Chapter 2

21 3 0
                                    

Avelina's POV

I was up early and gladly it's Saturday. Maaga akong nagising dahil sa gutom. Naalala ko di nga pala ako nakapag-dinner kagabi.

Lumabas na ko ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakita kong may sticky note sa lamesa.

"Goodmorning Ava! Nakatulog ka na kagabi kaya iniwan ko na lang sa ref yung binili ko. Umuwi na rin ako kagabi wag mo ng hanapin ang kagwapuhan ko hehehe"  

-Adriel

Napangiti na lang ako sa kahanginan ni Adriel. Kinuha ko na yung pagkain sa ref at ininit. Habang pinapainit ko yung pagkain narinig kong tumunog ang telepono ko.

Adriel calling...

"Oh?" sagot ko.

[Tsh! Goodmorning din ang aga aga napaka maldita mo kausap.] sabi niya.

"Tss, bat ka napatawag?" I asked.

[Ah! ayun nga may ano kasi eh.. uhm..] pag-aalangan niya.

"Tsk! Ano nga!?" inis na tanong ko sa kanya.

[Ah! eto na nga eh, maygustongsumalisafraternitynatin] mabilis na sabi niya.

"Ano?! Ayusin mo nga!" inis na sabi ko sa kanya.

[Ano ahm.. m-may gustong sumali sa frat natin]

"Mhm alam na ni dad?" tanong ko sa  kaniya.

[Oo, kaso sabi niya ikaw na daw ang mag desisyon.] naguguluhang sabi niya.

"Ah, ano ba pangalan?" nakakunot noo kong tanong habang kinukuha na yung pagkain ko.

[Ah.. Catherine Rhea Gonzales ang pangalan niya eh] sagot niya na ikinagulat ko.

Muntik ko pang mabitawan yung pagkain ko dahil sa gulat.

"Sino?!" gulat na tanong ko habang kumakain na.

[Ang sabi ko Catherine Rhe-] pinutol ko na ang tawag bago tinawagan si Cath.

[Hello?] inaantok na sagot niya.

"Cath! What the hell are you thinking?! bakit gusto mong sumali sa frat?!" tanong ko.

[Ava! Ano kasi eh uhm...] putol niyang sabi at animo'y nawala bigla ang antok niya.

"Ano nga? alam mo naman kung ano pwedeng mangyari sayo kapag sumali ka sa amin!" inis na sabi ko sa kanya.

[Eh kasi naman Ava, kahapon nung pauwi na kami hinarang kami ng limang lalake sa labas ng school tapos hinahanap ka nila samin!] aniya na ikinagulat ko.

"Ano?! Sino daw sila?" inis na tanong ko ng marinig ang sinabi niya.

[Wala siyang sinabing pangalan pero may sinabi siyang Red Dragon at sabi nila sabihin ko daw sayo na, kapag hindi ka nakipagkita kay Red Dragon itong mga kaibigan mo ang haharap sa kanya.] wika niya.

Red Dragon, isa lang ang kilala kong gumagamit ng code name na yan, Lance Santos.

Damn it.

"Okay lang ba kayo?! Si Zoe tsaka si Ina?" nag aalalang tanong ko.

["Okay lang kami pero umiyak si Zoe dahil sa takot, dito ko na rin sila pinatulog sa bahay."] she said.

When Worlds Collide (On-going)Where stories live. Discover now