LOST IN HER MEMORY LANE

20 4 8
                                    

CHAPTER 1: FIRST ENCOUNTER
—·—

CLOVERLEAF UNIVERSITY

To: Ms. Mnemosyne Concovar

In behalf of the Cloverleaf University, we would like to congratulate you for passing the entrance exam of our University. You will now be considered as one of our scholars.

You are assigned to Section 11-A.

Congratulations!

***

Mnemosyne's  P.O.V


Kriiiiiinnnnggggggg Krrriiiiiiiiiinnnng!!!

Bumagsak ako sa sahig mula sa aking kama.

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock. Kaagad kong tinignan ang aking orasan,

Ah 7:30 pa lang pala.

Teka--- 7:30?!

Nagmadali akong tumayo at naghilamos.

Shit!

Naligo na ako at nagbihis.

7:30 na at 30 minutes na lang, magsisimula na ang first subject namin.

Nagmadali na akong nagbihis ng aking uniporme at isinuot ang aking sapatos.

Kinuha ko ang aking camera at diary at isinuksok ito sa aking bag.

Kinuha ko ang susi ng aking dorm at umalis na.

Malapit lang naman ang Cloverleaf University mula sa aking dorm pero nakakahiyang ma-late sa unang araw ng eskwela lalo na't Senior High na 'ko.

Pagpasok ko sa gate ay binati ko si Manong Guard ng "Goodmorning" saka ako nagpatuloy sa silid na in-assign sa'kin.

Nagtataka ako dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nadaraanan ko.

Pagkarating ko sa harap ng room ay nagsimulang tumawa ang aking mga kaklase.

Siyempre, nagtataka ako kung ba't sila tumatawa. Kaya naman inayos ko ang aking sarili at pumasok na sa loob.

Pagkaupo ko ay napatingin ako sa aking medyas.

Put----

Kaya pala kanina pa nila ako pinagtatawan ay dahil magkaiba ang kulay ng medyas na suot ko.

Napasulyap ako sa katabi ko.

Shet! Ang pogi!

Inayos ko ang aking suot at iniabot ko ang kamay ko sa kan'ya.

"Ako nga pala si Mnemosyne, ikaw?" nahihiya kong sambit.

Ilang segundo ng naka-angat ang aking kamay pero wala pa rin itong tugon kaya binaba ko na lang.

Tsk, suplado.

Tinignan ko na lamang ang aling orasan,

8:05

Teka, late na yung prof. namin ah?

Biglang may sumulpot na anino ng isang lalaki mula sa pintuan. Nagsibalikan ang aking mga kaklase sa kani-kanilang upuan.

"Goodmor---," pinutol ng katabi ko ang sasabihin sana ni Prof.

"Walang Maganda sa umaga, Mr. Professor."

Napanganga kaming lahat dahil sa sinabi niya.

Teka, sino ba siya para magsalita ng ganyan?

"Ahh, ganun ba? Sorry Mr.---,"

"You're 5 minutes late. Ganyan ba kabuting halimbawa ng mga guro rito sa University? 'Di ka sineswelduhan para malate, Mr. Prof."

Grabe naman kung makapag-salita 'to.


"Teka, sino ka ba para pagsalitaan mo 'ko ng ganyan?" tanong ni Prof.

Oo nga, sino ka ba?

"My name is Jax Cohen. Son of Mr. Jarvis Cohen, the father or Cloverleaf University."

Tsk, 'yun lang pala. T-teka?! Mr. Jarvis Cohen? As in Mr. Jarvis na may-ari ng school?!

Natulala kaming lahat sa klase. Pati na rin si Prof.

"So-sorry Mr. Cohen. Hi-hindi na po mauulit," pagmamakaawa ni Prof.

Hindi na nagsalita si Jax at nagpatuloy na si Prof. sa pagpapakilala ng kan'yang sarili.

—kai

A/N: Typographical errors ahead! Sana ma-enjoy niyo 'tong firsg update ko, huhu. Keep safe and Godbless!

Lost in her memory laneWhere stories live. Discover now