The Man (Teaser)

87 2 0
                                    

INTRODUCTION

'The Man'

"Xyn-der! Xyn-der! Xyn-der!" Tumingin ako sa stage ng magsimulang icheer ng mga tao dito ang pangalang iyon. Sa gitna ng stage ay naroon ang matangkad at nakalikod na isang lalaki. Nagpatuloy sila sa pagtawag sa pangalang iyon, samantalang ako ay kating-kati na makita ang pagmumukha niya.

Unti-unti kong itinulak ang kumpulan ng mga tao para makalipat sa kabilang banda ng building na ito at makita kung ano ang itsura niya. Hindi ko alam kung bakit ako nakucurious sa itsura niya pero isa lang ang pumapasok sa isip ko, i need to see his face. Reason? I don't know.

Nang nakalipat na ako sa pinanggalingan ko ay halos masapak ko ang nasa harapan ko. Kung kelan ako lumipat tsaka naman siya humarap dun sa anggulo na pinanggalingan ko. Bumalik ulit ako roon, at pagkabalik ko doon ay gusto ko na lang batuhin ng itlog ang lalaking iyon. Nakatalikod na naman siya at hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Nanatili ako sa pwesto ko at titig na titig lang ako sa kanya, kapag naman ay hindi siya humarap dito ay iisipin kong sinasadya niya talaga ang lahat.

"Hershey," bumaling ako kay Ris na kakapasok lang "Why are you here?" tumingin siya sa paligid at nagmasid.

Ipinakita ko ang litratong ibinigay sa akin kanina ni Zira at nalaglag ang kanyang panga.

"Nakita mo na?" tanong niya at hinampas ko sa kanya ang litrato. "Aray! Bakit mo ako hinampas?"

"Isip naman, Ris!" bulyaw ko "kaya nga ako nandito para mahanap ko na ang bwisit na 'to!" Tumingin ulit ako sa lalaking nasa stage na hanggang ngayon ay nakatalikod.

"Paano mo naman nalaman na nandito yang lalaking 'yan?" Ipinakita ko sa kanya ang tracker na nasa kamay ko at tumango tango siya. "Kung ganon, alam mo na kung ano ang pangalan niya?" Halos lumubog ako sa lupa ng itanong niya sa akin 'yan kaya naman ay nagsalita na siya para sagutin ang sarili niya.

Bumaling ako sa tracker ng nakitang gumagalaw ito. Tumingin din ako sa stage at nakitang wala na roon ang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ikaw nga iyon. Umiling ako. Wrong move, mister.

"Got yah!" sambit ko at tumakbo sa stage na agad naman sumunod si Ris sa akin.

"San na?" binalewala ko ang tanong na iyon ni Ris at tiningnan ang tracker. Nawala na sa tracker ko ang target at sigurado akong nakalayo na iyon.

Inihampas ko ang kamay ko sa kanya at agad naman niyang hinimas ito.

"Aray! Ano bang problema mo!?" sigaw niya. Natigil ang mga tingin ng mga tao dito sa aming dalawa. Nagtakip ako ng mukha gamit ang aking kamay, bwisit, ang galing niya talaga kumuha ng atensyon! Dinadamay pa ako! Tumakbo ako palabas at tumalon sa kotse ko.

"Teka!" habol niya at sumakay sa tabi ko. Nagmaneho ako papunta sa Main at dumiretso sa opisina ko.

"Hershey!" tawag ni Zira. Nilingon ko siya at kinuha ang papel na hawak niya. Tinignan ko iyon at alam ko na ang balak niya.

"Have lot of lucks, Hershey!" tumawa siya at umalis sa aking harapan.

Tinignan ko ang papel na may picture sa right side. Bakit ba init na init siya sa lalaking ito at gustong gusto niyang ipahuli sa akin? My goodness, Zira. Kung pwede lang kitang sawayin ay matagal ko nang ginawa.

Name: Xynder Andromeda
Age: 19 years old
School: Salidu University
Address: Nowhere

Blah. Blah. Blah.

Such a good help, Zira. You can beat him up whenever you want, though, you can't. Because you can't afford seeing yourself beating up someone else. Because you're scared.

Dumiretso ako sa opisina ko at ipinaikot-ikot ang upuan ko. Where should I start this, huh?

Bumaling ako kay Ris at nag-iwas siya ng tingin. Tumayo siya at dumiresto palabas, don't be scared Ris. You're the only one, i need. Then, i laughed.

I'm in, Zira.

I'll be your manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon