Chapter Six

3 2 0
                                    


“Ang kambing ni Adelia Riego

Hindi ko maatim na tingnan ang pulgas na 'to na nasa loob ng bahay namin. Inirapan ko siya bago bumaling kay Elijah na kanina pa nagtataka sa mga gingawa kong pag-irap.

"You'll faint any minute now," nanunuya niyang komento.

"Sino ka?" he asked Elijah without any hint of respect!

I glared at him. How dare he treat the 'Pambansang Baby' like that. Na parang magkasing-edad lang silang dalawa.

"Gumalang ka nga, college na si Elijah!" suway ko sa kanya.

I heard him chuckled, "Your taste is bad when it comes to boys."

"Ha! Ang yabang mo!" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang gustong umalburuto ng ulo ko at ihambalos siya sa sofa na inuupuan niya.

"The first one is too pale. Ngayon naman mukhang malandi."

Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. I don't know him and I don't have the intention to know him! Bahala siyang mabulok kasama ng pangalan  niyang hindi ko gustong malaman at hindi ako interesado!

Ang lakas ng loob niyang magsalita sa taste ko sa lalake, hindi ko naman siya kilala!

"Hoy pulgas ka! Anong karapantan mong punahin ang taste ko sa mga lalake! Ikaw," tinuro ko siya pero nakay Elijah lang siya nakatingin "Judgemental ka! 'Eh hindi naman kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka! Umalis ka nga rito!"

Hindi ko na talaga kinaya. Tumayo na ako para itaboy at magkaroon kami ng time ng Pambansang Baby na mag-usap!

Malay ko bang baka bukas wala na itong mga kababalaghang nararanasan ko, ending noon na missed ko pa ang chance na makachika ang mga fave ko!

"Lola wants me to go here! Ouch!" hinampas ko siya sa braso "You haven't change Ada! Isip-bata ka pa rin!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Pri-noseso ko ang mga salitang narinig ko. Parang may naalala akong lalakeng nang-aasar sa akin noon. Kagayang-kagaya niya.

"Ada!" napabaling ako sa kanya ng bigla niya akong hinila palayo kay Elijah.

Tinanggal ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at hinarap siya. Kung mamalasin ka nga naman, nandito sa harapan ko ang lalakeng hindi ko minsan hiniling na makikita ko pa!

"Ikaw 'yan? Kulas?"

"It's Nicholas! Not Kulas!" he said.

Bakit pa ba 'to bumalik! Hindi ko na siya dapat nakita pa 'eh! Kinamumuhian ko ang lalakeng ito! Despite the changes and the maturity he got, hindi ko malilimutan ang pang-aalaska niya sa akin noon!

"Why are you here! You should go back to where you came from! Hindi ka na sana bumalik pa!"

Naiiyak na ako. Naaalala ko na naman kasi ang mga nangyari noong mga bata pa kami. May pagka-hudas kasi siya noon. At sigurado akong hanggang ngayon ganoon pa rin!

"Tss.. as if I want to be stuck in this place in the first place." he chuckled but I can really sense his sarcastic tone with it.

Something Special Between Ikaw at AkoWhere stories live. Discover now