A Love For Eternity - 3

3 1 0
                                    

“Liam, saan ba tayo pupunta? Ang aga pa, eh.”

Napatingin ako sa digital alarm clock na nasa ibabaw ng study table ko. Alas-syete palang ng umaga. Isang halik sa labi ang naramdaman ko kanina kaya naman agad akong nagmulat at ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Binati  niya ako ng magandang umaga at pagkatapos ay sinabihan na magbihis at maghanda dahil may pupuntahan daw kaming importante.

“Pupunta tayo kila James.” sagot niya habang nagsusuot ng puting V-neck shirt.

“Kala James? Ano’ng gagawin natin dun ng ganito kaaga?” takang-tanong ko. Si James ang best friend nito simula pa lamang noong high school sila. Ilang beses ko na ring nakita at nakapalagayang-loob ang kaibigang tinutukoy nito.

“Magpapatulong tayo sa kanya at sa Dad niya.”

“Magpapatulong para saan?”

“Para sa kasal natin.” kaswal na sagot nito.

“Ah, para pala sa kasal—kasal?! Teka, ano?! Kasal natin?! Ano’ng kasal ang sinasabi mo, Liam?!” napatayo ako sa gulat at mabilis na lumapit sa kanya. “Hoy, ano’ng kasal?! Seryoso ka ba, William Duke, ha?!”

Natatawa niya kong hinarap at agad hinawakan ang mga kamay ko. “O, bakit naman buong first name ko na ang binanggit mo? At bakit mukha kang nagpa-panic? Kumalma ka nga! Hahaha!”

“Ano’ng kalma ang sinasabi mo dyan?! Pa’no ‘ko kakalma sa mga sinasabi mo, ha?”

“I’ll explain everything to you, okay? Kalma muna.. take a deep breath then exhale..” hinila niya ako sa kama at sabay kaming umupo sa dulo nun.

“Oo na, sige na, kakalma na ‘ko..” Inayos ko ang sarili ko at naghanda nang makinig sa paliwanag niya. Tumango ako, giving him the sign na simulan niya na ang pagpapaliwanag.

Marahan niyang pinisil ang mga palad ko at saka tumitig sa mga mata ko. “Mahal, alam kong padalos-dalos ang desisyon kong ito—ang pagpapakasal, pero ito lang ang nakikita kong paraan at solusyon para hindi tayo mapaghiwalay ng mga magulang ko. Kapag kasal na tayo, wala na silang magagawa pa. Hindi na nila magagawa pang ipilit at ipakasal ako sa iba. Hindi na nila tayo mapaghihiwalay dahil malinaw at legal na tayong nakatali sa isa’t-isa. Isa pa, nasa legal na edad na tayo. We have all the rights and freedom to get married. Kaya naiintindihan mo ba ‘ko kung bakit ako humantong sa ganitong desisyon?”

Napatango ako. Alam ko at naiintindihan ang pinupunto niya. Batid ko ang mga dahilan ng pamilya niya kung bakit ayaw nila ako para sa kanilang anak. Alam ko kung bakit pilit nila kaming pinaghihiwalay. Una, mahirap lang ako. Wala kaming yaman na maipagmamalaki. Hindi kilala ang apelyido ng pamilya ko. Ordinaryong tao lang kami na namumuhay bilang ordinaryong mamamayan ng bansa. Hindi naman kami gano’n kahirap pero wala naman kasi kaming sariling negosyo, o bahay, o di kaya sasakyan. Nakapag-aral lamang ako sa pribadong high school dahil naging scholar ako dun. Dun kami nagkakilala ni Liam dahil dun din siya nag-aral. Ang nanay ko ay simpleng clerk sa city hall samantalang ang tatay ko ay taxi driver naman. Nag-iisang anak lang ako. Kung magkaka-negosyo naman kami, walang-wala kami kumpara sa mga Yuchengco. Walang-wala kaming maipantatapat o maihahanay man lang sa kanila. Bagaman sapat para sa amin ang kinikita ng mga magulang ko, barya lang ‘yon para sa kanila.

Pangalawa, wala sa dugo ko ang lahing Intsik. Purong Pilipino ako. Kadalasan, sa tradisyon at kultura ng mga Intsik, dapat na Intsik din ang mapangasawa nila. Paraan kasi nila ito upang mas lumaki at mas lumago ang mga negosyo nila. Hindi naman ako sang-ayon do’n. Pa’no kung hindi naman nila mahal ang isa’t-isa at napilitan lang silang sundin ang tradisyong iyon? Eh di, kawawa sila pareho! Para lang silang kasangkapan na kinailangan at ginamit upang mas mapabuti ang karamihan. Oo, alam kong dapat irespeto ang mga tradisyong ito at hindi ko naman nilalahat ang lahing Intsik pero hindi talaga ako pabor dito. Siguro kasi dahil ganito ang sitwasyon namin ni Liam.

A Love For Eternity [On-Going]Where stories live. Discover now