"You look beautiful," I said as I stared into her hazel eyes. Tumawa siya ng mahina.
"Bola nanaman. Ewan ko sayo," nakangiti niyang sabi. "Saan ba tayo magdedate?"
Medjo namula pa siya ng sinabi niya ang word na date which I found to be really cute. Hindi lang pala ako kinikilig. Pati na rin pala tong magandang binibini sa harapan ko.
"Sa Baluarte tayo," sabi ko at tsaka kinuha ang kamay niya. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko at sinubukan pang itago ang pagkagulat niya pero huli na ang lahat dahil nakita ko na rin naman. Hindi na lang ako nagkomento at hinatak siya papunta sa sasakyan ko. Binuksan ko ang pintuan sa shotgun seat at ng nakapasok na siya ay sinara ko yun at pumasok na sa driver's seat. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at tsaka nagmaneho papunta ng Baclayon kung saan matatagpuan ang Baluarte.
Habang papunta doon, tahimik lang kami. Nakatuon ang atensyon ko sa kalsada at siya naman ay busy sa paghahanap ng kanta sa cellphone ko.
"Kailan alis niyo ni Madi?" pambasag niya sa katahimikan. Maya-maya pa ay tumunog naman ang ILYSB ng Lany.
"Ngayon Sunday," simpleng sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan. Today is a Thursday and that means we only have 3 more days bago kami lumipad ni Madi papuntang Manila.
"Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo doon?" I heard a pang of sadness in her voice pero hindi niya pinahalata. I looked at her briefly. Nakatingin siya ngayon sa labas ng binate at pinagmamasdan ang tanawin sa labas. She once told me how much she loves the sea. At sa daan papunta sa patutunguhan namin ay makikita ang dagat na nagniningning sa ilalim ng mahinang liwanag na nanggagaling sa buwan.
"Opo Nay," I joked to make the atmosphere lighter. Paalis na nga ako and I don't want my memories with Happy to be sad. Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. Minutes after, we arrived at Baluarte. Marami-rami rin ang tao ngayon. We climbed out of the car and made sure to lock the doors before heading to the restaurants there.
Baluarte is a place where different small time restaurants gather to, of course, sell their food. In one of the restaurants here, may kumakanta then every night. I wonder if nakapag gig na rin sina Happy dito. I doubt they have.
Before finding a table, we went to a stall para pumili ng kakainin. Usually ang tinitinda dito ay mga barbeque which made it popular to people. Various of people come here every night. Magbabarkada. Couples. Singe people. Families.
After namin makapili ng gusto naming ipa-ihaw, ibinigay namin yun sa magluluto at naghanap na kami ng table.
"Ilang babae na ba nadala mo dito?" tanong ni Happy sa akin when we settled down in our place.
"Hmm, lima?" sabi ko at napatigil naman siya sa ginagawa niya. Maya-maya pa ay umirap siya sa akin at tumingin sa malayo.
"Ah ganun ba? Chix boy ka pala," sabi niya habang nakatingin pa rin sa malayo. Natawa naman ako ng mahina. "Oh, anong nakakatawa sa tanong ko?" ang sungit talaga ng binibini ko.
Kinuha ko ang kamay niya, dahilan para mapatingin siya sa akin sa gulat. Noong naka recover na siya, sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero hindi siya nagtagumpay. Sa halip ay nahinto siya sa pagbabawi niya ng kamay niya ng patakan ko ng magaan na halik ang kamay niya. Pinanood ko ang reaksyon niya. Unti-unting namula ang morena niyang pisngi at napatingin siya sa ibang direksyon habang kinakagat ang mapupula niyang labi para pigilan ang sarili sa pag ngiti.
"Ang selosa naman ng binibini ko," pagtutukso ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at sa ibang direksyon pa rin nakatingin. Natawa ako.
"Ang mga babaeng nadala ko dito ay sina Mama, Madi, Rene, at Dominique. Yung si Rene at Dominique, kasama ko pa ang buong tropa noon," pagpapaliwanag ko sa kanya. Unti-unti siyang tumingin sa akin. Ngayon naka pout naman siya.
"Talaga?" parang bata niyang tanong. Napangiti ako at tsaka tumango. Unti-unti namang sumilay ang ngiting kinainlaban ko. Sakto namang dumating na rin yung order namin kaya nagsimula na rin kaming kumain. Sinong mag-aakalang nakakapagod rin pala ang makipagharutan kasama ang babaeng mahal mo?
Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan rin kami. Kahit ano na yung naging topic namin. Simula sa childhood stories namin, mga crushes namin hanggang sa mga bansang gusto naming puntahan.
"Talaga? Naiyak ka nun?" pinag-uusapan namin yung panahong umiyak siya dahil hindi daw pinili ni Ash si Oshawott.
"Oo! Nakaka-awa kaya ang pagmumukha ni Oshawott nun. I mean, sana sinama na rin niya ni Ash. Kahit wag na pang battle, kahit keychain niya na lang. Ang cute kaya ni Oshawott tapos di niya pipiliin," pagrarant niya. Pinanood ko lang siya magrant. Ang cute niya lang kasi habang nagrarant siya, panay naman ang papak niya sa drumstick na dala niya. Para talagang bata. Ang layo sa Happy na una kong nakita noon Friday night sa Café Racer medyo seryoso.
Natapos rin kami sa dinner namin at nagdecide kaming maglakad-lakad. May parang extension pa kasi to papuntang dagat. Habang nilalakad namin yung kahabaan ng extension, may nadaanan kaming nagtitinda ng manggang maasim. Agad namang lumapit si Happy doon at bumili ng dalawa. Binigay niya sa akin yung isa at nagsimula ulit kaming maglakad hanggang sa maabot na naming ang pinakadulo ng extension na medjo madilim na pero dahil maliwanag ang buwan ngayon ay nakikita ko pa rin ang pagmumukha niya.
"Ano ang pinaka-una mong gagawin once nakarating ka na sa Manila?" tanong ni Happy habang pinapapak yung buto ng manga. Naubos niya na yung laman?! Ang bilis naman ata. Di ba siya nabusog sa dinner namin?
"Hmm, probably matutulog or baka maglinis kung hindi pa naayos yung unit namin," sabi ko habang inuubos rin yung mangga ko.
"Ayaw mo nga pala sa alikabok at dumi," sabi niya habang nakatingin sa malayo. Tinignan ko yung mangga niya. Tortured. Tortured na ang buto ng mangga.
"Hahaha naalala mo pa pala yun," I said. I remembered saying that to her nung gabing nagkita kami sa Alona beach. Ang tagal na pala noon.
"Oo naman noh. Bawat binibigkas mong salita, naka-input na sa utak ko," sabi niya tsaka tumawa ng malakas. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Talaga?"
"Oo! Tapos yung mga banat mo naman, pagkatapos ma process ng utak ko, diretcho agad sa puso ko," tumingin siya sa akin at tsaka kumindat bago humagikhik. Sa puntong to, hindi na ako sigurado kung seryoso ba siya sa pinagsasabi niya or nagjojoke lang ba siya.
Lumapit ako sa kanya at napahinto siya sa pagtawa pero hindi nawala ang matamis niyang ngiti.
"Eh paano kung..." hinawi ko ang hibla ng buhok niya na nilipad ng hangin at tinatabunan ang mukha niya. Nilagay ko yun sa likod ng tenga niya. "Paano kung sabihin kong mahal kita?"
Nagulat siya sa sinabi ko at dagliang nawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi dahilan para mangamba ako ng slight. Mali ba na nagconfess ako ng pagmamahal ko? Pero lahat ng kaba at takot ko ay nawala ng ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.
"Hindi lang yun mananatili sa utak at isip ko. Kakalat yon sa buong sistema ko."