PROLOGUE

28 8 0
                                    

(A/N: This is a work of fiction. The characters, events, places, incidents and businesses are only made up of the author's imagination.)

Read at your own risk.

PROLOGUE

Maaga kong gumising para pumasok na. Di pa sana ko babangon but I have to go already or else malelate ako which is ayoko. Antok na antok akong bumangon sa kama ko at dumiretso na sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na agad ako, I just wore a high-waisted mom jeans at semi-fit plain white shirt tucked in my jeans. Nagsuot narin ako ng white sneakers. Pumasok ako sa may bathroom at kinuha ang blower ko. Di ko masyado binlow dry ang buhok ko at di rin ako nagsuklay dahil mas gusto kong medyo messy ang wavy kong buhok. Kaya sinuklay ko nalang gamit ang kamay ko at inayos.

Lumabas nako ng banyo at pumunta na sa kitchen. I have my own condo and I already lived here. Whenever it's our vacation I just visit my family in our hometown.

I just cooked egg, hotdog and fried rice. Nagtubig nalang ako dahil bibili naman ako mamaya ng coffee. Tinapos ko na kaagad at nag-toothbrush na. Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ng condo ko.

Dumaan muna ko ng coffee shop near my place. Pagpasok na pagpasok ko, I suddenly caught other's attention. Hindi ko na lang pinansin at umorder na. I looked at my wrist watch. Maaga pa naman kaya tumambay muna ko after I ordered a cappucino. After a few minutes, umalis narin ako. But I suddenly stop when my phone rang.

Adriel Calling...

"Oh?" tipid na sabi ko.

["Where are you?"] seryosong wika niya.

"Nasa parking ng condo ko, why?" I asked

["Nasa harap ako ng condo mo, sumabay kana sakin."] he said.

"May sarili akong kotse bat kailangan ko pang sumabay sayo?" walang ganang sagot ko.

["Tsk, may laban tayo."] he seriously answered.

"Ge." tipid na sagot ko naman. Binaba ko na ang tawag bago pa siya makapagpaalam at lumabas na papunta sa harap ng condo ko.

Nakita ko naman kaagad yung kotse niya kaya lumapit nako at sumakay kaagad. Pagkatapos kong ikabit ang seatbelt pinaandar niya na agad ang kotse.

"Sinong kalaban?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Sila Roel pero mga bata niya lang naman" sagot niya. He sounded like it's just a piece of cake for him.

"Sino naman yun?" I asked.

"Gunggong na frat, bigla lang nanghamon" walang ganang sagot niya.

"Tss." wika ko.

Tumahimik na kami at nakarating na sa destinasyon namin. Isang bakanteng lote na malapit lang sa school namin para hindi kami malate. Pagkababa ng sasakyan, nakita namin ang isang grupo ng mga kalalakihan. Sampu lang sila at dalawa lang kami. Mga nakangisi pa lahat.

"Buti naman at nakarating kayo." nakangising sabi ng leader ata nila.

"Andami mong sinasabi simulan nalang natin ang laban, tsk." walang gana kong sabi.

"Ang yabang mo ah!" nang-gigigil na wika niya. At isa-isa naman sumugod ang mga kasama niya. Pinalibutan ako ng lima habang ang apat ay pinalibutan si Adriel. Sinugod ako ng isa at akmang sasapakin ng maka-ilag ako at ibalik sa kanya ang suntok. Sumugod pa ang isa sakin at akmang tatadyakan ako pero naunahan ko siya at tinadyakan sa mukha. Ang isa naman ay susuntukin ako ngunit nasalo ko ang kamao niya at inikot ito. Namilipit siya sa sakit lalo na ng tuhurin ko ang sikmura niya. Ang huling dalawa naman ang sunod na sumugod sakin at may dala sila parehong maliit na kutsilyo. Napangisi ako ng makita ang mga dala nila. Ang isa ay akma akong sasaksakin ng maka-ilag ako at malakas na sinipa ang mukha niya, habang ang isa ay akma ding susugod pero naunahan ko na siya. Sinapak ko siya at malakas na tinuhod sa sikmura. Nang di pa nakuntento ay tinadyakan ko siya sa mukha at agad nawalan ng malay.

Hingal na hingal ako pagkatapos at hinarap ang leader nilang mukhang asong nakangisi. Tinignan ko si Adriel at nakitang bagsak na lahat ng nakalaban niya. Naramdaman kong may papalapit sa likuran ko kaya agad akong umikot at nakitang pasugod na ang isa sa nakalaban ko at bago pa siya makagawa ng hakbang inunahan ko na. Sinapak ko siya ng sobrang lakas kaya agad ding natumba at nawalan ng malay.

"Grabe! Babae ka ba talaga?" natatawang tanong ng leader nilang gunggong.

"Muka bang may bayag ako para maging lalake?" barumbado kong sagot at ngumisi. Narinig ko ang impit na tawa ni Adriel sa tabi ko. Nakita kong nag-alab ang inis sa mukha ng gunggong na leader.

"Ang yabang mo ah!" sigaw niya sakin at sinugod ako. Naka-ilag agad ako sa suntok niya at mabilis na ibinalik sa kanya yun. Napaatras siya sa ginawa ko at napahawak sa kaliwang pisngi niya. Sumugod ulit siya at tatadyakan sana ako sa sikmura ngunit nasalo ko ang paa niya at hinila siya papunta sakin at agad siyang sinapak ng pagkalakas-lakas. Tumba! Nawalan siya agad ng malay pagkatumba.

Hindi man lang ako pinagpawisan!

Hinarap ko na si Adriel na malakas ng tumatawa habang nakahawak pa sa tyan niya. Inirapan ko siya at sinenyasan ng umalis na. Tinignan ko ang relos ko at nakitang 7:35 am na at 8:00 ang pasok namin.

Pagkadating sa school ay bumaba na agad ako at dumiretso na sa room. Buti na lang at wala pa ang prof dahil madalas maaga yun kapag Monday.

I hate Mondays!

Umupo na ko sa pwesto ko at bigla na lang pumasok ang prof namin at dumiretso sa harap para magturo na. Nakinig lang ako buong araw sa mga discussion at nagsagot lang ng quizzes o kaya naman ay seatworks. Pagkatapos naman ng klase ay pumunta ako agad ng carpark. Pupuntahan ko pa sana ang mga kaibigan ko kaso nga lang naalala kong busy pala sila lahat. Napabuntong hininga na lang ako at hinintay si Adriel na palapit na.

Hinatid niya ako sa condo ko at umakyat na agad ako. Nagpahinga ako saglit sa living room bago naisipang magluto na ng dinner ko. Nagluto lang ako ng sinigang na paborito ko. Pagkatapos kumain hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko at dumiretso sa kwarto. Nagshower lang ako at nagpalit ng pajamas bago humiga sa kama ko. Nag-scroll lang ako saglit sa Instagram at natulog na dahil madami pa kong gagawin bukas.

________________________________

(A/N: Sorry kung may typo guys! Unang story namin ni Xenia so please bear with us. -Kimm)

When Worlds Collide (On-going)Where stories live. Discover now