Chapter 8

22 4 2
                                    

Xarry Pov.

Ilang araw na ang nakalipas pero diko parin nakakausap si lielle hirap naman neto puro lang ako tingin at sunod sakanya ng di niya alam

Yes magsimula pa nung pag pasok ko dito sa school eh alam ko na lahat kaya lagi ko na siyang sinusundan kahit saan siya magpunta

Heto ako ngayon nakaupo sa isang silya habang pinagmamasdan siya wala parin pinagbago ang kanyang mukha maliban lang sa kanyang ugali

Flashback(nakaraan)

Ako si Edward ang kababata ni Althea una palang ay mayroon nakong ibang nararamdaman sakanyan

Ngunit mapaglaro ang tadhana kung saan sinabi kona sakanya ang aking nararamdaman ay siya namang pagpapakasal niya sa isang tao

Siguros nga hindi kami ang para sa isa't isa

Ngunit paano yung mga sinabi niya sa aken na mahal niya rin ako?

Isang araw noong nasa may kakahuyan kame ay bigla nalang siyang umiyak at sinasabing hindi niya gusto ang lahat mg nangyayari sa amin

Magmula nung araw na yun ay palihim kaming nagkikita sa kakahuyan sapagkat ikakasal nga ito at may lihim na namamagitan sa amin

Mahirap ang sitwasyon namin sa totoo lang ngunit mahal ko siya kaya kong gawin kahit ano wag lang siyang aalis sa tabi ko

Ngunit nagdaan ang mga araw ay hindi na kame nagkikita sapagkat nalaman ng kanyang mga magulang ang tungkol sa amin

Ilang beses akong nagpunta sakanila ng patago upang makita siya ngunit sa araw araw na pag punta ko roon ay siyang sakit ang nadarama ko sapagkat napakasaya niya sa piling ng kanyang pakakasalan at ako ito ay nahihirapan parin sa lahat ng nangyayari

Isang gabi nagkaroon kame ng tiyansang mag usap ngunit yun na din pala ang huli sapagkat tinapos na niya lahat ng namamagitan saamen pinili niyang magpakasal at hindi pinili ang aking sinabi na kami ay lalayo rito upang magmahalan ng walang hanggan masakit man ngunit hinayaan ko nalang siya dahil sinabi ko sakanya noon na lagi kong pipiliin ang ikakasaya niya kahit ika durog ko ito.

End of flashback.

Noon paman ay ginugolo nako ng mga alaalang diko nais makita ngunit sa pagdaan ng mga taon ay natagpuan ko nalang ang aking sariling tinanggap ang mga ito at sa sandaling iyon tinanggap ko rin sa pangalawang pagkakataon ay minahal ko ulit si althea

At noong pumasok ako sa skwelahang ito noong unang tapak ko palang ay nakita ko na agad si lielle na kamukhang kamukha ni althea

Gabi gabi akong binabangungot ng nakaraan pigil luha akong nanalangin na sana ngayon ay piliin niya naman ako kahit mag muka akong maksarili sa tingin ng iba nagmahal lang naman ako

Sapagkat natatakot akong muli niyang piliin ang taong pinili niya noon

Sana lang ako na ngayon ang piliin mo

Magmula ngayon ipapakita ko na ang nararamdaman ko sayo althea

Sana lang ako na ang piliin mo at hindi na si Carlos

Carlos noon at Joseph sa panahon natin ngayon.

-----------------------------------

Kay Xarry na lahat ng Pov nabitin daw siya eh 😂

IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon