Avelina's POV
Nagising ako sa ingay ng telepono ko, tinignan ko muna ang oras, alas tres na ng madaling araw, hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag dahil sa antok.
"Oh?" inaantok kong sagot.
["Hey, nasaan ka?"] hinihingal na tanong ng nasa kabilang linya.
Tinignan ko muna yung pangalan ng tumawag, si Adriel.
"Nasa condo pa, bakit?"
["Wag kang aalis jan!"] natatarantang sabi niya
"Ok." sabi ko at binaba na ang tawag para bumalik na sana sa pagtulog ng may marinig akong ingay sa kusina.
Dahan dahan akong tumayo sa kama at naglakad papunta sa likod ng pinto ng maramdaman kong papunta siya dito sa kwarto ko.
Maya maya lang ay gumalaw na ang door knob at bumukas ng dahan-dahan ang pinto kaya gumawa ito ng ingay. Nang bumukas na ng tuluyan ang pinto, nakita ko ang isang lalake na naglalakad papunta sa kama ko.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinugod ko ito sa likod habang sinasakal ko siya gamit ang braso ko.
"Sino ka?" tanong ko sa lalakeng sakal-sakal ko, naramdaman kong natigilan ito at tumawa.
"Relax lang Ava, si Adriel to." he said and chuckled.
Dahan dahan kong tinanggal ang pag kakasakal ko sa leeg niya at galit na tinignan ito ng humarap siya.
"What the hell Adriel?! Bakit di ka man lang nag sabi na pupunta ka dito?" galit na tanong ko sa kanya.
"Tumawag kaya ako sayo kanina" nakanguso niyang sabi. Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"Bakit, may sinabi ka bang pupunta ka dito?" salubong ang kilay na tanong ko at tumawa lang siya.
"HAHAHA ang epic ng mukha mo Ava HAHAHA" sabi niya habang tumatawa.
"Wag mo kong iniinis Adriel, kilala mo ko pag mali ang gising ko." seryosong sabi ko sa kanya at natigilan naman siya sa pag tawa. "Ano bang pinunta mo dito ng ganito kaaga?" tanong ko sa kanya.
"Ah! Ayun nga pala may ano kasi eh... uhh.. pano ko ba sasabihin to?" nagdadalawang isip niyang sabi at napakamot pa sa batok niya.
"Ano nga?" tanong ko sa kanya habang papuntang kusina para uminom ng tubig.
"Uh.. ano kasi Ava, may nakabangga akong isang grupo" nakayuko niyang sabi ang kamay ay nasa batok parin.
"Oh, tapos?" tanong ko at ininom ang tubig.
"Uhm.. ayun hinahabol nila ako kanina" aniya.
"At dito ka dumiretso sa condo ko? Paano kung nasundan ka nila?" naka kunot noo kong tanong.
"Hindi! sigurado akong hindi nila ako nasundan dito kasi nilagaw ko muna sila bago ako pumunta dito."
"Okay." tipid kong sagot sa kanya
"Uhm.. Ava pwede ba na dito muna ako matulog? Kahit sa sofa lang baka kasi makita na naman nila ako" pagpapaalam niya.
"Osige dun ka na lang sa guest room, hindi ka kakasya diyan sa sofa." sabi ko at tumalikod na para bumalik sa kwarto at ituloy ang pag tulog.
Ala sais na ng umaga ng magising ako. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at mag ayos, pag tapos kong maligo I just simply wear a grey oversized shirt tucked in my black jeans paired with my white sneakers.