A Love For Eternity - 1

16 1 0
                                    


"ANO'NG IBIG SABIHIN NITO?!"

Nagulantang ang lahat lalo na ang mga magulang ni Liam nang bigla kaming dumating at padabog na pumasok sa mansyon nila. Galit na humarap siya sa mga magulang niya. Nanatili naman akong nakatayo habang nakayuko sa tabi niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanang kamay ko.

"Alam ko na ang ginawa mo, 'Ma! Alam ko na ang ginawa mong pakikipag-usap at pananakot kay Reena at sa pamilya niya para hiwalayan at iwanan ako!" galit na galit na panimula ni Liam.

"So?! Ano naman kung alam mo na?!" mataray na sagot ng ina ni Liam na naging dahilan ng agad kong pagkaka-angat sa ulo kong nakayuko. Nakita kong prente siyang nakaupo sa magarang sofa. Mababakas ang katarayan at galit sa mukha niya-matinding galit para sa akin o para sa aming dalawa ni Liam. Tinapunan niya ako mula ulo hanggang paa ng isang nakakasuklam at galit na tingin na may kasamang irap at panunuya. "Alam ko namang malalaman at malalaman mo rin. Bakit nga ba hindi?! Tiyak namang magsusumbong sa'yo 'yang babaeng 'yan! Syempre, kami ang pagmumukhain niyang masama at kontrabida! Gagawin niya ang lahat para hindi kayo maghiwalay! Para maituloy niya at ng pamilya niya ang plano nilang paghuthot ng pera sa pamilya natin!"

Napasinghap ako dahil sa mga narinig. Napapikit ako nang mariin at napakuyom ang mga kamao ko. Heto na. Nagsisimula na naman siyang husgahan at insultuhin ako at ang pamilya ko. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. "Hindi po totoo 'yan! Wala po akong ganyang intensyon, lalo ang pamilya ko, na gawin 'yan sa inyo! Hinding-hindi po namin magagawa ang mga ibinibintang niyo sa amin!"

"Talaga ba, ha, iha?!" nakataas kilay na sabi nito sa akin. "Pero alam mo, hindi ako naniniwala sa'yo! I know behind that innocent and angelic face ay nakatago ang isang user at gold-digger bitch na kagaya mo!"

"Stop it, 'Ma!" galit na sigaw ni Liam. "Wala kang karapatang sabihan siya ng ganyan! Hindi ganyang klase ng babae si Reena! Matino siya at maayos, gayundin ang pamilya niya! Huwag niyo naman silang husga-"

"Huwag husgahan agad?!" putol ng Mama niya sa sinasabi niya at ipinagpatuloy ang pagmamaliit at pagmamata sa akin. "Hah! You don't know what you're saying, Liam! You think you know her and her family that much! You keep defending and protecting her and you keep being on her side gayong wala ka namang alam sa totoong pakay nila sa atin! You were deceived since the beginning until now! Niloloko at pinaniniwala ka lang nila! They're just using you para makuha nila ang gusto at kailangan nila! Ang katulad nilang mga mahihirap ay hindi nababagay sa ating mayayaman! Kahit ano pa ang sabihin at gawin mo, Liam, hindi na magbabago pa ang katotohanang ayaw namin sa kanya! Hinding-hindi namin siya matatanggap bilang parte ng pamilyang ito! Hinding-hindi kailanman!"

"Pero, 'Ma-"

"Stop the buts, Liam!" maawtoridad at malamig na boses ng Papa ni Liam ang nagsalita sa pagkakataong ito. Bagaman kanina pa siya naririto ay ngayon lang siya umimik. Nakaupo siya sa solong sofa at may hawak na kopita ng alak sa kaliwang kamay nito. Matalim at matiim ang titig niya sa aming dalawa ni Liam. "Wala siyang magandang maidudulot sa atin! Dudungisan niya lang ang pangalan ng pamilyang ito na matagal na nating pinangangalagaan. Hindi siya ang babaeng nararapat para sa'yo at sa pamilya natin."

Naramdaman ko ang mariing pagpisil at paghigpit ng hawak ni Liam sa kamay ko. Marahas siyang napabuntong-hininga bago muling sumagot at humarap sa kanyang mga magulang. "Paano niyo nasasabi ang mga bagay na 'yan? Paano kayo nakakasiguro na totoo ang mga ibinibintang niyo? Paano niyo naaatim na pakialaman ang buhay ko gayong wala naman kayong ni katiting na alam sa totoong kaligayahan ko? Paano niyo nagagawa 'yan?! I can't believe this! I can't fucking believe na ganyan pala ang ugali ng mga magulang na pinagmulan ko! Mga matapobre, mapanlait at mapanghusga ng kapwa! Ang sasama niyo, alam niyo ba 'yun?! You think you're all that perfect?! Bakit, kasalanan ba nilang mahirap sila?! Kung napipili lang sana ang pagiging mayaman, eh di sana lahat ng tao, mayaman na! Wala ng mahihirap! Masyadong mataas ang tingin niyo sa mga sari-"

PAAAKKK!!!!

Nagulat nalang ako nang biglang lumagapak sa pisngi ni Liam ang isang malakas na sampal galing sa kanyang ina. Hindi ko inaasahang makakaya niyang saktan at pagbuhatan ng kamay ang kanyang sariling anak!

"Walanghiya ka! Walang modo, walang respeto, walang utang na loob! Nang dahil sa babaeng 'yan, nagkakaganyan ka na?! Nagiging tampalasan at bastos ka na! 'Yan ang napapala mo mula sa babaeng 'yan!" nanggigigil sa galit na sigaw ni Mrs. Yuchengco kay Liam.

"It's not her fault, 'Ma! Kayo ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ako! Simple lang naman ang gusto ko. Kung talagang hindi niyo siya kayang tanggapin, bakit hindi niyo nalang hayaan kaming dalawa? Kahit para sa akin nalang, pabayaan niyo na akong makasama si Reena! Pabayaan niyo na 'ko sa nag-iisang kaligayahan ko! Mahal na mahal ko si Reena, mahal na mahal namin ang isa't-isa! Please, hayaan niyo nalang kami!" umiiyak na pagmamakaawa ni Liam na lumuhod na sa paanan ng Mama niya. Napaiyak na rin ako dahil sa nakikita kong ginagawa niya.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid pagkatapos nun. Tanging pag-iyak at paghikbi lang naming dalawa ni Liam ang maririnig. Ilang sandali pa ay tumayo si Mr. Yuchengco at lumapit sa amin.

"Tumayo ka, Liam. Hindi mo dapat ginagawa ang mga nakakaawang bagay na 'yan para sa babaeng 'yan! She's not worth it, naiintindihan mo?! Look at yourself! You look pathetic! Hindi ka namin pinalaki, binihisan at pinag-aral nang maayos para lang bumagsak sa katulad niya!" may galit at diin na sabi nito.

Naramdaman ko ang biglang pagkuyom ng kamao ni Liam bago siya galit na tumayo. Hinarap niya ang ama niya. "Oo, 'Pa! Pathetic na kung pathetic! At least, hindi ako katulad niyo na walang mga puso! Napakataas ng tingin niyo sa sarili niyo! Siguro nga, hindi ako nababagay sa pamilyang ito! Maybe I don't really belong in this family!"

"What do you mean, Liam?" tanong ng Mama niya.

"I'm sorry, 'Ma, 'Pa.. but I have decided! Wala na kayong magagawa sa desisyon kong ito! Dahil sa ayaw at sa gusto niyo, aalis na ko sa bahay na 'to para wala ng gulo! I'm also quitting being your son! Ayoko na, tama na! Sawang-sawa na 'ko sa pagmamanipula niyo sa buhay ko! I'm leaving and I'm choosing Reena over you! Iiwanan ko na kayo at tuluyang sasamahan si Reena!" buo at matigas na sambit ni Liam bago siya bumaling sa akin at hinatak ako. "Tara na, Reena! Umalis na tayo dito."

Mabilis niya akong hinila palabas ng mansyon at agad inalalayan pasakay sa motorsiklo niya. Ilang sandali pa at pinaharurot niya na ang motor niya at nagsimula na kaming umalis sa lugar na 'yun. Pero bago pa kami tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang pagkabasag ng isang tila vase at ang malakas na sigaw ng ina ni Liam na hindi na nakaalma pa dahil sa bilis ng mga pangyayari.

A Love For Eternity [On-Going]Where stories live. Discover now