Part Five

12 2 0
                                    

Today is monday, ihahatid daw ako ni kuya ngayon hindi ko din alam kung bakit. Ang sabi n'ya lang sa'kin ay may meeting s'ya malapit sa school namin.

Mika, may boyfriend kana ba? Tanong ni kuya ngunit wala sa'kin ang paningin kung hindi ay nasa kalsada.

Bakit mo naman natanong kuya? Nasasamid na saad ko sa kanya.

Naalala ko lang fourth year din ako nung unang beses akong inlove. Nakangiting sambit ni kuya ngunit mahahalata mo sa mata n'ya ang pait ng nakaraan.

Wala pa kuya pero kapag meron sasabihin ko sa'yo. Saad ko sa kanya na agad nyang ikanasimangot.

Hindi madali pumasok sa isang relasyon lalo na kung pareho kayong hindi pa handa. Kaya bago ka pumasok sa relasyon pumasok ka muna sa school. Natatawang sabi ni kuya ng malapit na kami sa gate ng Campus. Sige na po kuya love you! Sambit ko bago bumaba ng sasakyan.

Bago ako pumasok ng classroom ay dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung mga gagamitin ko sa first subject.

Goodmorning class! Bati ng guro namin pagkapasok ng classroom. Agad din kaming nagsipagtahimikan. Goodmorning ma'am! Bati namin pabalik.

Malapit ng matapos first subject namin pero wala pa din si Joshua. Nagtataka akong lumingalinga ngunit natigil din ng makita kong nakatingin sakin sina kimmy kitang kita sa mga mata nila ang mapanukso nilang titig na agad ko namang ikinairap.

Nang magpaalam samin ang teacher namin ay agad naman akong tumayo para makaiwas sa dalawang 'to. Ngunit huli na ang lahat dahil nandito na sila sa harapan ko Saan kayo galing kahapon? Bakit may pag date ha? Nanunukso ngunit nakakaiirita.

Nagpakasal. Yan nalang ang sinambit ko para matahimik na ang dalawang to. Pero mali ako dahil mas lalo akong nairita sa boses nila para silang manok na putak ng putak.
Jusko naman paano ba matatahimik ang buhay ko?

Malapit na mag uwian ng mag ring ang cellphone ko. Hello kuya? Ah oo uwian na namin. Sige. Nasa baba daw si kuya at saktong kakatapos lang nila mag meeting ng makita nyang labasan na ng campus.

Mauuna na ako. Nandyan si kuya sa baba. Paalam ko sa dalawa kuya ba talaga oh si gab? Ayan nanaman ang mapanuksong tingin at boses. Bumaba na ako bago pa ako kulitin ng mga 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVING YOU WAS NEVER EASYWhere stories live. Discover now