"Sorry pala sa inasta ko kanina ha?"
After almost an hour of silence, may nagsalita na rin sa aming dalawa. Hindi pa rin kami nakakarating sa Roxas Park dahil medyo may kalayuan ito sa city. The car was filled with awkward silence dahil ito yung first time na kami lang talaga dalawa. Usually kasi pag nagkikita kami, it's situated in crowdy places or kasama namin sina Master Choi. But now, it's just the two of us and I don't know how to start a conversation without getting anxious.
"Okay lang noh. Hindi ko lang alam na selosa ka pala," I joked. Gusto ko lang ma-lighten up yung mood namin.
"Anong selosa ka diyan?! Hindi kaya. Sadyang ayoko lang talaga sa babaeng yun," sabi niya tsaka nagpout. Natawa ako sa inaasta niya. Para siyang batang may kaaway sa eskwelahan tapos nagsusumbong siya sa parents niya.
"Bakit naman ayaw mo kay Elena?" tanong ko sa kanya habang nakatuon pa rin ang mata sa daan.
"Basta. At tsaka masyadong malaki ang joga ng babaeng yun," sabi niya. Sinulyapan ko siya at naka pout pa rin siya. Nakataas ang dalawa niyang paa sa upuan at naka cross arms naman siya. Ang cute lang talaga ng crush ko.
"Ikaw, ang judgemental mo. Give her a chance," pangangaral ko sa kanya. Ngayon, nakarating na rin kami sa municipality ng Garcia-Hernandez kung saan naka locate and Roxas Park. "Saan ulit yung lilikoan dito?"
"Sa kaliwa," turo niya. Tumango ako at pinihit ang manibela. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos nun. I guess bad trip pa rin siya tungkol dun kay Elena.
Pagkatapos ng iilang liko, nakarating na rin kami sa Roxas Park. Ang Roxas Park ay parang isang public pool na masasabi mong malinis since dumadaloy ang tubig pababa ng bukid. The pool, or pools rather, are situated in the mountains of Garcia-Hernandez which explains it's chilly temperature, especially when you submerge yourself in the pool. Usually puno talaga ang place and pahirapan makakuha ng cottage kaya kailangan mo talagang mag pareserve ng cottage before going here.
Nagpark kami sa gilid at bumaba na ng sasakyan. Tinulungan ako ni Happy na dalhin ang mga gamit since wala naman siyang dinadala. Nasa van ang bag niya at baka daw dinala na sa loob nina Master Choi.
Nagbayad muna kami ng entrance fee and pagpasok namin, ang rami ngang tao. Meron pang ginaganap na birthday party sa parang function hall nila doon. May bumibirit pa ng "Dadalhin" ni Regine Velasquez. Hinanap namin sina Master Choi at natagpuan sila sa pinakababang part. Nagkainan na rin sila at ang iba ay naglalanguyan na. Lumapit kami sa kanila at ibinigay naman ni Happy yung binili kong cake para kay Master.
Mas unang natapos kumain sa akin si Happy at nagpaalam siyang magpapalit na ng pangligo habang naiwan akong nakikipag-inuman sa cottage kasama si Kuya Rex, Kuya Lim at tsaka si Love. Lumalangoy kasi si Master Choi at si Elena. Ewan kung nasaan yung isang kapatid ni Master.
Nag-iinuman kami noon ng umahon sina Master Choi at Elena at lumapit sa cottage. Masasabi kong ang sexy talaga ni Elena. Nakasuot lamang siya ng putting bra tapos naka spandex na shorts. Pero loyal ako kay Happy. Sa kanya lang ako titingala.
Lumabas naman si Happy mula sa cr na naka yellow bra lang at yellow spandex shorts. Ang kaninang naka bun na buhok ay nakalugay na. Lumilitaw ang morena niyang ganda dahil sa suot niyang dilaw.
"Totoy, baka gusto mong isarado ang bibig mo. Mapapasukan yan ng langaw," pagsuway sa akin ni Kuya Lim at nagtawanan silang lahat sa cottage. Pati sa Happy ay namula rin at natawa ng kaunti. Naramdaman kong uminit ang tenga ko dahil sa kahihiyan. Natunganga ba talaga ako?