BAGONG TAON

12 0 0
                                    

Bagong taon na
Ang isip ko'y sasabog na
Ipipikit ang mata
Susubukang mawala
Ang sakit na nadarama
Sadyang madamot ang aking isip
Kahit ako ay nagsasaya
Ang isa ko namang sarili'y magdurusa

Piniling sarilinin
Mga gumugulo sa isip
Dahil wala naman akong masasabihan para
Gumaan ang damdamin

Kakayanin ko pa ba?
Ang laban na ito?
May patutunguhan pa ba?
Ang sariling wasak na?

Ang tangi kong nagawa
Ay umiyak mag isa
Hindi man sa pisikal
Sa akin naman isip
Wala ng luhang tumutulo
Kahit aking gustuhin

Kung ako ay sisigaw,
May lilingon ba?
May tutulong ba?
Mali, baka ako ay makaistorbo lang
Ayoko maging isipin
Maging problema ng iba
Kaya siguro?

Kakayanin ko mag isa
Sanay naman ako mag isa
Mula ng ako ay namulat sa mundo na ito
Hindi ko inasahang puro sakit na alaala ang aking dala dala sa pagtanda

Pasensya na aking tula ay napahaba
Ako ay magpapaalam na
Dahil ako ay magdudusa pa mag isa

January 1,2020

ANG MALUNGKOT NYANG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon