MISTAKE 3

4.4K 98 1
                                    

Lexie Mazelle's Point of View

Pagkamulat ko ng mata siya kaagad ang nakita ko. Naka-unan ako sa braso niya and the other one is on my waist at sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na parang ayaw akong bitiwan. Medyo nakaawang ang kaniyang bibig at nakakuot pa ang noo. Grabe talaga ang isang 'to, parang kahit sa pagtulog ay may kaaway siya.

Ang gwapo talaga ni Vhiel. Ewan ko ba at feeling ko pinikot ko lang siya, feeling ko nagpabuntis lang ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi matandaan ng maayus ang totoong nangyari ng gabing iyon. It was our first night but something developed right away? Ano'ng klaseng sperm ba ang mayroon ang lalaking ito? Baka kamag-anak niya si Flash.

I suddenly felt something strange in my stomach so I quickly went inside his CR and vomited there again.

Ghaddd, morning sickness again. Ayaw ko ng ganito. Nanghihina akong napakapit sa lababo  at ipinikit ang mata upang mapakalma ang sarili. Nanghihina ako ngayon dahil sa nangyayari sa akin.

"Are you okay?"

Hindi ko namalayan na nakasunod na pala siya sa akin. Hinagod niya ang likod ko at hinawi ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha kaya hinawakan ko ito sa pisnge at ngumiti ng maliit upang ipaalam na ayos lang ako.

"Yes, I'm okay."

"Here, drink this," utos nya at iniabot sa akin ang isang basong tubig. Agaran ko itong kinuha at nagmumog muna bago ininom. Humarap ako kay Vhiel na hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin sa akin.

"Salamat. I am okay now."

"After we eat, we will go to hospital to make sure that you are totally fine," sabi niya.

"Vhiel, morning sickness lang ito. I can handle this."

"Lexie, I want to know if you and our baby's condition are healthy. We need a check-up. And I will also ask them what should I do when you are having your morning sickness," sabi niya na naging dahilan kung bakit namula ang aking mga pisnge.

"Vhiel, healthy naman ako, hindi na kailangan 'yon."

"But I want to be sure," sabi niya sabay alis. Ang bilis talaga magbago ng mood ang isang iyon, parang kanina lang ay nag-aalala pa siya sa akin ngunit ngayon ay galit na naman.

Hayysss. Healthy naman tayo 'di ba baby? Inaalagaan ka naman ni Mommy 'di ba? Ang OA lang ng Daddy mo, ehh. Shit! Daddy mo? Bakit ang sarap sa feeling na gawing Daddy si Vhiel? Parang gusto ko tuloy pabilisin ang oras nang makita ko kung papaano aalagaan ni Vhiel ang anak namin. Yes, anak namin 'to dahil hindi lang naman ako ang gumawa nito. Duhh? Hindi ko naman kayang magproduce ng sperm cell dahil hanggang egg cell lang ako.

Pagkatapos namin kumain pumunta na nga kami sa hospital as he said. Para siyang hari kung maglakad, akala mo ay pagmamay-ari niya ang hospital at minomodel ito dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Wala itong pakialam sa kaniyang paligid dahil busy sa paghimas sa tiyan ko ang kaniyang kamay.

Ilang metro pa ang nilakad namin bago nakarating sa isang pinto. Hindi siya kumatok at basta na lang talagang pumasok sa loob. Walang modo!

"Look who's here," sabi no'ng doctor na gwapo. Oo, isang guwapong doctor ang nasa loob ng kuwartong pinasukan namin at nang basahin ko  ang nakalagay sa plate ay doon ko nakita ang name niya, 'Dr. Blue Monter' at nakalagay sa baba na director, ibig sabihin ay siya ang namamahala sa hosppital na ito? Ang galing naman.

"Shut the fuck up, Blue," saway ni Vhielat halatang sinungitan ang doctor ngunit parang wala itong pakialam kung sinusungitan na siya ni Vhiel.

"What are you doing here, dude?" Tanong ni Doctor Blue at mukhang hindi pa ako napapansin na nasa likod ni Vhiel. Sa laking tao ba naman nito, malamang ay matatabunan talaga ako dahil maliit lang naman ako.

Ferrer Series #1: Best Mistake✓Where stories live. Discover now