cuatro

10 0 0
                                        

From that night, lagi na kaming magka chat ni Happy. Well, nagrereply siya if she has time since nagtatrabaho din naman siya. I was also a tad busy since May has already started and June is fast approaching. I'm still waiting for the news, if I got into Ateneo. Actually, the others received the news already. It was sent during the first week of April but I decided not to look at my e-mail for the past month dahil takot akong makita yung result.


Happy: Bakit kasi ayaw mo pang buksan yang email mo? Malay mo, nakapasa ka pala. Taslakan lang jud ka. (Duwag ka lang talaga)



The ping from Messenger brought me back to reality. I smiled. Alam rin ni Happy ang tungkol dun and ever since she knew about it, she's been forcing me non-stop to open my e-mail.




Phin: Hindi ako duwag. I just want to keep the thrill and suspension.




False. Takot talaga ako. Madi got accepted into La Salle and is just waiting for me para sabay na kaming lumuwas ng Manila. Pero you know what happened.



Happy: Ewan ko sayo. By the way, pupunta pala kami ngayon ng Roxas Park. Pa-birthday ni Kuya Choi. Gusto mong sumama?



For a moment, di ko alam anong irereply ko. Gusto niya akong...sumama? Talaga ba?



Phin: Ano pong nakain mo Ms. Happy at inimbita mo ako sa paligo ni Master?



Master ang tawag ko kay Kuya Choi dahil yun ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Nakilala ko na sila Kuya Choi, Kuya Lim at Kuya Rex ng pumunta ako sa isa sa mga gig nila sa Café Racer. Hindi yung nagcelebrate kaming magbabarkada. I was actually alone that time. Nag-uusap kami nun ni Happy ng lumapit sila. I remembered how they tortured me that time. But all is well now.



Happy: Hindi naman kasi ako ang nag-invite sayo. Si Kuya Choi naman kasi daw. Nautusan lang.




Phin: Palusot pa to siya eh. Friends kami ni Master sa FB. Kung siya yung nag-invite, dapat minessage niya na lang ako sa FB. Sabihin mo na lang na ikaw talaga yung gustong sumama ako.



Nilapag ko muna yung phone ko sa gilid at kumuha ng mga damit at inalagay yun sa backpack ko. I gathered all important stuff to bring and checked my wallet if I got enough cash for gas at pang-ambag sa kainan. My phone pinged, signaling na may reply na si Happy.



Happy: Alam mo, ang rami mong alam. Wag ka na lang kaya sumama? Ang epal mo eh.



Phin: Pikon ka naman agad. Oo na. Si Master na yung nag invite at napag-utusan ka lang. Saan ba magkikita?



Happy: Sa Plaza Rizal daw.


Phin: Sige.



I clicked the send button and turned off my phone. Nagbihis muna ako na appropriate sa lakad ko ngayon bago tumingin sa salamin. Hinawi ko yung medyo kulot kong buhok para di naman magmukhang pugad ng ibon. I took one final glance of myself in the mirror, got my backpack and went out of the door. Dumaan muna ako sa kwarto ni Mama para magpaalam na may lakad ako. Kumatok ako sa pintuan nila pero walang sumagot.



"Ma? Pa?" wala pa ring sumasagot. Pinihit ko yung doorknob at bumukas ang pinto.



"Ma!"



"Delphine anak! Ba't hindi ka kumatok?"



"Kumatok po ako pero hindi kayo sumasagot. Ano po bang ginagawa niyo? At nasaan si Papa?" hinanap ng mga mata ko si Papa sa kwarto nila pero di ko makita. Naglanding ang paningin ko sa kumot na nakatakip sa buong katawan ng nanay ko. Pansin kong medyo naka umbok ito. Ah. Alam ko na nasaan si Papa.




"Sige na Ma. Dumaan lang ako dito para magpaalam. Late po ako makaka-uwi mamayang gabi," pagpapaalam ko pero parang di naman nakikinig tong nanay ko.



"Ah ganun ba? Sige mag-ingat ka anak," pagtataboy niya sa akin. Waw. Sana ol nadidiligan.



"Sige po. Pa, happy eating," at nakita kong medyo umangat yung isang parte ng kumot. Hanep talaga ng tatay ko.



Lumabas na ako sa kwarto nila at tumungo na sa garahe. After securing that I have all my essentials are here, binuhay ko ang makina ng sasakyan at nagdrive palabas. Bago ako pumunta sa meeting place namin, dumaan muna ako sa Red Ribbon para bumili ng cake. Habang nakapila ako sa cashier, tumunog yung cellphone ko. In-unlock ko yun at nakitang nag message si Happy.



Happy: Andito na kami si Plaza Rizal. Asan ka na?


Phin: Teka lang, may binili lang ako. Mabilis lang to.



Luckily, natapos na yung nasa unahan ko kaya nakapagbayad na ako. Nagmadali akong bumalik sa sasakyan ko at nagdrive papunta ng Plaza Rizal. Pagdating ko dun, may nakita akong van na nakaparada sa gilid. Itim na van na may mga designs na hindi ko alam ang tawag. Nakatayo naman sa labas si Happy na naka shorts na puti at maroon na t shirt. Naka bun yung kulot niya buhok at may kinakalikot sa phone niya. Nagpark ako di kalayuan sa van ni Master at bumaba ng sasakyan. Naglakad ako papunta kay Happy.



"Oh Phin, andito ka na pala. Ikaw na lang yung hinihintay namin eh," sabi ni Happy at kinuha yung kamay ko. "Halika, pakilala kita sa mga kasama natin."



Lumapit kami sa pintuan ng van at binuksan yun ni Happy. Tumambad sa amin si Master Choi, Kuya Lim, Kuya Rex at tatlong babaeng di ko kilala.


"Oh, andito na pala si Phil eh. Makakalakad na tayo," sambit ni Kuya Rex habang nag-iinat. Ngumiti naman ako sa kanya bago siya bumaba para lumipat ata sa driver's seat.


"Happy Birthday pala Master," sabi ko kay Master Choi at nakipag bro fist sa kanya.



"Salamat Phin. Nga pala, si Love at Jea, mga kapatid ko tapos si Elena. Girlfriend ko," pagpapakilala ni Master Choi sa tatlong babae. Nilahad naman ni Elena yung kamay niya. Aabutin ko na sana yun ng hatakin ako ni Happy papunta sa kanya.



"Sige na Kuya Choi. Tumulak na tayo baka maabutan pa tayo ng ulan," sabi ni Happy habang nakahawak pa rin sa braso ko. Tumango naman si Master Choi.



"Tama ka nga Happy. Sige, doon ka na sumakay sa sasakyan ni Phin," sabi ni Master Choi at binuhay na ni Kuya Rex ang makina ng van. Parang magpoprotesta pa sana si Happy ng sinarado ni Kuya Lim ang pintuan ng van at nagdrive palayo.



Naiwan kaming nakatayo ni Happy doon. Makakapagdrive ba ako ng maayos nito?

LigayaWhere stories live. Discover now