Part Two

38 2 0
                                    

It's our second day in grade 10.

Sobrang boring, habang nag aantay kami ng last subject namin which is health ay sobrang ingay ng classrom, napatunganga naman ako sa kawalan at naisipang mag scroll nalang sa twitter, habang nag sscroll ako ay nakita ko yung tweet ni ellesse na 'makukuha din kita' napairap nalang ako.

Natahimik ang lahat ng pumasok ang teacher namin sa health.

Good afternoon class! I'll be quick so i want all of you to pay attention on me, understood?

Nakakatamad naman 'to.

Yes sir. sagot nila

Humanap kayo ng ka partner nyo, tatalakayin nyo ang napapanahong issue ng bansa dalawa lang class issubmit nyo sakin to next next week. Naiintindihan nyo ba?

Nagsipagdaingan naman ang mga kaklase ko, paano ba naman second day of school may research agad.

Lilingon ko na sana ako kay na kimmy ng mag salta si chesca na partner daw sila, shet paano ako?

Sinong wala pang partner? Tanong ng teacher namin, sabay kaming napataas ng kamay nitong katabi ko. Pakshet!

Since dalawa nalang kayo walang partner kayo ang mag ka partner. Ani ng teacher, at ayan naman ang mapanuksong tingin ng dalawa na agad kong inirapan.

I'll give you 50 minutes para mag isip. Pagkatapos nya magsalita ay biglang sumarado ang pinto, at agad namang nag ingay mga kaklase ko.

Saan tayo gagawa? tanong ko sa katabi ko na hanggang ngayon ay hindi pa din umiimik.

Chloe anak san ka pupunta? Sabado ngayon ah. Chloe ang tawag sakin ng mommy ko dahil Mika chloe ang pangalan ko.

Group activity ma. Sigaw ko sa kusina dahil nakuha ako ng sandwich.

Agad naman akong nag paalam sa nanay ko pagdating ko sa sala, day off nya ngayon dahil Sabado hanggang linggo yan. Nag oopisina ang nanay ko habang ang tatay ko naman ay naglalayag sa karagatan.

ng makarating ako sa bahay nila joshua ay agad akong nag doorbell malaki yung bahay nila pero hindi ganun kalaki may tatlong kotse at isang motor.

Agad bumungad sakin ang magandang babae na kahiwag ng mata at ilong ni joshua.

Ikaw ba si mika? tanong ng nanay nya habang nakangiti sakin, agad din akong ngumiti at tumango halika anak sundan mo ako. Agad naman akong sumunod sa kanya

Alam mo ba ija ikaw ang unang babae at kaibigan na pinakilala sakin ni gab. Sabi ni tita habang nakangiti, sabi nya ay tita daw ang itawag ko sa kanya. Swerte ko naman kung ganon at isa pa ako lang ang natawag sa kanya ng joshua

nasilayan ko naman si joshua na kakababa lang at mukhang bagong ligo, agad akong ngumiti sa kanya pero ang plain lang ng itsura nya naka hoodie syang gray at short na pang basket ball bagay naman sa kanya, malamig nga naman sa sala nila dahil nakabukas yung aircon nila.

Oh, sige na dun na muna ako sa kusina paghahanda ko kayo ng makakain. Basag ni tita sa katahimikan, agad naman syang umupo sa tabi ko, at nilabas ko na yung dala kong laptop

Anong topic ang sa atin? Tanong ko sa kanya

Idk maybe teenage pregnancy. walang kabuhay buhay nyang sabi. Kung ganon kailangan nating mang interview baka may kakilala kang teenage mom? Tanong ko ngunit umiling lang sya.

Ok then i'll ask my mom kung may kakilala sya.

Natapos namin agad yung plano pero hindi pa namin nasisimula, nag plano lang kami ng mga gagawin, may ni recommend samin yung mommy nya kaso medyo magulo daw sa lugar na yun but we have no choice.

Pag dating ng alas-singko ay nag paalam na ako sa kanila at sinabing susundiin ako ni kuya na galing sa work.

Pag uwi ko ay naligo agad ako at kumain kasama si mama at yung kapatid ko

Kamusta mga anak? Hirit ni mama sa hapagkainan

Toxic ng duty ma. Sagot ni kuya dahil isa syang nurse

Ganyan talaga anak, eh ikaw chloe? Nakahanap na ba kayo ng ma interview? Tanong ni mama sakin.

Agad ding natapos ang dinner namin tsaka ko napagpasyahang matulog na dahil nakakapagod ang araw na ito.

LOVING YOU WAS NEVER EASYWhere stories live. Discover now