A Love For Eternity - 4

2 1 0
                                    

Tanghali na nang magpasiya kaming umalis ni Liam sa bahay para makipagkita kay James at sa ama nito. Kinausap pa kasi namin ang mga magulang ko tungkol sa biglaan naming desisyon na magpakasal. Sa una’y nagulat din sila pero ipinaliwanag ni Liam nang maayos ang lahat kaya naman sa bandang huli ay pumayag na din sila at binigyan pa kami ng basbas. Nangako din sila na susuportahan at tutulungan kami sa anumang desisyon na gagawin namin. I’m very grateful and thankful because I have supportive, kind and understanding parents. Nahiling ko tuloy na sana ay gano’n din ang mga magulang ni Liam.

Saktong ala-una na ng tanghali nang makarating kami sa bahay nila James. Agad kaming pinapasok ng kasambahay nang malaman ang sadya namin. Dinala kami nito sa office ng ama ni James kung saan agad naming nakita ang mag-ama na tila ba inaasahan at hinihintay na ang aming pagdating. Agad tumayo si James nang makita kami. Una nitong nilapitan si Liam.

“Nice to see you, bro! Tagal din nating hindi nagkita, mga isang linggo ba?” bati nito kay Liam na mabilis nitong niyakap at tinapik. Tumango naman ito sa akin at binigyan ako ng isang ngiti na agad ko namang sinuklian.

“Nice to see you, too, bro! Pasensya na, madami lang nangyari kaya nawala ako ng ilang araw.” saad naman ni Liam at pagkatapos ay tumunghay sa ama nito. “Good afternoon, Tito Rick! Kamusta po kayo? Salamat pala at pinagbigyan niyo ‘ko sa hiningi kong pabor. Salamat po talaga.”

“Walang problema, iho.. Basta kaya ko, tutulong ako..” nakangiting sagot nito. Inanyayahan kami nitong maupo sa kaharap na upuan habang lumabas naman si James upang magpahanda daw ng merienda namin. Ipinakilala naman ako ni Liam dito.

Ilang saglit pa ay sinimulan na ang pag-uusap tungkol sa gaganaping kasal bukas. Abogado at vice mayor pala ang ama ni James kaya dito naisipan ni Liam na humingi ng tulong. Pinag-usapan ang mga magiging detalye ng kasal pati na ang mga paghahanda at kinakailangan pang dokumento para rito. Pribado at piling-piling mga tao lamang ang dadalo sa kasal namin bukas. Sa panig ko ay ang mga magulang ko habang sa panig naman ni Liam ay si James at ang dalawa pa niyang kaibigan. Ipinakiusap ni Liam na ilihim ito at huwag sasabihin sa iba, lalong-lalo na sa mga magulang at pamilya niya. Naintindihan naman ng mag-amang James at Rick ang nais ni Liam at ang sitwasyon kaya naman sumang-ayon agad sila. Muli pang ipinaliwanag ni Tito Rick ang magiging proseso ng aming kasal. Simple lamang iyon at hindi tatagal ng isang oras. Naasikaso na din pala nila ang ilang mga dokumentong kailangan namin kaya naman agad na-i-schedule ang aming kasal bukas.

Pagkatapos ng ilan pang kamustahan at kwentuhan ay nagpaalam na kami sa mag-ama. Hindi naman kami umuwi agad. Inaya ako ni Liam na lumabas. Aniya, huling ‘date’ na raw namin ito bilang magkasintahan dahil bukas ay magiging mag-asawa na kami. Mabilis naman akong pumayag kaya naman dumiretso kami sa isang sikat na mall. Nag-ikot muna kaming dalawa. Nang makaramdam ng gutom ay kumain kami. Habang kumakain, sinabi ni Liam na kailangan naming mamili ng mga susuotin namin bukas. Umiling ako dahil sa palagay ko ay hindi naman na ito kailangan.

“Kailangan ‘yun, mahal. The event tomorrow will be our special day and it will be memorable. Gusto ko, espesyal ang mga susuotin natin. Gusto ko, espesyal tayo sa araw na ‘yun.”

Tumango ako. “Alam ko, naiintindihan ko naman. Pero may dress naman ako sa bahay. Kung gusto mo, ‘yung susuotin mo nalang ang bilhin natin. Ayoko lang kasing gumastos ka masyado.”

“Nah, don’t worry ‘bout that. May pera pa naman ako. Ako’ng bahala. Basta after kumain, bibili na tayo ng mga susuotin natin, okay?” inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Wala na ‘kong nagawa kundi ang pumayag.

Matapos kumain ay dumiretso kami sa Fred Perry kung saan siya bumili ng pang-itaas niya. Pinili niya ang isang white fitted longsleeves polo. Bumili rin siya ng black faded jeans na ipapares niya raw dito. Nung turn ko namang bumili at pumili, nagpaalam si Liam na mag-c-CR muna. Tumango ako at sinabi kong hihintayin ko nalang siya. Habang naghihintay ay nagpaikot-ikot muna ako sa paligid. Nakuha ng atensyon ko ang damit na suot ng mannequin sa H&M. Saglit akong napahinto at saka iyon tinitigan. Isa iyong white halter maxi dress na mukhang hapit sa katawan kapag sinuot. Mukhang napakalambot at masarap sa balat ang tela. Napakaganda ng damit sa paningin ko, simple pero elegante. Ano kayang pakiramdam kapag nagsuot ako ng ganyan? Hindi ko pa kasi naranasang magsuot ng ganyan ka-eleganteng damit. Madalas ko lang makita ang ganyang design sa mga magazines o sa mga mall kapag namamasyal kami, pero never ko pang naranasan bumili. Palibhasa ay wala rin naman akong pambili. Simpleng T-shirt at jeans lang naman kasi ang pormahan ko at doon ako pinaka-komportable, maliban pa dahil sa ito ay mas mura kumpara sa dress. Ang mga dress ko ay puro regalo at bigay ni Liam.

Napailing nalang ako. May panghihinayang na kumilos na ‘ko para bumalik sa pwesto ko kanina upang hintayin si Liam. Pero pagtalikod ko ay siya namang pagkakita ko kay Liam na papalapit na sa akin.

“Tapos ka na?” tanong ko.

“Oo, actually kanina pa. Pinagmamasdan lang kita kasi kanina ka pa nakatulala dyan, eh.” turo nito sa mannequin na tinitingnan ko kanina.

“Ah.. wala ‘yun.. Tara na, ‘lika na.. hanap nalang tayo ng iba.”

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri namin. “Do you like that dress?”

“Ha? Hindi na.. ‘Wag na ‘yun, iba nalang..”

“But you like that dress.. It’s written in your face..”

“Eh.. mahal kasi.. grabe naman ‘yung presyo nun! Iba nalang.. tara na!” Nagsimula na ‘kong hilahin siya pero ako ang hinila niya papasok sa store. “Liam, ‘wag na dito! Sa iba na tayo maghanap!” protesta ko pa.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok hanggang sa sinenyasan niya ‘yung saleslady. Agad naman itong lumapit sa kanya. “Yes, sir! Good afternoon!”

“Can you get me that dress?” turo niya sa suot ng mannequin. “I want one for my fiancèe.”

Nakangiting tumango ang saleslady at nagsabi, “Gladly, sir. Just a moment.” at kumilos na nga ito.

Nanlaki naman ang mga mata ko. “Liam, ano ba?! ‘Wag na nga sabi ‘yan! Ang mahal niyan, noh!”

Inilagay niya ang braso niya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. “Why not? You deserve that. And I’ll buy anything for you whether it’s pricey or not.”

“Mahal nga kasi ‘yan! Kailangan nating magtipid, noh!” tanggi ko pa rin.

“Alam mo ba, nung tinitingnan kita kanina, ramdam ko na talagang gustong-gusto mo ‘yang damit na ‘yan. And I think bagay na bagay sa’yo ‘yan kapag sinuot mo. ‘Wag mo nang isipin ‘yung presyo, remember it as my last gift to you as your boyfriend and also my wedding gift, okay?”

Magsasalita pa sana ako but he immediately cut me off.

“No buts, okay? I want to see you on our wedding day na suot ‘yan, hmm?”

Napabuntong-hininga nalang ako. “Okay..” Ngumiti ako sa kanya. “Thank you for buying me that dress. I love you.”

“No worries, you’re always welcome, mahal. I love you, too.”

Naramdaman ko ang pagngiti niya nang mabilis na bumaba ang labi niya sa labi ko.

Pagkatapos bilhin ang mga susuotin namin (bumili rin kami ng damit para kila nanay at tatay) ay napagpasiyahan naming manood ng isang romantic comedy movie. Nang matapos ay umuwi na rin kami upang matulog nang maaga at makapaghanda na para bukas.

It was a long and tiring day for the both of us. Sinulit namin ang aming huling araw bilang magkasintahan. Dahil bukas, isang panibagong chapter ng aming buhay ang aming sabay na bubuksan at haharapin—ang aming pagpapakasal at pagiging opisyal na mag-asawa.

A Love For Eternity [On-Going]Where stories live. Discover now