“Kalma lang—si Deblor lang 'to”"Ano ba ang nangyari sa'yo?"
Tiningnan ko ang listahan ng mga estudyante na iisa ang section. Pangatlong listahan na itong tinitingnan ko at ilang beses ko pang dino-double check kung nandoon ba ang pangalan ko o ni Bonita.
I can't calm myself down. Nagpupuyos ako sa galit. I didn't know bullying is still existing in senior high school. May saltik siguro sa ulo ang lalakeng iyon. He's like making fun of me. He thinks I am a pushover? Tss. Pakyo din siya.
"Hoy! Ang suplada mong tingnan. Natatakot tuloy yung mga nakakasalubong mo." hindi ko pinansin ang pang-aasar niya sa akin.
Sinasamaan ko ng tingin ang mga kasabay ko sa paglalakad. Pati na rin ang kasabay kong tumitingin sa listahan.
"Nasaan na pa ang puchang pangalan natin dito?!" naiinis na talaga ako.
"Excuse me," napaatras ako ng hinawi ako ng baging dating na Titingin din.
Aba't kung minamalas ka nga naman!
"Arogante na nga kupal pa."
Yung lalakeng tinuhod ko kanina ang tumulak sa'kin palayo sa listahan. Inirapan niya ako, makine me doubt his manly stance. Okay, bawal judgemental. Pereceptions and all. Pero kung kumilos siya parang hindi maginoong lalake.
Tama nga talaga ang modernize na kasabihan.
'Wala nang Juanito Alfonso sa 21st Century'
'Choco Funtales at Koko Marasigan, marami!'
Laglag ang panga ni Bonita sa nakitang panghaharas sa akin. Dikit na dikit ang tingin niya sa lalakeng tumulak sa akin pagilid.
"Ano bang problema mong kupal ka! Kanina ka pa ha!" hindi ko na napigilang tuntunin ang tumbok ng galit ko. Si Bonita naman ay natulala sa lalakeng arogante.
"What?" he said with an accent.
Tumaas ang kilay ko. Mas mataray pa 'to sakin umasta 'ah.
"Ako ang naunang tumingin sa listahan. Bulag ka ba?" depungal ka!
Umirap ulit siya at inayos ang bag. Tumalikod siya sa akin at nakita ang brand ng mamahalin niyang bag.
"Napakayabang.." bulong ko habang tinatanaw siya papalayo. Pinagtitinginan din siya ng ibang mga estudyante.
Flex mo bag mo, pero ugali mo hindi mo ma-flex!
"What was that?" gulantang na tanong ni Bonita.
Umirap ako, "Kanina pa ako naiinis sa lalakeng 'yun. Bwesit! Bad trip!"
"Pamilyar siya sa akin, beh." aniya pa.
"Pake ko?" singhal ko sa kanya.
Buti nalang at nakita ko ang mga pangalan namin sa ika-apat na listahan.
Mabilis kaming umakyat sa second floor kung saan nandoon ang classrooms ng Humanities and Social Sciences. Hinanap namin ang HUMSS-4 Mapagkumbaba at nakita agad ito.
YOU ARE READING
Something Special Between Ikaw at Ako
Fanfic"Hindi batayan kung saang mundo mo dapat ihahalintulad ang pagmamahal, dahil kahit saang dimension o universe pa 'yan kung tunay at tapat ang pag-ibig mo, alam kong mas matatagal tayo."