PROLOGUE
—·—Mnemosyne's P.O.V
Memories are still fresh. I can still remember my 7th birthday.
Isa lamang iyong normal na linggo para sa kanila, pero sa akin? napaka-espesyal dahil araw 'yun ng aking kaarawan.
Lumapit sa'kin si Mama at iniabot ang isang 'dress'.
"Mnemosyne, anak, suotin mo na 'yan. Magsisimula na ang party mo,"
"Sige po, Ma,"
Sinimulan ko ng isuot ang 'dress' na ibinigay ni Mama.
Isinuot ko rin ang sapatos na binili namin mula sa mall no'ng isang araw.
Lumabas ako sa aking k'warto patungo sa may garden.
Bumungad sa akin ang sari-saring mga tao na inimbitahan ko.
Ilan sa kanila ay mga kaklase ko, at yung iba naman ay mga pinsan at anak ng katrabaho ni Mama.
Nakasuot sila ng pormal na damit.
Ang iba ay naka-polo, saka pantalon.
Mayroon pa ngang mas pormal at elegante ang suot kaysa sa'kin ngunit hindi ko na lamang 'yon pinansin.Pumunta ako sa harapan ng isang mahabang lamesa na puno ng mga pagkain at kung saan nakalagay ang aking cake.
Nang akmang hihipan ko ito ay may tumunog.
Isang tawag na nanggaling sa cellphone ni Mama.
Naudlot ang aking pag-ihip at sumama ako kay Mama.
"Hello?"
Maririnig mula sa kabilang linya ang sigaw ng isang lalaki at batid kong si Papa iyon.
Nakita kong tumulo ang luha ni Mama.
"Ma, ano pong nangyari?" tanong ko at nagsimula na ring tumulo ang aking mga luha.
"A-ang Papa mo..."
Doon ko nalaman na nakidnap pala si Papa. Ang tumawag kay Mama ay ang mga kidnappers na nanghihingi ng sampung-milyong ransom kapalit ng buhay ni Papa.
Pumunta sa kwarto si Mama. 'Di na ako sumunod.
Pagkalabas nito ay nakita kong may dala siyang isang itim na briefcase na sa tingin ko ay naglalaman ng pera na hinihingi ng kidnappers.
Oo, bata pa 'ko ngunit mulat na 'ko sa katotohanan.
Si Mama at si Papa ay mga kilalang negosyante sa Pilipinas. Hindi ako magtatakang marami silang kaaway sa negosyo.
Sumakay si Mama sa kotse at walang anu-ano'y sumunod ako ngunit 'di niya 'ko nakita.
Makalipas lamang ng ilang minuto ay tumigil si Mama sa isang abandonadong warehouse. Lumabas ito ng kotse at mabilis na naglakad patungo sa loob, dala ang itim na briefcase.
Nakita kong naiwan ni Mama ang kanyang cellphone kaya naman 'di na ako nagdalawang isip na kunin ito at tumawag ng pulis.
Ilang sandali lamang ay bumaba na din ako. Sinundan ko ang mga hakbang ni Mama kanina na nagdala sa akin sa isang madilim na bahagi ng warehouse.
Bahagya akong sumulyap at nakita ang anino ng isang lalaki sa 'di kalayuan.
Nakita ko rin sina Mama at Papa na nakatali.
Pilit kong pinigilan ang aking mga hikbi.
Naramdaman kong nagsisimula na namang tumulo ang aking munting mga luha.Nagulat ako ng may narinig akong putok ng baril na nanggaling sa lalaking nakita ko kanina.
Tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking palad. Sunod-sunod ang putok ng baril na aking narinig.
Nagsimula nang balutin ng takot ang aking sistema. Takot na baka ako ay mahuli, at takot dahil nakita ko ang walang-buhay at duguan na katawan ng aking pinakamamahal na ama at ina.
Ilang sandali lamang ay narinig ko ang sirena ng mga pulis.
Pawis na pawis ako at nahihilo, pilit na pinipigilan na makagawa ng kahit ano mang tunog na makakapagpabaling ng atensyon ng lalaki papunta sa akin.
Nang marinig ko ang mga pulis ay 'di ko na kinaya.
Noon din ay tuluyan ng nagdilim ang aking paligid.
L.I.H.M.L
A/N: Next chapter is a must read! Stay tuned for more updates. Keep safe and Godbless.
YOU ARE READING
Lost in her memory lane
RomanceThe past beats inside me like a second heart. -John Banville, The Sea.