MISTAKE 11

2.4K 71 0
                                    

Lexie Mazelle's Point of View

"Eh, ayaw ko kasi no'n, ampangit kaya. Mag-isip ka ng iba pa."

"What? Maayos naman 'yon, ah. Ikaw nga itong hindi makaisip ng matino."

"Ayaw ko nga. eh. Masyadong brusko."

"Brunno and Brianna? Brusko? Wife, mas maganda naman 'yon kaysa sa mga sinasuggest mong name."

"Basta, ayaw ko no'n. Nahiya naman 'yong una mong suggestion, 'no? Kurdapyang at Kurdapyong? Tsk, tingin mo sa mga anak natin? 70's? 80's? Or 90's?"

"I was just joking, Wife. Masyado ka kasing seryoso mag-isip ng name so I suggested that name para matawa ka naman."

"Ewan ko sa iyo."

"Wife, may isang buwan pa tayo para makapag-isip ng name nila so relax. Don't stress yourself. We will cope up with our babies name soon. Mapapag-isipan pa natin ng mabuti iyon."

"Mas maganda na po kasing maaga tayong mag-isip ng name para pagkapanganak ko maisulat na agad ng nurse ang pangalan ng mga baby natin. Para hindi na rin tayo mahirapan pa, gusto kong ready na ang lahat bago pa man sil lumabas."

"Wife, matagal pa nga 'yon, makakaisip pa tayo. I will ask my friends too if they have any suggestion."

"Okay, but we have to think it as soon as possible. Okay?"

"Sure, but for now, you have to rest."

"Love, mamamasyal nga pala kami ni Sienna the day after tommorow. Matagal na rin kaming hindi nakakalabas dahil palagi lang akong narito sa bahay natin. Gusto kong lumabas upang makalanghap naman ng hangin."

"No!"

Shockssss, galit na naman ba siya? Ewan ko ba sa tuwing sinasabi ko sa kaniyang lalabas ako ng bahay nagagalit siya at hindi ko alam ang dahilan. Nagsimula lang naman siyang maging ganiyan no'ng last na magmall kami ni Sienna. Remember? 'Yong sinundo niya kami at kasama niya si Cloud?

Ah, basta after that hindi niya na talaga ako pinapalabas ng bahay. Ang weird niya nga, eh. Kasi parang palagi siyang kabado then sobrang higpit niya pa sa akin. Pinapalabas niya naman ako pero sa garden lang namin sa likod. Ayaw na ayaw niyang lumalabas ako ng gate, gustong-gusto ko na nga pumunta sa park para maglakad-lakad kasi kailangan ko din 'yon pero sad to say hindi talaga ako pinapayagan ni Vhiel. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kaniya o kung may problema ba siya dahil hindi niya rin naman sinasabi sa akin at kung tatanungin ko siya ay iniiwasan niya ang topic na iyon. Gusto kong malaman kung ano ang problema ngunit hindi ko alam kung papaano.

"Ang weird mo talaga ngayon, Love."

"Ako? Weird? At paano mo naman nasabi 'yan, Mrs. Ferrer?"

"Kasi po, Mr. Ferrer, hindi mo ako pinapalabas ng bahay, hanggang garden lang talaga ako. Ang sabi ni Cyan kailangan ko daw maglakad-lakad sa sinag ng araw pero hindi mo naman ako pinapayagan. Why are you acting like this? May problema ba kaya ka ganiyan?"

"Wife, prinoprotektahan lang naman kita. I am doing this for your own good."

"Prinoprotektahan? Bakit mo naman ako proprotektahan? May papatay ba sa akin once na lumabas ako ng gate?"

"Don't ask it, Lexie. I'm not in the mood to answer your questions."

After niyang sabihin 'yon umalis na siya sa tabi ko. Ang weird niya talaga ngayon. Ano bang mayroon? T'yaka ano 'yong sinasabi niyang prinoprotektahan niya ako? He's protecting me from what?  I really have to know it or else mababaliw ako kakaiisip kung ano iyon.

*LEXIE MAZELLE TIANGCO-FERRER
LEXIE MAZELLE TIANGCO-FERRER
LEXIE MAZEL-*

Oh, 'di ba iba na uli ringtone ko? Boses 'yan ni Vhiel. Hehe.

Ferrer Series #1: Best Mistake✓Where stories live. Discover now