especially kapag gusto ko" and I smirked.

"Bahala ka ikaw rin ang masasaktan sa huli" ani Carol

Malapit na kami sa pinaka baba ng hagdan nang bigla na lamang ako nasanggi ng isang lalaki. Nagmamadali ito.

"Uhmm excuse me?" pagtataray ni Carol  habang nakayuko lang ang lalaki.

"Caylus?" tanong ko sa kanya.

"S-sorry Athelie nagmamadali lang kasi ako." pagpapaumanhin niya.

"Ah it's okay" sinabayan ko ng ngiti.

Siya si Caylus na mahiyain, gusto lang niya lagi mag-aral, may itsura naman siya pero mukha siyang nerd sa salamin niya. Well nerd nga. 

Nagpatuloy na si Caylus pabalik ng classroom at napansin ko na may nahulog sa bulsa niya akmang ibabalik ko na sana sa kanya pero naka layo na pala.

" What's that?" tanong ni Carol

Uhm padlock" maganda ang small padlock na ito, ginto ang kulay at heart-shaped. Siguro sa locker niya ito. Pero kung titignan mo ito napaka rare ng isang ito maganda ang mga ukit.

"Woah ang cute naman niyan, bagay iyan sa locker ko" tuwang sabi ni Carol at tinignan mabuti ito.

Napagpasyahan namin na mamaya na lang uwian isauli ang padlock kay Caylus. Masyadong madami ang gagawin namin.

Natapos ang klase at nagsimula na akong antukin. Gusto na umuwi agad para makapag pahinga, masyado nakakapagod yung P.E namin. Hayss


Lahat ng classmate ko ay nagsimula na maglabasan room, napansin ko si Caylus na nananatiling nakaupo.

"Hey Athelie halika na!" tawag sa akin ni Carol na nasa labas na.

"Hintayin mo na pang ako sa baba"

Naalala ko na kailangan ko pa lang isauli kay Caylus ang padlock niya. Lumipat ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

I know this is kind of weird hindi naman ako lumalapit kung kani-kanino lalo na kung hindi ko naman ka-close.

"H-hey, nahulog mo pala ito kanina" inabot ko sa kaniya ang padlock at he was shocked when he saw it.

"How did you find it, thanks" sambit niya at kinuha na ito sa palad ko.

"No, nahulog mo 'yan kanina nung nasanggi mo ako" I just smile and I was about to go when I remember to ask.

"Caylus tanong lang, saan galing yang padlock?, maganda kasi eh" what the heck, anong klaseng tanong 'yon Athelie.

"Ah bigay sa akin ito ng lola ko kaya may sentimental value sa akin, nalungkot nga ako kanina eh hanap ako nang hanap akala ko nawala ko na nasa iyo na pala... Thanks!" bakas sa kaniyang mukha ang tuwa dahil nabalik na sa kaniya ito.

"You're welcome, sige mauna na ako bye" pagpapaalam ko.

Nakita ko si Carol na nasa baba at halatang naiinip na ito kakahibtay sa akin. "Why did you took so long?" iritang sagot niya

"Binalik ko yung padlock kay Caylus, you already forgot?" wala na ako sa mood para makipag usap pa dahil pagod na pagod na ako. Sumakay na ako sa kotse at si Carol naman ay sumakay na rin sa kotse niya. Nagpasundo na lamang ako sa driver namin dahil hindi ko na rin kayang magmaneho mag-isa.


Naka-uwi na ako at tapos na akong kumain at maligo. Naalala ko Caylus kanina, he looks so weird but maybe because he taught he lost that thing. Ughh I don't want to mind him.

Nang maipikit ko na ang mata ko may bigla akong naalala

Tomorrow was Ethan's birthday!

My Almost LoverWhere stories live. Discover now