Kabanata 6
Maaga akong nagising sa araw ng Sabado. I took a bath and wore a light blue off-shoulder dress. Pagkatapos magbihis ay hinanda ko na ang mga art materials na ihahatid ko ngayon sa bahay nila Zoren.
Nilabas ko na rin ang carrot cake sa refrigerator at nilagay sa isang container. Nagpaalam na ako kagabi pa kay Papa at pumayag naman ito.
Nakita ko siya sa may pool area, umiinom ng kape at nagbabasa ng ilang dokumento. Nagpaalam lang ako saglit at tumulak na.
Kilala ng ilang trabahador ang pamilya ni Zoren. Alam din nila kung saan ito nakatira kaya hindi na ako nahirapang magtanong pa.
Malapit sa dalampasigan ang kanilang bahay. Pangingisda ang ikinabubuhay ng pamilya niya kaya natural lang na doon sila nakatira.
I wonder if he forgot our little rendezvous today.
Baka nandoon siya ngayon sa laot at nagingisda! Ipapakain ko talaga siya sa mga pating!
Nagtanong kami sa ilang residente kung saan eksakto ang bahay nila Zoren. Itinuro kami nito sa isang bungalow styled house. Semento ang pundasyon at kahoy na sa ilang parte ng bahay. May gate sila na gawa sa kahoy at sa gilid ay ang ilang fish nets at mga gamit sa pangingisda.
Sa may kanto lang nag park si Mang Raul dahil masikip na ang daan. Tanging mga motor lang ang kasya at pwedeng dumaan.
I wore my sunglasses and headed to the Dela Salde's house. Bitbit ko sa aking mga kamay ang lalagyan ng art materials at ng cake.
May ilang tao ang napalatingin sa akin. May ilang nagkumpulan pa para magtsismis. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa huminto sa tapat ng kahoy na gate.
"Tao po!"
Tatlong beses na akong sumisigaw at wala pa ring sumasagot. I am starting to feel uneasy because of the curious stare of everyone around.
"Tao po! Nandito po ba si Zoren?"
Dalawang beses ko pang inulit ang pagtawag bago may lumabas galing sa likod ng bahay.
Pawisan si Zoren at walang damit pang itaas. Madumi ang kanyang mga kamay at may bahid pa ng grasa sa ibat-ibang parte ng dibdib.
Hindi man lang siya nag atubiling mag damit. Lumapit kaagad siya sa gate at pinagbuksan ako.
He was topless and he's parading his glorious body!
"You're early. I thought you would come here at nine."
Hindi ko siya sinagot at pumasok na lang ako agad sa kanilang bahay. Nakita kong naka lagay ang mga sapatos at tsinelas sa shoe rack sa labas kaya hinubad ko na rin ang sandals ko at pumasok na ng tuluyan.
Maliit lang ang kanilang bahay at kaunti lang ang mga gamit at appliances but the whole house is clean. Tama lang ang pagkakapwesto ng mga ito at hindi masydong masikip tignan.
"Sterling, wear your sandals. Baka madumihan ang paa mo."
Napatingin naman ako sa paa ko at sa sahig. Wala akong nakikitang anumang alikabok o dumi kaya okay lang na magpaa. At baka madumihan ko lang din ang kanilang sahig dahil maputik sa labas. Bisita lang ako dito kaya dapat akong makisama.
"Okay lang. Malinis naman ang sahig." Pinasadahan ko ulit ng tingin ang sahig.
"No. Wear this."
Lumapit na siya sa akin at luluhod na sana para isuot ang sandal ko sa paa pero bigla akong lumayo.
"Wag na. Mukhang kakagaling mo lang maglinis. Madudumihan ang sahig kasi... maraming putik."
"It's okay. Lilinisan ko na lang ulit 'yan mamaya."

BINABASA MO ANG
Fleeting Glimpse Of Love (Dela Salde Series #1)
RomanceSterling Cassini Demonterverde was raised to be superior and strong. Bata pa lang ay nakatatak na sa kanyang isipan na dapat magaling siya sa kanyang mga desisyon. Mamanahin niya ang kanilang kompanya at maraming pamilya sa Entencia ang umaasa dito...